PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynez Veneracion, malaki ang pasasalamat sa ex na si Mon Confiado

Ynez Veneracion, posible kayang magkaanak sa ex na si Mon Confiado?
by PEP Troika
Published Feb 5, 2026
ynez veneracion mon confiado batang paco
Ynez Veneracion on why she and ex-partner Mon Confiado are better off as friends: "So ngayon, mas ine-enjoy namin yung andiyan kami pareho, para sa anak ko, di ba? Pero walang ganun, walang away. Pag nag-usap kami sa isang problema, yung intindihan. Minsan nagtatalo kami. Pero alam mo yung, the end of the day, kahit na magtalo kayo, alam ninyong naiintindihan ninyo yung isa’t isa."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Malaki ang bahagi ni Mon Confiado sa buhay ng dalawang anak ni Ynez Veneracion na sina Princess Keilah at Jianna Kyler.

Pero nilinaw ni Ynez na hindi nagkukulang ang mga tatay ng daughters niya.

Si Keilah ay anak ni Ynez kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, habang si Jiana ay anak ng aktres sa ex-boyfriend niyang si Bryan Julius Recto.

“Ang lucky ng anak ko kasi yung dalawang tatay na tumayo, talagang perfect,” pakli ni Ynez sa mediacon ng pelikulang Batang Paco noong Enero 29, 2026, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Kumbaga, yung isa present, tapos nakakapag-provide.

“Yung isa naman, although talagang understandable dahil public figure siya, di ba? Wala talagang masyadong time dahil nasa publiko ang oras, but he still supports.

“Kumbaga, yung suporta sa anak ko, nandun pa rin. Hindi niya pinababayaan yung anak when it comes to ano… sa lahat ng needs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ynez Veneracion, 40, welcomes Baby Jianna Kyler

MON CONFIADO ON YNEZ VENERACION'S DAUGHTERS

Super-cry si Ynez nang ilahad ni Mon ang pag-aaruga, pagmamalasakit at pagmamahal niya kina Princess Keilah (15 years old na this February) at Jianna Kyler.

“Siyempre anak, e. Di ba? Parang eto, itong Batang Paco, it’s all about single parents,” sabi ni Ynez.

“Being a single dad. So ako, single mom. Kapag ganun ang mga naririnig mo, magaganda ang naririnig mo tungkol sa mga anak mo, siyempre, di ba?

“Kita mo nga, si Miss Ai-Ai [delas Alas], naiyak! Noong una, pinipigilan ko talaga, naiiyak na ako.

“Kaya lang noong nakita ko si Ai na medyo umaano na… super-pigil ako, kaya lang noong nakita ko si Miss Ai, sabi ko, wala na.

“Itulo ko na lang kesa… masakit kasi kapag pinigilan mo. Kaya inilabas ko na lang.

“Siyempre, kasi lahat ng naririnig ko, maganda. Siyempre na-appreciate ko lahat ng magandang ginawa sa kanya. Di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kumbaga, si Mon ang tumayong tunay na tatay ni Keilah, although andiyan naman talaga yung biological father.

“Full support din naman siya. Pero ito kasi, lahat ng oras, naibigay. So, parang I feel so lucky for my daughter na talagang kahit papaano, naging complete siya.”

GORGY RULA

Mula nang isinilang ni Ynez Veneracion si Princess Keilah ay tumayo nang ama nito si Mon Confiado.

“Nung baby pa, nakikita-kita na din niya yan. Tapos naaalagaan na din naman niya,” pagsisiwalat ni Ynez.

“Kahit hiwalay na kami ni Mon, nagki-keep in touch sila ni Keilah. Dire-diretso.

“Sa school, pag may problema sa school, pag may taping ako, shooting ako, hindi ako nakakapunta sa mga meetings, sa mga gatherings — siya talaga.

“Siya talaga yung ano, siya talaga yung pumupunta. Napapakiusapan ko siya. ‘Kung wala kang taping, baka puwedeng ikaw muna? Kasi, nandito ako sa ganito.’

“Yun, siya naman ang nagiging present.”

Si Mon lang ba ang napakiusapan, o naasahan niya sa ganoong sitwasyon? Wala nang iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na, e. Kasi yung biological father, hindi ko naman mapakiusapan. Kasi, hindi naman siya dito naka-base,” paliwanag ni Ynez.

“Malayo siya, e. Siyempre, government official yun. So it’s understandable.”

Read: Ynez Veneracion thanks ex-partner Toto Mangudadatu for spending time with their daughter

YNEZ AND MON: SEVENTEEN YEARS OF RELATIONSHIP

Sabi ni Mon, hindi na mawawala ang pagmamahal niya kay Ynez hanggang kamatayan.

“Kaya nga ako naiyak!”

May pagmamahal pa siya kay Mon?

“Oo naman, katulad naman ng sa kanya, hindi mawawala yun,” mabining tugon ni Ynez.

“Kasi 17 years is 17 years, di ba? Mahirap namang itapon yon. Pero mas maganda na lang talaga yung ganito.

“Pag BFF kasi, less ang away, alam mo yun. Kasi siyempre, pag kayo, andiyan yung magli-live in kayo. Together physically, magkikita palagi.

“So, andiyan yung selosan, away. Ampangit! E, tapos na kami doon.

"So ngayon, mas ine-enjoy namin yung andiyan kami pareho, para sa anak ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero walang ganun, walang away. Pag nag-usap kami sa isang problema, yung intindihan.

“Minsan nagtatalo kami. Pero alam mo yung, the end of the day, kahit na magtalo kayo, alam ninyong naiintindihan ninyo yung isa’t isa.

“At saka walang away. Dati kasi almost every day selos, away. Well maybe because of maturity na rin. Maturity.

“So ngayon kasi, antatanda na namin. Araw-araw ba, magseselosan pa rin kami? Siyempre, hindi na. So, wala na kaming ganun.”

Read: Mon Confiado, 17 years nakarelasyon si Ynez Veneracion noon

NOEL FERRER

Puwede pang mabuntis si Ynez at gusto raw sana niyang magkaroon ng baby boy.

“Sabi ng OB ko… because I’m just 45, so puwede pa raw ako ng isa.

“Kasi nga, sabi ko, gusto ko lalaki. Pero dapat ngayon na raw,” bulalas ni Ynez.

Okay ba sa kanyang si Mon Confiado na ang tatay sa magiging third baby niya?

“Iba na! United colors!” kaagad niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bumawi siya muli sa pahayag niya.

“Puwede naman. Kaya lang siyempre naman, hindi natin alam kung siya ba, gustong magkaanak, di ba?

“Kasi parang sabi niya, parang masaya na siya na sabi niya, tinanggap na niya na 'tatanda na akong binata.'

“Masaya na siya sa mga pamangkin niya, yun sa mga anak ko masaya na siya. Kasi nga may anak na siyang tinuring, e. Happy naman siya,” saad ni Ynez.

BATANG PACO

Siyangapala, sa Pebrero 18 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Batang Paco, na idinirek ni Rechie del Carmen mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Bida rito sina Empoy Marquez at Ai-Ai delas Alas.

Maliban kina Ynez at Mon, co-stars din sina Chichi Rita, Cassy Lavarias, Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.

Iprinodyus ito ni Ana Abiera del Moral ng MiVida Productions, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nic Chien shuts down cheating rumors about parents' separation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynez Veneracion on why she and ex-partner Mon Confiado are better off as friends: "So ngayon, mas ine-enjoy namin yung andiyan kami pareho, para sa anak ko, di ba? Pero walang ganun, walang away. Pag nag-usap kami sa isang problema, yung intindihan. Minsan nagtatalo kami. Pero alam mo yung, the end of the day, kahit na magtalo kayo, alam ninyong naiintindihan ninyo yung isa’t isa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results