GORGY RULA
Muli kong pinanood ko ang Bagets The Musical sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, noong Huwebes, January 29, 2026.
Gala night ito kaya inaasahan ang pagdalo ng ilang celebrities lalo na ang mga miyembro ng pelikulang Bagets.
Dumating sina Herbert Bautista, Raymond Lauchengco, Eula Valdes, Yayo Aguila, at Cheska Iñigo.

Nandoon din si Angeli Pangilinan-Valenciano kasama ang anak niyang si Gab Valenciano, at sina Nadia Montenegro at Arlene Muhlach.
Hindi namin napansin, pero sinabi sa aming nandoon din daw si Justin ng SB19, pero hindi niya natapos ang halos tatlong oras na musical play.
Si Herbert ay umalis pagkatapos ng first act ng play. Ganundin din ang ilang executives ng GMA-7 na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Gigi Santiago-Lara, at Tracy Garcia ng Sparkle.
Read: From Screen to Stage: Bagets The Movie vs. Bagets The Musical
ANDRES MUHLACH AS A MUSICAL ACTOR
First time kong napanood si Andres Muhlach, at ang ibang kasamahan ko ay pangalawang beses na.
Ayon sa mga nakapanood na kay Andres, malaki na raw ang in-improve ng binatang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Hindi man siya makasabay sa mga magagaling na stage actors na talagang singers, bagay pa rin sa kanya ang role at maayos naman niya itong nai-deliver.
Malaking tulong itong Bagets The Musical sa pagiging aktor ni Andres dahil lalo siyang nahahasa sa pag-perform.
Pero malaki rin ang ambag ni Andres dahil kung ibang magagaling na singers at stage actors ang gaganap, hindi ito mapag-uusapan nang husto at sasadyain ng karamihan ng mga manonood.
Mas marami ang naku-curious kung kasing galing din ba ni Andres ang kanyang ama. Pero ibang-iba naman kasi ang pelikulang Bagets kesa sa musical.
Malaking bagay lang na ang ama ang gumanap bilang Adie sa original film, at ang anak naman ang nasa musical play.
Agree ako sa sinasabi ng iba na mas marami sa mga manonood ang curious na panoorin ang performance ni Andres.

RAYMOND LAUCHENGCO
Nag-enjoy si Raymond Lauchengco sa musical play.
Aniya: “It was a lot of fun to watch the musical. I can’t believe 42 years after we did the movie, meron nang musical at buhay pa kami. Thank God!
“It was very fun. Lots of nostalgia, lots of good memories came flooding back. So I enjoyed it.”
Pinakagusto naming bahagi ng palabas ay nang kinanta na ang "Farewell To You My Friend" na pinasikat ni Raymond.
At yun nga raw ang pinakagusto niya.
“Siyempre my songs! Of course! Biased ako, e,” napangiting pakli ni Raymond.
Read: Labor cases against GMA-7 explained; what's next after Supreme Court decision?
NOEL FERRER
Masaya ang mga taga-Viva at Philippine Star dahil sa magagandang feedback na natatanggap nila sa Bagets The Musical.
Maganda ang partnership ng PhilStar Media Group at Viva Communications Inc. sa musical play na ito, at posibleng masundan ng isa pa.
“Hoping for the next one,” pakli ni Mr. Miguel Belmonte, ang Presidente at CEO ng PhilStar Media Group.
“Probably it’s gonna be Annie Batungbakal. It will be the next one after this.”

ANNIE BATUNGBAKAL THE MUSICAL?
Pero aayusin pa nila ito dahil bukod sa pelikulang Annie Batungbakal (1979) ng namayapang superstar Nora Aunor, puwedeng kumuha rin sila sa pelikulang Bongga Ka, ‘Day (1980) gamit ang mga awitin ng grupong Hotdog.
Marami pa rin ang nakaka-appreciate sa Manila sound lalo na sa mga awitin ng Hotdog.
Wala pa silang naiisip kung sino ang perfect na gumanap bilang Annie Batungbakal.
Minsan ay nag-perform si Sarah Geronimo sa ASAP ng "Annie Batungbakal."
Hindi niya ginampanan ang lead role sa pelikulang Annie B. (2004) na pinagbidahan ni Jolina Magdangal.
“I don’t know lang what’s gonna be ahhh… bahala na si Boss Vic.
“Ano lang tayo, di ba? Tagasuporta lang,” napangiting pahayag ni Sir Miguel Belmonte.
Kung nasubukan na ni Andres ang musical play dito sa Bagets The Musical, bagay kaya si Atasha Muhlach na mag-Annie Batungbakal?
Kumakanta talaga si Atasha at magaling siyang sumayaw!
Read: FAMAS officials reveal Ian Veneracion, The Kingdom declined recognition

JERRY OLEA
Facebook post ng multi-awarded composer-musical director na si Vincent de Jesus: “Theory mode lang, hindi chismis mode. Hehe. One thing I learned from years in musical theatre, singing is not a bonus skill — core requirement siya.
“A good director can block around actors. You can adjust choreography. You can fine tune staging, tweak and revise the script (kung original material) and even adjust the melody (kung original songs).
“But you cannot stage around ‘puwede na’ singing in a musical — because the storytelling itself is sung.
“All seasoned musical theater actors know this — it's not just about good singing. It's storytelling through song.
“Casting IS the production.”
Hmmn… sino kaya ang masasapul sa words of wisdom na ito ni Vince?
Siyangapala, ang mga pelikulang Annie Batungbakal (1979), Bongga Ka ‘Day (1980), at Bagets (1984) ay pawang idinirek ni Maryo J. de los Reyes.
Looking forward din tayo sa stage musical adaptation ng mga pelikulang Die Beautiful (2016) at Moral (1982).
Abang-abang din tayo kung matutuloy ang pagsasadula ng pelikulang Relasyon (1982), pero gay version. Bading yung third wheel o kulasisi.
Of course, excited din tayo kung matutuloy this year ang isang stage play na inspired ng pelikulang Scorpio Nights (1985).
Read: Marjorie Barretto says last moments with mom "a chance to heal"
