PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, nilinaw ang pahayag sa pagkakakulong ni Bong Revilla

Ejay Falcon, itinangging dinalaw si Bong Revilla sa kulungan.
by PEP Troika
Published Feb 10, 2026
ejay falcon bong revilla imprsonment
Ejay Falcon reacts to intense bashing from netizens because of his previous statement about the imprisonment of former Senator Bong Revilla (inset): “Sinabi ko yun, na artista siya, dating senador, hindi ko alam kung makaka-survive siya sa ganung sitwasyon. Yun po ang ibig kong sabihin.”
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Nagulo ang mundo ni Ejay Falcon nang pinutakti ito ng matinding bashing dahil sa isinulat ng PEP Troika tungkol sa mga sinabi niya tungkol kay dating Senator Bong Revilla.

Nakapanayam namin si Ejay sa story conference ng pelikulang Kappa-tiran noong nakaraang linggo.

Natanong siya tungkol kay Bong, na nakasama niya sa action-comedy series ng GMA-7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ikinuwento ni Ejay kung paano siya na-train ni Bong sa action scenes nila.

Maingat si Ejay sa kanyang mga pahayag tungkol sa kasong kinahaharap ng dating senador. Wala raw siya sa posisyon para magbigay ng komento..

Nabanggit niyang napapanood niya sa mga balita na walang special treatment ang dating senador sa Quezon City Jail Male Dormitory.

Sinabi niyang artista at senador si Bong, pero hindi naman daw ibig sabihin na dapat itong bigyan ng special treatment.

Read: Ejay Falcon, nag-aalala sa kundisyon ni Bong Revilla sa kulungan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EJAY FALCON EXPLAINS STATEMENT ABOUT BONG REVILLA

Sa bagong panayam ng PEP Troika kay Ejay, ipinaliwanag niya ang kanyang pahayag tungkol sa kundisyon ni Bong sa piitan.

Saad niya: “Sinabi ko yun, na artista siya, dating senador, hindi ko alam kung makaka-survive siya sa ganung sitwasyon. Yun po ang ibig kong sabihin.”

Naka-record sa amin yung sinabi ni Ejay tungkol sa isyu ng corruption.

Diin niya: “Di ba, sinabi ko naman na dapat talagang may managot diyan? Sana managot lahat ng totoong nagkasala para mawala na yung bulok na sistema,”

Para kay Ejay, ang nakakaawa talaga rito ay ang mga mamamayan, lalo na sa susunod na henerasyon.

“Wala ako sa posisyon na magkomento tungkol sa kaso ni Senator Bong, hindi ko naman po alam.

“Saka hindi po ako nakadalaw sa kanya sa kulungan. Hindi pa po ako nakapunta doon sa kulungan sa Payatas,” paglilinaw pa ni Ejay.

Read: Lani Mercado, humihiling ng due process para kay Bong Revilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nagulat kasi si Ejay Falcon sa mga nagpo-post na ipinapalabas na dumalaw siya sa dating senador sa kulungan.

Sa pagkakaalam ko, hindi magkaibigan ang dalawa. Nagkasama lang sila sa sitcom ng GMA-7.

Siguro maayos lang ang pagtrato ni Bong kay Ejay at sa iba pang co-stars nito.

Ang daming pumik-ap ng isinulat nating pahayag ni Ejay tungkol sa dating senador. Pero iba na ang kahulugan ng iba.

Pinapalabas ng ibang online news na dumalaw si Ejay sa kulungan.

Kaya kahit ang ilang taong malapit sa dating senador ay nagtanong kung dumalaw ba si Ejay.

Meron pang naglabas na sinabi raw ni Ejay na dapat ay mapawalang-sala si Bong.

Pero wala namang ganung sinabi si Ejay.

Read: Bong Revilla on malversation and graft cases: "Laban lang."

JERRY OLEA

Sa pagkakaalam namin ay nakarating na rin ito kay Bong Revilla, pero hindi nga raw nakadalaw sa kanya si Ejay Falcon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang nakakalungkot lang, sabi ng kampo ng dating senador, nagagamit ito at kung anu-ano pa ang inilalabas ng ilang content creators.

Pinagkakakitaan umano ng mga ito ang pagkakakulong kay Bong, at ang iba ay may mga inilalabas pang litrato ng kalagayan nito sa loob ng kulungan.

Nilinaw ng ilang nakausap namin na walang nakapagpakuha sa dating senador sa loob ng kulungan.

Yung ibang nagpo-post ng ganung litrato ay halatang kagagawan lang ng AI.

Maliban kay Ejay, pinuputakti rin ng bashers ang misis ni Bong na si Cavite Second District Representative Lani Mercado nang magsalita ito sa nakaraang prayer rally para kay Bong sa Kawit, Cavite.

Ayaw na raw itong sagutin ni Lani.

Alam niyang may mga grupong nakahandang mam-bash kapag may nasusulat tungkol sa kanyang asawa pati sa buong pamilya Revilla.

Sabi naman ng ilang nakausap namin mula sa kampo ni Lani, may ideya sila kung sino ang may kagagawan nito pero mahirap na raw magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lani Mercado emosyunal sa prayer rally para kay Bong Revilla

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon reacts to intense bashing from netizens because of his previous statement about the imprisonment of former Senator Bong Revilla (inset): “Sinabi ko yun, na artista siya, dating senador, hindi ko alam kung makaka-survive siya sa ganung sitwasyon. Yun po ang ibig kong sabihin.”
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results