PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez ayaw pakialaman ang pagpapalaki sa apo

May bago siyang misyon sa buhay.
by PEP Troika
Published Feb 8, 2026
sylvia sanchez with apo
Bilang lola, hindi raw nakikialam si Sylvia Sanchez sa pagpapalaki ng anak na si Ria Atayde at manugang na si Zanjoe Marudo sa kanyang apo.
PHOTO/S: Ria Atayde on Facebook

GORGY RULA

Nagtataka si Sylvia Sanchez kung saan nanggaling yung mga kuwentong naghahanda na siyang pasukin ang pulitika, at pinupuntirya ang posisyon ng pagka-mayor sa Quezon City.

“Paano ako magme-Mayor ng QC, e, hindi nga ako naging kagawad!” bulalas ng actress-producer sa interview niya during the contract signing ng mga bagong talents ng kanyang Nathan Studios Artists Management noong Pebrero 3, 2026, sa Salu-salo Events Place, Sct. Santiago St., Quezon City.

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumirma sina Ice Almeria at ang mga persons with Down syndrome na naging cast members pelikula niyang I’mPerfect.

Inulit ni Sylvia ang kanyang sinabi, pero tila hindi niya totally sinasara ang pinto sa pulitika.

“Magme-mayor ako kaagad ng QC? Ano ba yun? Mag-kagawad muna ako...Start muna sa mababa, di ba?

“Hindi nga ako nag-SK, e. Kagawad, kapitan, ganun, di ba? Bago mag-mayor.”

Read: Jenny Syquia reveals receiving messages from Gabby Concepion

SYLVIA SANCHEZ AT ANG MISYON NIYA SA BUHAY

Para kay Sylvia, itong pag-aalaga niya sa mga Nathan Angels ang magiging misyon niya sa buhay, hindi ang public service.

“Akala ko, ang calling ko, politics, hindi pala. Eto pala. Kasi ang tagal na ito sa puso ko na alam ko meron… nararamdaman ko kasi na meron talagang grupo na matutulungan ko, may ganung calling.

“May misyon na… kasi nagtataka ako. Ilang beses ako na nagkasakit, walang nangyari.

"Eto pa rin, buhay. May misyon. Ano yung misyon? Eto pala yun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Izzy Trazona reunites with SexBomb Girls at Get Get Aw! Rawnd 4

NOEL FERRER

Para kay Sylvia Sanchez, gusto raw ng Panginoon na tuluy-tuloy ang pagtulong niya sa mga persons with Down syndrome. Kaya hindi natapos sa MMFF 2025 ang kanilang pagsasama.

"Habang ginagawa ko yung movie, nung binigay sa akin ni dDirek Sigrid [Bernardo] yung script, wala pa. Sabi ko, ‘Ay! Gusto ko itong gawin.’

“But for the whole year na ginagawa namin, October 2024 hanggang August 2025, pumasok na, e.

"So, I think, eto na talaga. Ito na yung calling ko.

“Then after nanalo lahat kami last Metro Manila Film Festival, nanalo lahat. Biglang nag-Best Picture, okay na, eto na yun. Tapos na yung trabaho.”

Pero nagpatuloy pa rin ang pagkikita nila halos araw-araw dahil sa dami raw ng kanilang mga activities.

Marami pa umano silang naka-schedule na block screenings para sa I’mPerfect.

“Hindi na mahiwa-hiwalay yung bata sa akin. Tapos ang daming mga block screening. Ang dami pa nilang ginagawa, until now! Hindi talaga kami maghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, lalaban pa kami ng mga kung anu-anong festival. Tapos meron din dito sa Pilipinas. So buong taon, magkakasama.

“So sabi ko, e, sila pala talaga yung misyon ko,” saad ni Sylvia.

Kaya pinapirma na niya ang mga ito ng talent management contract, dahil nandiyan na yung commitment niya para sa showbiz career ng mga itinuturing niyang Nathan Angels.

JERRY OLEA

SYLVIA SANCHEZ AS LOLA

Hindi naman daw ito nagkakaroon ng conflict sa kanyang mga responsibilidad bilang asawa, nanay ng mga anak niya, at lola ng nag-iisa niyang apo.

“Time management pa rin, e. Marunong pa rin akong mag-manage sa ganun,” pakli ni Mamang Sylvia.

Pagdating sa kanyang apo, regular naman niya itong nakikita, pero hindi raw niya pinapakialaman ang pagpapalaki nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

“Ngayon, sina Ria, meron silang sariling buhay, sila ni Z. Hindi ko puwedeng kunin yung anak nila maya-maya. Kasi nasa kanila yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag nasa amin lang, halimbawa nahiram namin o pupuntahan namin, yun lang yun pag weekend.

“Ayokong pakialaman yung pagpapalaki nila sa anak nila. Ayokong pasukin na ako ang masusunod, hindi!

"Sila ang nanay at tatay, sila ang mag-alaga. Alam mo yun?

“So ang sa akin, pag may time, Sunday lang, makikita ko. Yun lang!

"Respeto ko yun sa mag-asawa. Hindi ko puwedeng pangunahan ang mag-asawa dahil anak nila yun,” saad ni Mamang Sylvia.

Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng komento si Sylvia tungkol sa nangyaring insidente sa wedding reception nina Ria at Zanjoe noong December 2025.

Pero paulit-ulit lang ang sagot niya ng, “Hanggang diyan na lang kayo.”

Tinanong na lang namin kung okay pa rin sa kanya sina John Lloyd Cruz at Robi Domingo.

“I love Lloydie, oo! I love him so much. Oo. Hanggang dun ka na lang. Anak ko si Lloydie at hindi mawawala yun.

“Mahal ko si Robi. Kung ano man yun, hanggang diyan lang kayo,” napapangiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang lola, hindi raw nakikialam si Sylvia Sanchez sa pagpapalaki ng anak na si Ria Atayde at manugang na si Zanjoe Marudo sa kanyang apo.
PHOTO/S: Ria Atayde on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results