PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla, inaming hindi pinapanood ni Daniel si Lella sa PBB

Karla Estrada, masaya sa pagkakapasok ni Ella sa Big 8 ng PBB.
by PEP Troika
Published Feb 11, 2026
karla estrada daniel lella
Karla Estrada on Daniel Padilla's support for sister Lella Ford's PBB journey: “Ang hindi naman niya panonood ay hindi naman ibig sabihin na hindi niya sinusuportahan ang PBB. Yung part na yon na parang ayaw lang niyang ma-stress, ano ba’ng ginagawa ni Carmella — I think iba lang yung pag-handle ng mga kuya, no."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA

Excited si Karla Estrada para sa youngest daughter niyang si Carmella “Lella” Ford na aabot hanggang sa Big Night ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

“Yeah, that was the goal na umabot si Carmella sa dulo,” sambit ni Momshie Karla sa mediacon ng W Express Ph noong Pebrero 9, 2026, sa Makati Diamond Residences, Legazpi Street, Makati City.

“Pero siyempre, wala namang nag-e-expect. Unang-una, hindi natin alam kung ano yung mga nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya, di ba?

“Kung kakayanin ba yung mga task. Kasi, may mga task, e. Hindi lang naman yung parang tungkol lang sa pang-every day lang na binibigay mo sa Bahay ni Kuya.

“So, hindi namin ine-expect na mangyayari lahat ng ito. And then siyempre, sobrang nakakataba ng puso nung nangyayari kay Carmella talaga.

“Na almost patapos na, at siyempre hanggang ngayon, siya pa rin yung hindi nano-nominate [for eviction]. Nakakatuwa yon. Nakakatuwa talaga yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang saan ang suporta niya sa anak? Siyempre, botohan yan kung sino ang magwawagi…

“Katuwang natin ang lahat ng mga supporters ni Carmella,” mabilis na tugon ni Queen Mother.

“Nandiyan ang Lellanatics, nandiyan ang Love Carmella. Marami tayong bagong mga fans club na nabuo for Carmella sa buong apat lang na buwan, no.

“So, katuwang natin silang lahat. Magtutulungan tayo.

"At siyempre sa lahat ng naniniwala kay Carmella, maging fans man yan o mga tagapanood lang ng PBB, ay sana maging katuwang natin sa huling laban ngayong Big Night.”

Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"

DANIEL PADILLA DOES NOT WATCH SISTER LELLA IN PBB

Tutulong ba ang kuya ni Lella na si Daniel Padilla?

“Well, automatic naman yan sa family dahil kapamilya natin, e!” bulalas ni Karla.

“So, tutulong tayo ng kung hanggang saan ang makakaya namin na masuportahan yung pangarap ni Carmella.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw nanonood ng PBB si Daniel, pero nagre-report si Karla sa anak na lalaki.

Pagtatapat ni Queen Mother: “Ang hindi naman niya panonood ay hindi naman ibig sabihin na hindi niya sinusuportahan ang PBB.

“Yung part na yon na parang ayaw lang niyang ma-stress, ano bang ginagawa ni Carmella — I think iba lang yung pag-handle ng mga kuya, no.

“Kasi parang, ‘Ahh, yan na ba yung nakababata kong kapatid?’ Or something like that.

“But every time na kinukuwentuhan ko siya, sobra siyang excited. Tuwang-tuwa siya!

“In fact last night, noong nalaman niyang naipanalo ni Carmella yung last task ahh… sobra siyang proud, as in wala siyang mapaglagyan.

“Tapos sabi niya, ‘Ma, sinunod ni Carmella lahat ng payo ko sa kanya diyan sa loob.’

“So sabi ko, ‘Parang meron din akong sinabi.’ So, natawa siya sa akin.”

Read: Carmella Ford describes Daniel Padilla as a "strict" brother

GORGY RULA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago napasama si Lella Ford sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ay hindi ito na-nominate for eviction, kaya hindi pa nila kinailangang magbigay ng financial support?

Pahayag ng kanyang ina na si Karla Estrada, “Oo, yung pagbibigay kasi… parang kaisipan yon. Voting. So, yung pamilya, naglalabas talaga.

“Kailangang maintindihan ng taumbayan na hindi lang sa amin nanggagaling yan. Dahil ayoko rin naman, e.

“Dahil gusto ko, yung mga anak ko, ine-exercise nila kung paano nila matutupad yung mga pangarap nila nang hindi kailangan nakatingin sa kung anong meron kaming pagsuporta.

“Dapat organic. Paghirapan mo yung pangarap mo. Or else balewala lahat yan.

“So, yan ang gusto kong maramdaman ni Carmella. Napaka-blessed lang niya na never siyang na-nominate.

“So, nung tinanong niya ako, ‘Ma, ano bang puwede kong gawin sa loob ng Bahay?’ I said, ‘I don’t know.’

“Kasi, hindi ko naman alam talaga kung ano yang pang-araw-araw diyan sa loob, right?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sinabi ko lang kay Carmella, ‘Baunin mo lang yung kindness mo, and you will never go wrong.’

“And I guess sinunod naman niya. Mahirap kasing maging mabuti kung hindi naman, e. Mahirap i-sustain yun.

“Pero ako, tiwala ako. Kasi kilala ko yung puso ng anak ko. Kilala ko ang puso ni Lella na anuman ang mangyari, ‘Maging mabuti ka lang. Makisama ka lang. Kasi, ikaw naman yon. It’s very natural in you. So you will never go wrong.’

“So ayun. Nagkakamali man siya, di ba, dahil tao naman, pero nakita naman natin siya ay ibinoto ring pinakamabuting housemate sa loob ng Bahay.

“Kaya actually, yun nga, doon pa lang, tagumpay na para sa akin yon bilang magulang.”

Read: Caprice Cayetano, Lella Ford advance to PBB Ultimate 8

KARLA TOLD LELLA TO BE AUTHENTIC

Yung pagiging authentic, malaki ang nakuha sa kanya ni Lella? Naituro niya by example?

“Siguro,” natawang sey ni Queen Mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo. Alam mo, kasi nandito ako bilang nanay, ano. Pero mas gusto kong sabihin na lahat ng nakikita niyo sa mga anak ko, sarili nilang pagkatao yon.”

Paano niya hinulma? Lalo na may pressure, may pangalan ang kanyang ina at kuya?

Napabuntong-hininga si Karla: “Well, at first talaga sinabi ko, ‘Anak, mahirap yan. Marami silang puwedeng sabihin. Lalo na pag umabot ka na sa dulo, tapos ikaw yung nagtagumpay.

“‘Kaya gawin mo lahat ng sa tingin mo na tama diyan sa loob. Para ang makita nila ay ikaw, hindi kung anong meron tayo.’”

OK lang ba kay Daniel na makipag-loveteam si Lella?

“Iyan ay pag-uusapan pa namin, tungkol sa pagla-loveteam niya,” saad ni Karla.

“But of course, bilang artista, maiintindihan niya lahat yon. Na iyan naman ay kasama sa karera namin dito sa industriya.

“Kasama kasi yon, e. Ako, yes! As long as maayos lahat, maganda ang samahan, magkakahilahan pataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At talagang makakagawa ng magagandang pelikula na inspirational, hindi lang tungkol sa masabi lang na may loveteam, di ba? OK ako.”

Excited na ba siyang makasama si Lella sa labas ng Bahay ni Kuya?

“Hindi ako excited. Ako ay nangungulila na sa aking anak. Kasi first time niyang nawalay nang ganito katagal,” pagsisiwalat ni Karla.

“At tuwing napapanood ko siya, talagang sobrang proud ako at wala akong ibang gustong sabihin sa kanya, ‘Ang galing mo, anak!’

“OK na ako doon sa ipinakita niya.”

LELLA'S BIRTHDAY CELEBRATION

Sa episode ng PBB noong Pebrero 10, Martes, ay ipinagdiwang ang birthday ni Lella.

Nag-guest ang ate niyang si Maggi Ford, at nakita ang sobrang closeness nilang magkapatid.

Napaiyak si Lella nang sinorpresa ni Maggi ang hoodie ni Daniel. Naamoy agad ni lella na sa Kuya DJ niya yun.

Natawa na lang siya nang ibinigay ang isa pang surprise na medyas. Lagi raw nilang tukso kay Lella na magmedyas dahil sa maliit niyang paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Izzy Trazona bares convo with trans child Sofia; Sofia clarifies "di nagkikita" post

NOEL FERRER

Bilang endorser ng courier and logistics provider na W Express Ph, tinagurian si Karla Estrada bilang "Kargo Kween."

Nalalapit na ang Valentine’s Day. Meron bang Kargo King?

Natawa si Karla: “Ahh wala muna tayong Kargo King sa ngayon. Pero pag nag-start na, natapos na ang isa sa mga anak ko, ay puwede siyang maging Kargo King.

“So, abangan natin yun. Kaya na ng Kargo Kween lahat yan!”

May padadalhan ba siya ng kargo sa Valentine’s Day?

“I’m sure, si Mama lang iyan. Si Mama lang iyan sa Tacloban,” mabining sagot ni Karla.

“I’m very much single, so tapusin na natin yang mga tanong natin sa Valentine’s Day na iyan.

“Medyo umiinit na ang ulo ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, loko lang. Ha! Ha! Ha! Ha!”

May nakaka-date ba siya these days?

Napakunot-noo si Kargo Kween: “Wala, wala tayong dating. Nakakahiyang pag-usapan ang lovelife ko sa edad nating ito. Pero… darating iyan someday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman ako nagsasara ng puso, e. Wow! Kiri-kiri!”

Ano ang gagawin niya sa Valentine’s Day? Magpi-pickleball?

“Naku, kasama ko ang aking apo na si Claudio, oo. Mag-a-out of town kami,” tugon ni Karla.

“So, hindi lang pag-ibig ang nagpapasaya sa Valentine’s Day. Marami din, oo. Ang pamilya, number one diyan, di ba?

“Mahirap tayong mag-Valentine’s nang hindi ka naman happy.”

Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper on TV Patrol

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada on Daniel Padilla's support for sister Lella Ford's PBB journey: “Ang hindi naman niya panonood ay hindi naman ibig sabihin na hindi niya sinusuportahan ang PBB. Yung part na yon na parang ayaw lang niyang ma-stress, ano ba’ng ginagawa ni Carmella — I think iba lang yung pag-handle ng mga kuya, no."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results