PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla pahinga muna sa love, naka-focus sa kids at trabaho

Kylie Padilla, matagal na raw napatawad ang mister na si Aljur Abrenica.
by PEP Troika
Published Feb 12, 2026
kylie padilla forgiveness
Kylie Padilla on forgiveness: “Ang forgiveness, ano yan… may process siya. Kasi hindi pinipilit yan sa tao. Kasi meron talagang proseso na kailangang pagdaanan. Pagdaanan mo yun. Just be mindful na ang goal dapat is to forgive in the end."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

GORGY RULA

Nagpo-post si Kylie Padilla sa Instagram ng tungkol sa pagpapatawad.

Kaugnay ito sa promo ng pelikulang The Lotto Winner, na first time nilang pagsasama ng beteranong aktor na si Albert Martinez.

Bahagi ng kanyang IG post: “Paano nga ba magpatawad? This movie healed me in ways I so desperately needed.

“A father and daughter story about forgiveness na hanggang ngayon pinapaiyak pa rin kami.

“At sana, this movie touches you and heals in a huge way like it did for me. And always tell your loved ones you love them. Never take any moment for granted.”

Iyon daw ang pinaka-core ng kuwento ng pelikula nila na kinunan ang malaking bahagi sa Canberra, Australia.

Nakaka-relate daw siya.

“Naka-relate ako. I love you Pa,” napangiting pakli ni Kylie.

Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ

KYLIE PADILLA NO ISSUE WITH DAD ROBIN PADILLA

NiIlinaw ng Kapuso actress na wala silang isyu ng kanyang amang si Senator Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s just I think, lahat ng father-daughter relationships, makaka-relate dun sa nangyari dun sa kuwento.

“It had a huge impact on me,” dagdag ni Kylie nang nakatsikahan ng PEP Troika sa premiere night ng The Lotto Winner noong Martes, February 10, 2026 sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.

May dagdag pa siyang hanash tungko sa pagpapatawad: “Ang forgiveness, ano yan… may process siya. Kasi hindi pinipilit yan sa tao.

“Kasi meron talagang proseso na kailangang pagdaanan. Pagdaanan mo yun. Just be mindful na ang goal dapat is to forgive in the end.

“So, para sa atin naman yun, e, sa nagpo-forgive, hindi naman dun sa tao. Kasi mabigat na dala dala yun.

“Hindi mo ma-forgive o may galit ka. So, dapat yung goal is to forgive.”

Marami raw matututunan sa The Lotto Winner na magso-showing na sa February 11.

Ito ay iprinodyus ng Mavx Productions sa direksiyon ni RC de los Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din sina Sienna Stevens, Robert Seña, Daniela Stranner, Karina Bautista, at Milo Elmido.

the lotto winner
Albert Martinez, Kylie Padilla, and Sienna Stevens in The Lotto Winner

JERRY OLEA

Matagal na raw napatawad ni Kylie Padilla ang asawa niyang si Aljur Abrenica, kaya maganda na ang samahan nila ngayon, lalo na ang mga anak nila sa mga kapatid nito kay AJ Raval.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahat daw ito ay para sa mga anak niya, at iyon din daw ang ipapayo niya sa mga bata.

“Iyon din ang sasabihin ko sa kanila na dapat na mag-forgive sila,” pakli ni Kylie.

Nakakatuwa raw tingnan na masayang naki-bonding ang mga anak niya sa mga anak nina AJ at Aljur.

“Tita” ba ang tawag ng mga anak ni AJ sa kanya?

“Once pa lang kami nagsama, e. So… mabait yung babae. Super clingy yung babae, si Alkina. Cute! Cute!

“Cute nila tingnan pag naglalaro sila,” napangiting pahayag ni Kylie.

Masaya na raw ngayon si Kylie na naka-focus lang sa kanyang mga anak at sa trabaho. Wala raw munang lovelife.

“I think puno na rin yung bank ko for love. I think time na para mag-focus.

“Masaya na rin ako na I’m just focusing on my kids, my work. I’m happy now sa ganung sitwasyon.

“Gusto ko talaga muna mag-focus sa mga anak ko. Kailangan kong bumawi sa kanila,” sabi pa ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter

NOEL FERRER

Ibinahagi na rin ni Kylie Padilla na nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ni AJ Raval, pagkatapos magsalita ni AJ sa Fast Talk With Boy Abunda at inamin ang pagkakaroon nito ng limang anak (tatlo rito ay si Aljur ang ama).

“Kasi nagko-comment na ako, e. 'Congratulations, I’m happy for you,'” lahad ni Kylie.

“Kasi yun naman talaga yung nararamdaman ko. And as much as possible, ayoko siyang umingay or whatever. Kasi iniisip ko talaga yung mga anak ko.

“Makikita nila, mapapanood nila. Ayokong may makita silang negative or something na mag-cause ng overthinking nila.

“So whatever happens, kahit anong ibato sa akin, yun pa rin yung iniisip ko. Ayoko na siyang lumaki.”

Meron ba siyang ipinayo kay AJ sa mga pinagdaanan nito?

“Wala akong in-advice. I just said, I’m happy for them. Nakapagkuwentuhan kami. Yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta civil sa akin, okay na. Happy na,” sabi ni Kylie.

Iba talaga if you’re coming from a happy and good place na. Iyan si Kylie ngayon.

At masaya ako sa estado niya ngayon at bilang kapatid na namin sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on forgiveness: “Ang forgiveness, ano yan… may process siya. Kasi hindi pinipilit yan sa tao. Kasi meron talagang proseso na kailangang pagdaanan. Pagdaanan mo yun. Just be mindful na ang goal dapat is to forgive in the end."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results