GORGY RULA:
Sinagot ni Ai-Ai de las Alas ang tungkol sa pag-move on niya sa hiwalayan nila ni Gerald Sibayan.
Pero hindi lang tungkol kay Gerald ang tinanong sa original Comedy Queen, kundi ang pag-move on din niya sa friendship nila ni Kris Aquino.
Ngayong nagpapagaling pa rin si Kris, ipinagdasal din ba niya ang dating matalik na kaibigan?
“Huwag na natin pag-usapan yun. Sana okay siya,” kaagad na sagot ni Ai-Ai nang nakapanayam namin sa nakaraang media conference ng pelikula niyang Batang Paco.
Sabi ni Ai-Ai, matagal na raw niyang kinalimutan ang sama ng loob sa dating kaibigan.
“Wala na yun. Let’s all move on, past na yun,” pakli niya.
AI-AI DELAS ALAS SAYS KRIS AQUINO WAS PART OF HER LIFE
Hindi naman daw niya puwedeng isantabi lang ang mga pinagsamahan nila ni Kris. Hindi maikakailang naging bahagi ng buhay niya ang kanyang “friendship.”
“Si Kris ay naging part ng buhay ko, my friendship. She will be my friendship anyway,” saad ni Ai-Ai.
Hindi na niya idinetalye, pero nagparating naman daw siya ng mensahe kay Kris.
“Actually, nag-reach out ako sa kanya, e,” sambit nito. Pero hindi raw siya nasagot ni Kris.
“Hindi ko alam kung nagbago na siya ng phone.”
Read: Marjorie Barretto says last moments with mom "a chance to heal"
NOEL FERRER:
Nagpapasalamat si Ai-Ai de las Alas na nandiyan pa rin ang iba pa niyang malalapit na kaibigan. Isa na rito si Eugene Domingo na hindi raw nagbago.
Tuluy-tuloy raw ang ugnayan nila. “Merong… magba-vlog kami bukas. Guest ako sa vlog niya,” bulalas ni Ai-Ai.
“Parati naman kami nagte-text. Kanina, nagkamali nga ako. Tine-text ko yung yaya ko.
“Sabi ko, ‘Yaya, paki ano... si Sailor, pakipakain.’ Sabi niya talaga, ‘Yes, BF.’ Sa kanya ko na-text! 'Yes BF, ngayon na. Pakakainin ko na si Sailor.'
"Tawa ako nang tawa. Ano ba yan!” natatawa niyang kuwento.
Natatawa na rin si Ai-Ai kapag naaalala niyang lagi raw niyang pinagsabihan noon si Uge na dapat na mag-asawa ito.
“Sanaol! Ano ba? Ako talaga yung nagsabi sa kanya dati nung dalaga pa.
“Sabi ko, ‘BF, mag-asawa ka. Iba yung may asawa. Iba yung may kasama sa buhay,’ sabi ko sa kanya. 'Mag-asawa ka, BF. Ipagpe-pray ko, mag-asawa ka.'
“Putsa ngayon, siya yung may asawa, ako yung wala.”
Ipinapanalangin daw niyang sana magsama sila muli ni Eugene sa isang pelikula.
“Ako, nagpe-pray ako na sana magkaroon kami ng reunion.
“If ever makagawa ulit ako ng isang parang Tanging Ina. Kahit hindi eksaktong ganun, pero makagawa ulit ako ng about mothers,” sabi pa ni Ai-Ai.
Read: Claudine Barretto shares last moments with Mommy Inday
JERRY OLEA:
Hindi rin nagsunog ng tulay si Ai-Ai de las Alas sa GMA-7, ngayong may ginagawa siyang drama series sa TV5.
Isa si Ai-Ai sa mga bida ng bagong teleserye ng Kapatid network na My Bespren Eman.
Pero bago niya ito tinanggap, nagpaalam daw muna siya sa GMA-7.
“Hindi puwedeng hindi!” bulalas niya. “And thank you sa GMA kasi nga, pinayagan ako.”
Nilinaw niyang ang Sparkle ng GMA Artist Center pa rin ang nagha-handle sa kanya. Kaya mananatili pa rin siyang Kapuso.
“I’m still under Sparkle. Thank you so much sa GMA kasi, pinayagan ako na gumawa sa TV5,” sey ni Ai-Ai.
May gagawin pa rin daw siya show sa Kapuso network.
“Yes! Kaya yung ibang mga Kapuso na nagtatanong. I’m still under Sparkle pa rin po. And thankful that and GMA po na pinayagan ako na gumawa sa TV5,” sabi pa ni Ai-Ai.
Malaking challenge daw ito sa kanila na ang teleserye nilang My Bespren Eman ang unang iere ng Kapatid network sa primetime.
Sa pagkakaalam namin, bandang Marso ito magsisimula.
“So challenging. Kasi ito nga yung first soap… and I think ipapalabas din siya sa Netflix. I think. Hindi ako sure!” saad ni Ai-Ai.
