GORGY RULA:
Hindi naabot iyung inaasahan naming rating ng finale episode ng Sanggang Dikit FR na nagtapos noong Biyernes, January 30, 2026.
Ganoon pa rin ang viewing level ng mga programa sa telebisyon. Kaya kahit patapos na ito, hindi ito umalagwa nang bonggang-bongga.
TV RATINGS FOR JANUARY 30
Narito ang ratings ng prime-time shows noong araw na iyun.
Ang 24 Oras ay 11.6%, ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol ay 3.7%.
May nanood pa nga sa PBA Finals sa RPTV na naka-3% ito.
Sumunod ang Sang’gre na naka-9.2%, ang Batang Quiapo ay 8.7%, at ang Totoy Bato ay 0.8%.
Ang finale ng Sanggang Dikit ay 7.2%, ang Roja ay 4.3%, at ang What Lies Beneath ay 2%.

Ganundin sa afternoon prime na sinimulan ng It’s Showtime at Eat Bulaga!
Pagkatapos ng Cruz vs Cruz, ang Hating Kapatid na ang nanguna sa afternoon drama ng GMA-7.
Parang lie low lang ang House of Lies.
Narito ang ratings noong Biyernes ng hapon:
Ang It’s Showtime ay 5.2%, at ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 5.4%. Ang House of Lies ay 4.6%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.2%, at ang replay na Unica Hija ay 3.5%.
Ang Delightfully Deceitful ay 2.1%, at ang Family Feud, kunsaan naglaro sina Jillian Ward at David Licauco ay naka-7.1%.

Read: Mon Confiado, 17 years nakarelasyon si Ynez Veneracion noon
JERRY OLEA:
Noong Pebrero 2, Lunes, nagsimula ang Never Say Die nina Jillian Ward at David Licauco. Puwede na ang rating ng pilot episode nito.
Ang mga programa naman ng TV5 ay lalo pang bumaba. Kaya sa total ratings nito ay tinaasan pa ito ng AllTV at A2Z na dala ang mga programa ng ABS-CBN.
Narito ang ratings sa prime-time noong Lunes, Pebrero 2:
Ang 24 Oras ay 12.5%, ang Frontline Pilipinas ay 2.1%, at ang TV Patrol ay 3.7%.
Sumunod ang Sang’gre na 9.2%, ang Batang Quiapo ay 8.8%, at ang Totoy Bato ay 0.9%.
Ang pilot episode ng Never Say Die ay 7.1%, at ang Roja ay 3.8%.
Narito naman ang ratings noong Lunes ng hapon:
Ang It’s Showtime ay naka-5.1%, samantalang ang Eat Bulaga! ay 2.7%.
Sumunod ang Hating Kapatid with 4.9%. Ang House of Lies ay 4.6%. Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 3.3%, at ang replay ng Unica Hija ay 3.0%.
Ang Delightfully Deceitful ay 2.0%, at ang Family Feud ay 6.7%.

Read: Emilienne Vigier speaks about relationship with Joshua Garcia
NOEL FERRER:
Laging nagte-trending ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 pero hindi iyon nata-translate sa ratings sa free TV.
Noong Sabado, January 31, na 6th Eviction Night ng PBB, naka-6.1% lang ito. Ang katapat na Rainbow Rumble ay 2.2%, at ang Frontline Weekend ay 1.3%.
Pero bago iyan, ang 24 Oras Weekend ay 5.3%, at ang TV Patrol Weekend ay 1%.
Pagkatapos ng PBB, ang Pepito Manaloto ay 7.5%, at ang Your Face Sounds Familiar ay 2.3%.
Noong Linggo, February 1, medyo tumaas ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0. Naka-6.8% ito, hindi ito ganun ka-impressive.
Ang katapat na Rainbow Rumble ay 2.3%. Ang 24 Oras Weekend ay 5.9%, ang TV Patrol Weekend ay 1.2%, at ang Frontline Weekend ay 0.8%.
Pagkatapos ng PBB, ang Bubble Gang ay 7.4%.
Ang katapat na Your Face Sounds Familiar ay 2.3%, at mataas pa rin ang PBA Finals sa RPTV na 3.6%.
