PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Breakdown ni Mark, may kinalaman sa bagong bahay nila ni Nicole?

Mark Herras at Nicole Donesa, naka-unfollow na sa isa't isa sa Instagram.
by PEP Troika
Published Feb 6, 2026
mark herras nicole donesa
Mark Herras’ emotional Instagram breakdown sparks speculation, with a reliable source linking it to his new home with wife Nicole Donesa.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Marami sa mga kaibigan at katrabaho ni Mark Herras ang nag-alala sa ipinost niyang video sa Instagram noong Pebrero 5, 2026, Huwebes, kung saan umiiyak siya.

Ang caption niya sa naturang post ay “Kulong sa Sistema.”

Hindi pa rin maipaliwanag kung ano ang ibig niyang sabihin.

Read: Mark Herras’ emotional Instagram video worries fellow celebs, fans

MARK'S BREAKDOWN CONNECTED TO THE CONSTRUCTION OF HOUSE WITH NICOLE?

Kung anu-anong speculations ang naglalabasan na mahirap isulat dahil walang pagkakataong mahingan ng paliwang si Mark kaugnay rito.

May nasagap ang PEP Troika na maaring may kinalaman ito sa bahay na ipinagawa nila ng misis niyang si Nicole Donesa.

May problema raw ito ngayon na hindi idinetalye ng aming reliable source.

Ang pagkakaalam lang namin ay ipinagiba nila ang bahay ni Mark sa Quezon City at pinabago ito.

Nakikita naman sa kanilang YouTube channel ang mga ginawa nila sa malaking bahay na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, may isyu rin daw sa pagsasama nina Mark at Nicole.

Pero inaasam ng malalapit sa kanila na maayos silang dalawa.

Ang napansin lang namin ay tila hindi na sila naka-follow sa kani-kanyang Instagram account.

mark herras nicole donesa instagram

Pero nandoon pa rin ang pictures na magkasama silang pamilya.

Ang recent IG posts ni Nicole ay tungkol sa pagpapapayat niya pagkatapos iniluwal ang pangalawang anak nila ni Mark.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
nicole donesa instagram
Screenshot of Nicole Donesa's Instagram account

Kamakailan lang ay may interview pa si Korina Sanchez kay Mark tungkol sa negosyo nitong restaurant sa may Dampa sa Farmer’s Cubao. Kumusta na kaya yun?

Read: Mark Herras ventures into crayfish business

May nag-inquire din sa akin ng isang film project para kay Mark, pero ibinigay ko na lang ang phone number nito para diretso na sila sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sayang lang dahil nagka-projects pa si Mark nung pinag-usapan ang pagsayaw niya sa isang gay bar.

Medyo nadiskaril na naman nang hindi na maganda ang isyung kinasangkutan nito kay Jojo Mendrez.

Hindi na rin siya nabigyan ng show ng GMA-7, at ito ang ipinagsisintir ng fans niya dahil hindi man lang daw ito inalagaan ng Kapuso network.

Pero wala lang kaming ideya kung ano talaga ang problema nito sa GMA-7.

Sana, matapos na itong mga pinagdadaanan ni Mark Herras.

Read: Jojo Mendrez ends "collaboration" with Mark Herras

JERRY OLEA

Sumabak si Mark Herras sa paggawa ng bold project via Sariwa na nag-streaming sa Star SineMax noong first week of December 2025.

Ayon sa direktor ng Sariwa na si Sigrid Polon ay maayos katrabaho si Mark, kaya hopeful tayo na masusundan ito ng iba pang projects.

Read: Mark Herras bigay-todo sa sexy drama na Sariwa

mark herras sariwa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng iba pang napagtanungan ng PEP Troika, kay Mark daw talaga ang problema.

Noong nagpakasal sila ni Nicole, inasahan ng mga taong malapit sa kanila na mababago siya ng asawa. Pero tila ganoon pa rin daw amg aktor.

Totoo bang may nahuli si Nicole kay Mark?

Kung ano man ito, mahirap pang sabihin dahil haka-haka pa lamang ito at hindi pa namin nahingan ng reaksiyon kay Mark.

Sana, maayos pa ito ni Mark.

Hindi lang natin alam kung sino ang puwedeng mag-ayos nito para sa kanilang mag-asawa.

NOEL FERRER

Ano nga ba ang nangyayari kay Mark Herras?

Either sana mag-focus na siya sa career niya and, in the process, ayusin na rin ang personal niyang buhay.

Hindi naman magde-detour ang buhay ni Mark kung masaya ito at nasa maayos na landasin.

Baka kailangang pagdaanan niya talaga ang estado niya ngayon para lalo pa siyang magsikhay at magkaroon ng resolve na ayusin ang buhay at karera nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sayang… dahil alam nating marami pa sanang maibibigay si Mark.

Read: Mark Herras, walang pagsisisi sa pagpe-perform sa gay bar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras’ emotional Instagram breakdown sparks speculation, with a reliable source linking it to his new home with wife Nicole Donesa.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results