GORGY RULA
Patuloy lang dapat tayo sa pag-aaral. Wala naman itong age limit, di ba?
Agree ako sa paniniwalang iyan ng ilang kilalang celebrities na sa gitna ng trabaho, tight schedules, at iba pang responsibilidad ay naipagpapatuloy pa rin nila ang pag-aaral.
Ang iba kasi ay okay na sila kahit walang natapos dahil kumikita na sa pag-aartista. Pero marami ring patuloy ang pag-aaral, at nagma-Master’s degree pa ang iba.
Isa na rito si Ms. Korina Sanchez-Roxas na kahit maituturing na full-time nagtatrabaho bilang multi-awarded anchor, field reporter, at lifestyle host sa kanyang Rated Korina, ipinagpatuloy ang pag-aaral.
Naisingit pa niya ito sa kanyang isa pa niyang career bilang si Mrs. Mar Araneta-Roxas, at nanay nina Pepe at Pilar.
Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"
BETTER LATE THAN NEVER
Dapat nga ay noon pa niya ito natapos, pero marami pa raw siyang hinarap na kailangan niyang pagkaabalahan.
“I wanted to shield my mind from the insanity of campaigning again. Tumatakbo noon si Mar, e.
"So, better late than never," pagtukoy ni Korina sa nabigong presidential bid ng mister niyang si Mar Roxas noong 2016.
Dagdag niya, “I also wanted to catch up on the updated versions of what journalism is in this techno age era.”
Hindi raw ito ganun kadali sa kanya, lalo na’t kilala na siyang Korina Sanchez noong nag-aral siya.
“Akala ko nga, baka pagkamalan akong teacher pagpasok ko ng classroom. Hahaha!” natatawa niyang sabi.
“Pero wala naman sa edad or status yan. Education is lifelong.
"Part online, part inside classroom because of international students.
“Kaya habang anchoring ako ng TV Patrol noon, in between, nasa klase ako online while in the studio.
“Ayun! Natapos din,” napangiti niyang pahayag.
Talagang tinapos ni Korina ng kanyang Master’s Degree in Journalism sa Ateneo de Manila University noong 2016.
And take note, no shortcuts, no excuses. Kaya congratulations kay Madam Korina Sanchez!
Read: Mar Roxas attends wife Korina Sanchez's graduation rites for Master's degree in Ateneo

NOEL FERRER
Bukod pa riyan, isinabay ni Korina Sanchez ang kanyang educational credits at scholarships mula sa Columbia University sa New York.
Sabi nga ng isang close kay Ate Koring, hindi lang natatapos sa ratings o awards ang tunay na professionalism.
OTHER CELEBS WHO HAVE MASTER'S DEGREE
Sa totoo lang, hindi lang si Korina ang may ganitong achievement, di ba? Nagawa nilang pagsabayin ang kanilang showbiz career at higher learning.
Kagaya ni Bianca Gonzalez na Master of Arts (MA) in Family Life and Child Development sa UP Diliman.
Si Kara David na MA rin in Philippine Studies sa UP Diliman.
Si Agot Isidro na Master's in Communications in Ateneo de Manila Univeristy.
Si Venus Raj na MA in Community Development sa UP Diliman.
Si Kuya Boy Abunda na MA in Communication Arts sa PWU, at pati sina Ruffa Gutierrez at Carla Abellana na sumabak din sa post-graduate studies.
Ang galing, di ba?! Sana, marami pang magsunuran diyan.
At sana talaga, magamit nila ang pinag-aralan nila sa ikaaangat ng kanilang mga propesyon at ikabubuti pa nilang mga Pilipino.
Read: Dawson's Creek star James Van Der Beek dies at 48
JERRY OLEA
Nakachikahan ng PEP Troika si Miss Korina Sanchez-Roxas last year sa White House, Cubao, Quezon City.
Sa kabila ng kabisihan niya at pagiging senior citizen, she never stops learning.
Mahalaga raw kay Ate Koring ang growth, credibility, at long-term purpose.
Aniya sa parangal bilang journalist na natanggap recently: “All good things come to those who… work very hard and honest, I guess. Not all the time do rewards come.
“Thank you for the recognition.Till the next decade!”
Ang “sikreto” niya ay time management.
May inilaan siyang oras para sa personal, para sa sarili at pamilya. Pinangangalagaan niya ang kalusugan.
Bahagi pa ng recent Facebook post niya with matching promo: “How’s your blood pressure today? Did you know that once above 40 or if you have early onset high blood pressure, you should be measuring before sleeping ad then when you wake up?
“Many heart attacks happen while asleep. Not to worry. Due diligence. Water. Deep breathing. maintainance meds if prescribed. Eat healthy. Daily exercise. Supplement…”
Abangan natin kung magpi-PhD in Journalism pa si Ate Koring!
Read: Stand-up comedian Lassy reveals blooming love life; introduces suitor Ken
