GORGY RULA
Ipinagmalaki ni Sheryl Cruz ang achievement ng anak niyang si Ashley Nicole Bustos, na nag-graduate ng summa cum laude sa San Francisco State University sa San Francisco, California, USA.
Nagtapos ito ng kursong Psychology minor in Race and Resistance Studies.
Pero nananalaytay raw ang dugong artista ni Ashley kaya mas pinili nito ang showbiz.
Nakapanayam ng PEP Troika si Sheryl Cruz sa story conference ng sisimulan niyang pelikulang Kappa-tiran ng Mamay Production.
Read: Sheryl Cruz, ex-husband Norman Bustos reunite for daughter Ashley's college graduation
SHERYL CRUZ ON LETTING DAUGHTER ASHLEY DECIDE
Ayon sa aktres, 24 years old na ang kanyang anak. Hinahayaan na raw niya itong magdesisyon kung gusto nitong mag-focus sa showbiz.
Marami naman daw ang gumagabay kaya hindi na niya ito pinapakialaman.
“Tuwang-tuwa ako na si Ateng, si Rams David, took her under his wings,” pakli ni Sheryl.
“So, kung ano man yung kanilang mga gagawin, of course ayokong pangunahan. I’m here to support my daughter, di ba?
“Kung ano yung kanyang showbiz endeavors, nandun lang ako.
“Ayokong pinangungunahan kung ano yung gustong gawin ng anak.”
Mas gusto raw ma-experience ni Sheryl ang lahat ng pinagdadaanan ng mga nagsisimula sa pag-aartista.
“I want her to experience it, di ba? Not only with the help of the manager, kundi with the help of the family.
“And she can always ask me for advice, and I will be there for her,” napangiting sabi ni Sheryl.
Read: Lani Mercado emosyunal sa prayer rally para sa asawang si Bong Revilla
NOEL FERRER
Sabi pa ni Sheryl, nakikita niya sa kanyang anak ang dugong Cruz at Sonora na nasa entertainment industry.
Ang ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte ay mula sa Cruz showbiz can, kung saan kabilang ang tito niyang si Tirso Cruz III; at mga pinsan na sina Donna Cruz, Geneva Cruz, Sunshine Cruz, Rodjun Cruz, at Rayver Cruz.
Ang ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora ay nakababatang kapatid ng yumaong beteranang aktres na si Susan Roces.
Saad ni Sheryl: “Alam mo ngayon, hindi mo sila puwedeng pilitin, lalo na yung mga kabataan ngayon. And it’s part of her DNA.
“Part of her DNA, dahil artista din talaga siya, di ba? Galing siya sa pamilya na Cruz at Sonora.
“So, alam natin na heavily nandito sa industry ang mga Cruz at mga Sonora. So, I cannot take that away from her.”
Bukod sa pag-arte at pagkanta na nakikita sa kanilang pamilya, may ibang talent pa raw ang kanyang anak.
Ani Sheryl: “At the same time, I also encourage her na aside sa acting, ano pa yung assets mo, di ba, na wala sa acting.
“She’s actually a very, very talented screenplay writer. So, kung gusto niyang makipag-collaborate sa mga productions here in the Philippines or abroad, TV or for movie, she can do that.”
Kung gusto raw ng anak niyang mag-focus sa pagsusulat, magagamit daw nito ang kursong natapos.
“Dun sa pagsusulat niya, nandun na yung Race and Resistance Studies, e. Nandun na.
“And at the same time, kung ano man yung patok sa mga, let’s say sa mga Asians, mga Amerikano, mga European, alam niya. Because pinag-aralan niya.”
Read: Breakdown ni Mark Herras, may kinalaman sa bagong bahay nila ni Nicole Donesa?
JERRY OLEA
Wala raw isyu kay Sheryl Cruz at sa dati niyang asawang si Norman Bustos pagdating sa kanilang nag-iisang anak.
Magkatuwang daw sila sa pagsuporta sa kung anong gustong gawin ni Ashley Nicole.

“Civil naman kami for our daughter,” sabi ni Sheryl.
Pareho na raw silang masaya sa kani-kanilang buhay.
Basta nandiyan lang daw silang dalawa pagdating sa pangangailangan ng kanilang anak.
Pagdating sa kanilang buhay, wala na silang pakialamanan.
“I’m happy for him. He has a partner and I’m happy for him,” nakangiting sambit ni Sheryl.
Pagdating sa lovelife ni Sheryl, masaya raw siyang single. Pero bukas daw siya sa pakikipagrelasyon sakaling may dumating na tamang lalaki para sa kanya.
“I’m actually happy na ano… wala pa kasing special na someone, 'no? But there are admirers. I’m open to dating. I’m dating.
“But siyempre, my work comes first,” sabi ni Sheryl.
Read: Sheryl Cruz, busy sa pagta-travel abroad pag walang teleserye
