JERRY OLEA
SWAC (sealed with a contract) ang pagiging Nathan Angels ng mga bida sa MMFF 2025 official entry ng Nathan Studios na I’m Perfect.
Pumirma ng kontrata sina MMFF 2025 best actress Krystel Go at Earl Amaba — maging ang walo pang co-stars nila na Persons With Down Syndrome — sa Nathan Studios noong Pebrero 3, 2026, Martes, sa Salu-salo Events Place, Sct. Santiago St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Read: Emilienne Vigier talks about three-year relationship with Joshua Garcia

Ang mensahe ng Nathan matriarch na si Sylvia Sanchez: “Magandang araw sa ating lahat. First and foremost, thank you all for being with us today.
“Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing — ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.
“Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo.
“These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.
“Bago pa man magsimula ang pelikulang I’MPERFECT, nakikitaan na namin kayo ng potensyal. We believed in you even before the cameras rolled — before the lights, before the applause.
“And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble.
“Isang napakalaking tagumpay — hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo.
“We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you.
“Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kuwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami…
“Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.
“Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado… gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.
“Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala — tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin.
“At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang — salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.
“Welcome to Nathan Studios. This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you.”
Read: Lito Pimentel on second chances and being a dad in his 60s
ICE ALMERIA
Pumirma rin ng kontrata sa Nathan Studios si Ice Almeria, ang champion sa dance competition na Time To Dance sa ABS-CBN.
Ang nag-host ng programa ay si DJ Jhai Ho.
Nag-group hug siyempre si Mamang at ang Nathan Angels.
Bago mag-photo op ay nag-chant sila ng kanilang mantra: “Yes we can! Yes we can! YES WE CAN!”
Kapagkuwan ay nagpakitang-gilas ang Nathan Angels ng dance number sa saliw ng "Golden" at "Soda Pop."
GORGY RULA
Bukod sa dalawang bida ng I’mPerfect na sina Earl at Krystel, kasama sa mga pumirma sa Nathan Studios ang iba pang persons with Down syndrome na sina Carl Garcia, Bea Mendoza, Royce Gian Rivera, Javi Sarmiento, Angela Batallones, Gio Dicen at Jonathan Tilos.
Hindi nakasali sa pagpirma si Richelle Uy dahil nagkasakit daw ito.
SYLVIA SANCHEZ ON HANDLING ARTISTS WITH DOWN SYNDROME
Aware si Sylvia na hindi ganoon kadali i-handle ang kanilang showbiz career dahil limitado lang ang possible projects na puwede sila.
“Mahirap, yes. Kasi hindi ito yung parang artista ibebenta ko o ilalako ko lang, di ba?
“Iaano ko sa ABS-CBN, sa GMA, sa lahat na istasyon na meron akong artista.
“Alam ko naman na bihira yung persons with Down syndrome na limited sila na makuha sa pelikula.
“Pero hindi lang naman kasi sa loob ng Philippine cinema… hindi lang naman sa industriya natin.
“Kundi pati yung endorsement, pati yung job nila sa labas… alam mo yun. Gusto ko silang ihanap ng trabaho,” saad ni Sylvia.
Kaya hindi lang daw pang-artista kundi sa ibang projects kagaya ng endorsements at paldung-paldo ang mga alaga niya.
“Hindi sila mahirap ilapit, ha?” bulalas ni Sylvia.
“Like itong February is month of Down Syndrome. So… of course sa Nailandia, nandun na yun, brand ambassador sila.
“Ngayon, kinukuha yung mga girls ng Wacoal “Magmo-model sila dun.
"O, di ba, first time na persons with Down syndrome na magmo-model ng Wacoal.
“Nakakatuwa yun, ibang tema yun. Inclusivity…dun sila sa inclusivity.
“MagsU-shoot sila sa Feb 7. Then si Krystel, kunin na rin sa March sa Women’s month.
“So, tuluy-tuloy sila… may ganun. Apat yung kinuha nila na girls, isa dun si Krystel. So, nakakatuwa.
“Tapos meron pang kumukuha… in fact tonight, pagkatapos nito, meron akong meeting sa hindi ko pa masabi kung anong brand yun. Kinukuha din sila… may mga bags o kung ano man, kinukuha din sila. Nakakatuwa,” dagdag ni Mamang Sylvia.
Read: Likha Music International shows artists how to earn beyond gigs and streams
Tuluy-tuloy raw ang trabaho nila, lalo na ngayong marami pa rin silang imbitasyon ng block screenings para sa I'm Perfect.
Kaya halos araw-araw ay magkakasama raw sila, at natutuwa si Sylvia pati ang buong pamilya.
“Alam ko naman na mahihirapan ako. Pero kailangan maging buo ang loob mo, matapang ka, e.
“Suungin mo lahat. I-head on mo lahat ng takot mo for them. Kasi kung hindi ko gagawin, sino ang gagawa? Sino ang mag-uumpisa.
“I know nag-umpisa na yung iba. Pero yung i-push pa sila nang matindi. Dito sa industriya, wala naman talaga e. First time, e.
“So, kung hindi ko gawin, at hindi ko talaga gawin at hindi ko talaga susubukan at lalakasan ang loob ko, walang mangyayari, walang inclusivity for them itong ginagawa namin,” lahad ni Sylvia.
NOEL FERRER
Hindi madali iyang ginagawa ni Sylvia ha?! Pero malaking tulong sa mga taong may Down syndrome ang apostolado niya.
Interesting kung anu-anong work possibilities ang naghihintay sa newly signed Nathan Angels.
Naging advocacy na ni Sylvia ang ang ganitong pagtulong.
All the best, Ibyang, Nathan Studios and your newly signed talents!
Read: Jerry Yan, Vic Zhou attend unveiling of Barbie Hsu's memorial statue on first death anniversary
