GORGY RULA
Parehong nagbabalik-pelikula sina Ejay Falcon at Sheryl Cruz sa next project ng Mamay Production na pinamagatang Kappa-tiran ni Direk Neal "Buboy" Tan.
Naging visible si Sheryl noong ginagawa niya ang afternoon drama na Lilet Matias: Attorney at Law. Pagkatapos nito ay hindi na nasundan.
Sa story conference ng Kappa-tiran, tinanong ng PEP Troika si Sheryl kung ano ang pinagkaabalahan niya nung wala siyang ginagawang teleserye o pelikula.
“Travelling! Travelling with my cousin who owns Levy Travel and Tours,” bulalas ni Sheryl.
Pinakiusapan daw si Sheryl ng pinsan niyang si Rose Levy na sumama sa mga biyahe nila, para siya na mismo ang mag-promote ng travel agency nito.
“Ako yung pinaka-spokesperson niya. Pag hindi ako busy sa mga tapings, sa engagements, I travel.
“I went to India. I went to Europe. Yun ang mga ginagawa ko,” dagdag ni Sheryl.
Read: Jojo Abellana, inaming walang imbitadong Abellana sa kasal ni Carla

AROUND THE WORLD WITH SHERYL CRUZ
Kakaibang experience daw ito sa kanya, dahil ang dami niyang natutunan sa mga lugar na napuntahan niya, at hindi pa raw siya gumagastos.
Aniya: “Sobrang saya because napaka-educational... madaming iba’t ibang klaseng cultures, iba’t ibang mga pagkain, iba yung mga religious beliefs.
"Ang gaganda ng mga artworks, ang ganda ng mga architecture. Yung ganyan. Napaka-educational.
"And, at the same time, I’m so blessed because I travel without spending money.
“I don’t travel to spend money na talagang pinaghirapan ko. Kundi I travel as part of Levy Travel and Tours.
"And at the same time, I’m able to meet different people, to meet different people from different backgrounds. So, very fortunate.”
May binanggit si Sheryl na mga lugar na pinakapaborito niyang puntahan.
“I went to Valletta, Malta. I went to Sicily, Italy. I went to Turkiye several times. I went to India. I went to Milan... Thailand.
“Turkiye is very beautiful. India is very beautiful.
"At saka para magpakuha ka dun sa Taj Mahal sa Agra, talagang one of the 7 Wonders of the World.
“Talagang sobrang…. it’s so surreal na parang hindi ka makapaniwala na, 'Nandito na ba talaga ako?'” sey ni Sheryl.
Read: Gretchen Barretto attends wake of mother Inday Barretto
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Naikot din daw ni Sheryl Cruz ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa pagiging artista niya.
Naikot daw niya ang iba’t ibang lugar para magbigay entertainment sa ating mga kababayan.
Kaya na-enjoy raw niya ang mag-travel na libre na ay may bayad pa bilang performer.
Para sa kanya, magandang investment din ang mag-travel.
Payo ni Sheryl sa mga magulang, mas magandang sabihan ang mga anak nating magbiyahe at i-explore ang bawat lugar, lalo na ang ating bansa.
“Alam mo sa totoo lang, mahal ko ang Pilipinas,” bulalas ni Sheryl.
SHERYL CRUZ VISITS ANTIQUE
Kamakailan lang ay pumunta raw siya sa Antique, ang hometown ng kinalakihan niya at itinuturing na second mother na si Nanay Doray.
“Ang Antique, napuntahan ko. Tuwang-tuwa ako dahil meron ng airport dun sa Antique sa San Jose.
"Yun yung lugar kung saan ipinanganak yung Nanay Doray ko who’s been with me for… ever since I was... she’s 80 years old na ngayon.
“The last time I went with her to Antique was, like, two years ago, Christmas and New Year.
“So, tuwang-tuwa ako nang nalaman ko na sina Senator Loren Legarda, nag-open na ngayon ng ano doon, ng airport. So, mas madali na.
"Kung sino yung kasama mo, mas madali mo na siyang samahan, di ba?
“Ang ganda ng Antique actually. Kasi ano, malapit lang siya sa Boracay. May part na malapit sa Boracay.
“Yung Aningalan, sobrang ganda! Because it has not yet been inhabited by ano, by tourists.
"Hindi pa siya nagagalaw ng maraming turista, hindi pa nakikita ng maraming turista.
“Once na maayos yun, I’m sure maraming turista na puwedeng dalhin doon,” sabi pa ni Sheryl.
Ang Aningalan sa Antique na sinasabi ni Sheryl ay kilala sa strawberry farm kaya tinatawag itong "Little Baguio."
Read: Home Alone actress Catherine O'Hara dead at 71
JERRY OLEA
Ramdam daw ni Sheryl Cruz ang hinaing ng iba na mas mahal pa ang magbakasyon sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa kesa abroad.
Sana ay may magawa raw ang ating gobyerno na maging affordable ang magbakasyon sa iba’t ibang tourist destinations sa Pilipinas.
Sana ay mabigyan daw ng magandang offer ang local tourists at bigyan ng special price kapag kasama ang buong pamilya.
“Sana mas maging affordable siya, at saka sana mas maging friendlier sa mga families,” pakli ni Sheryl.
“Kasi, di ba? Pag sobrang pagod na sila sa katatrabaho, sana mabigyan man lang sana sila ng incentives na medyo meron silang mga ano…kung hindi bargain yung mga ganyan ba? Para ma-experience nila yung kagandahan ng Pilipinas.”
PROMOTING NUNUNGAN, LANAO DEL NORTE
Ang maganda raw sa pelikula nilang Kappa-tiran ay mapo-promote ang ganda ng Nunungan, Lanao del Norte, kung saan ay vice-mayor ngayon doon ang producer ng Mamay Productions na si Marcos Mamay.

“Actually, natutuwa ako dahil napasama ako dito sa proyektong ito sa Kappa-tiran. Because nakikita niyo ngayon yung producer natin, si Mayor Mamay.
“Kahit papano yung advocacy niya is not only to help mga tao sa industriya, sa film industry. Kundi makatulong din sa pagpapakita ng kung gaano kaganda yung lugar niya sa Lanao del Norte, yung Nunungan.
“Dun kami actually magpi-first day shooting. Nalaman ko kay Direk Neal,” saad ni Sheryl.
Read: Labor cases against GMA-7 explained; what's next after Supreme Court decision?
