GORGY RULA
Pinagpipiyestahan muli ng production staff ng isang teleserye ang dati nilang nakatrabahong morenong aktor.
Nang nabalitaan nilang may gagawing teleserye si Morenong Aktor, halos iisa ang komento ng mga nakatrabaho nito sa mga staff na makaka-work ng aktor: “Good luck!”
Hinding-hindi kasi makalimutan ng mga production staff ang mga hirap na pinagdaanan nila kay Morenong Aktor.
Ang titindi ng mga terminong inile-label nila rito.
Ilan sa nagmarka sa amin nung ikinuwento nila ay "narcissistic" ito at "power tripper."
Sa totoo lang, ipinagtanggol ko pa si Morenong Aktor dahil mabait ito kapag nakakausap namin.
Maayos siyang sumagot sa amin at wala kaming naranasang hindi maganda sa kanya.
Tinalakan ako ni Madam Boss ng production na nakatrabaho ni Morenong Aktor.
Hindi ko lang daw alam kung ano ang ugali nito sa oras ng trabaho.
Karamihan ay sumusumpang ayaw na siyang makatrabaho.
Read: Jojo Abellana: Walang imbitadong Abellana sa kasal ni Carla
THE CASE OF MORENONG AKTOR
Ang kuwento ng isa sa mataas ang posisyon sa production, mga araw na sunud-sunod ang taping ni Morenong Aktor at ang daming sequences na kinunan sa kanya.
Medyo nagsusungit na raw ito, pero dedma na lang ang production staff dahil gusto na lang nilang matapos ang taping.
Nang sumunod na araw, hindi na raw maganda ang timpla ni Morenong Aktor.
Ayaw raw nitong lumabas ng tent hangga’t hindi dumarating doon sa set si Madam Boss.
Mabuti at malapit lang daw sa location ang office ni Madam Boss kaya kaagad siyang tumakbo sa taping para harapin si Morenong Aktor.
Ang ginawa raw ni Morenong Aktor, ipinatawag ang mga staff na inirereklamo niya.
Pumila raw ang mga staff at isa-isang pinaharap ni Morenong Aktor kay Madam Boss.
Sinabi raw ni Morenong Aktor kung anu-ano ang mga problema sa mga staff na ito.
May diperensiya, may hanash, at reklamo si Morenong Aktor sa lahat ng mga pinapilang staff.
Naloka si Madam Boss, at hindi alam kung ano ang gagawin.
Para matapos at matuloy na lang ang taping, nag-sorry raw ang lahat ng production staff kay Morenong Aktor at pati kay Madam Boss.
Read: Arabelle dela Cruz grand champion in South Korea's Veiled Cup
JERRY OLEA
Kamakailan lang ay sinariwa ni Madam Boss ang ginawa ni Morenong Aktor.
Ang sabi ni Madam Boss, huwag na huwag na siyang pahawakin ng show na pagbibidahan ni Morenong Aktor.
Hindi raw maatim ni Madam Boss na ganoon ang ginawa nito noon sa mga production staff niya.
THE CASE OF MESTISONG AKTOR
Halos ganito rin ang nangyari kay mestisong aktor na nakabangga rin sa taping ang production staff.
Hindi naging maganda ang kanilang kumprontasyon, na umabot na sa mga big boss. Nagkaayos naman sila.
Pero ang kapansin-pansin, wala si Mestisong Aktor sa mga naka-lineup na shows nitong TV network ngayong 2026.
Halos buo na raw ang mga programang gagawin hanggang third quarter, pero wala sa listahan ng mga kukuning artista si Mestisong Aktor.
Sa totoo lang, dapat talagang pakisamahan ng mga artista ang production staff.
Dahil kung hindi maganda ang ipapakita mo sa kanila, kakalat yun at posibleng iiwasan ka na ng ibang production.
Read: Mestisong aktor, na-trauma sa hubaderang GF ng ama
NOEL FERRER
Devil’s advocate lang: hindi kaya dahil mahirap ang buhay ngayon?
Maraming walang trabaho at tipid na ang mga produksiyon, hindi kaya puwedeng binago na rin ng panahon itong dalawang aktor na ito?
Sana lang, maging consistent sila sa magandang attitude maliban sa pagpapakita ng kanilang galing sa pagganap para maging top of mind pa rin sila sa casting… at hindi kung anik-anik na role lang ang matoka sa kanila, di ba?
Sana, everything works out for the best!
Read: Overacting father, binalaan ang poging aktor na karibal ng anak
