JERRY OLEA
Extended ang showing ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) entries hanggang Enero 14, 2026 sa local cinemas.
Even after that ay nagpatuloy ang showing ng ilang kalahok.
Noong Enero 8, 2026, Huwebes, nag-open sa local cinemas ang dalawang banyagang pelikula, ang Anaconda at The Housemaid.
Yung RUNSEOKJIN_epTOUR ay exclusive sa SM Cinemas noong Enero 10 at 11.
Read: Anak ni Sheryl Cruz, pinili ang pag-aartista kahit nag-graduate na summa cum laude

A WEREWOLF BOY BOX-OFFICE RESULTS
Enero 14, Miyerkules, nag-open ang A Werewolf Boy nina Rabin Angeles at Angela Muji, na ibinaba ng producer na Viva Films ang admission price. Idinirek ito ni Crisanto B. Aquino.
Limang banyagang pelikula ang kasabay nitong nag-open sa local cinemas — Greenland 2: Migration, 28 Years Later: The Bone Temple, The Spongebob Movie: Search for Squarepants, The History of Sound, at Happy Patel.

Itinanggi ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes na semplang at wala halos nanood ng A Werewolf Boy.
“Hindi naman. Hindi naman ganun ka-disastrous. Meron naman pero hindi bonggang hit,” sambit ni Direk Joey nang makatsikahan namin noong Enero 22 sa Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City.
Ito lamang A Werewolf Boy ang nag-iisang pelikulang Pilipino na nag-open sa local cinemas noong Enero.

MOVIES SHOWING IN CINEMAS
Ang anim na foreign films na nag-open noong Enero 21 ay Return to Silent Hill, Primate, The Incredible Shrinking Man, Rental Family, The Legend of Hei II, at Love Live! Nijigasaki High School Idol Club The Movie - Finale -Chapter 2.

Ang sampung banyagang pelikula na nasa playdate na Enero 28 ay Death Whisperer 3, Mercy, The Thing with Feathers, Send Help, We Bury The Dead, Crayon Shin-Chan The Movie: Super-Hot! The Spicy Kasukabe Dancers, at ang apat na pelikula ng World Cinema program ng FDCP (It Was Just An Accident, Sentimental Value, Sound of Falling, at Resurrection).

Yung Death Whisperer 3 ay nag-streaming sa Netflix Philippines umpisa Pebrero 5, Huwebes. Nag-peak ito sa third place ng Top 10 Movies.
Ngayong Pebrero 12, Huwebes ay pansiyam na ito sa talaan.
Pebrero 4 nag-open sa local cinemas ang Spring in Prague starring Paolo Gumabao and Sara Sandeva. Idinirek ito ni Lester Dimaranan para sa Borracho Films.

Pitong foreign films ang kabakbakan nito sa takilya — Cold Storage, Momo, The Informant, Stray Kids: The DominATE Experience, Song Sung Blue, Nobody, at Aqours Documentary.

Kahapon, Pebrero 11, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang The Loved One nina Anne Curtis, Jericho Rosales, at Catriona Gray.
Idinirek ito ni Irene Emma Villamor, para sa Viva Films.
Limang banyagang pelikula ang kasabay nitong nag-showing — The Wuthering Heights, Shelter, The Strangers: Chapter 3, Goat, at Diabolic.
Read: Glaiza de Castro explains viral video of husband and Maris Racal

GORGY RULA
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-PHP6.3M daw ang first-day earnings ng The Loved One.
May nagtanong sa amin kung okay na ba yun. Puwede na kahit Anne Curtis at Jericho Rosales ang mga bida.
Pero kung Kathryn Bernardo o Vice Ganda na movie, mahina yun.
Papanoorin ko pa lang ang pelikula, kaya walang ideya kung magkakaroon ba ito ng word of mouth.
Mahigit 200 na ang mga sinehan nito nationwide as of today, February 12, Thursday.

Malaking bagay sana kung talagang maganda ang pelikula, para mismong ang mga nakapanood ang magpo-promote nito.
Inaasahang tataas pa ito sa darating na weekend dahil may mga naka-schedule na block screenings.
Malaking bagay ring magbaa-Valentine’s Day dahil marami talaga ang nasa labas.
Nakausap ko pa si Sylvia Sanchez, ang producer ng MMFF 2025 Best Picture na I’mPerfect.
Masaya siya dahil ibabalik ang pelikula sa tatlong sinehan, ang SM North Edsa, SM Southmall at SM MOA.
Mapapanood ito sa February 14 at 15, na kakaibang pam-Valentine’s date daw ang naturang pelikula.
Read: Karen Davila apologizes for “Nagpa-Patrol, Karen Davila” blooper

NOEL FERRER
Dalawampu’t limang (25) pelikula ang nag-open sa local cinemas noong Enero, at isa lamang ang gawang-Pinoy, ang A Werewolf Boy.
So far, ngayong Pebrero ay labing-apat (14) na pelikula na ang nag-open sa local cinemas at dalawa sa mga ito ang likhang Pinoy, ang Spring in Prague at The Loved One.
Sa tatlumpo’t siyam na movies na nag-open so far sa ating mga sinehan this year, tatlo lamang ang pelikulang Pilipino.
LOWERED MOVIE TICKET PRICES
Ibinaba rin ng Viva Films ang admission price para sa The Loved One.
Yung curated films ng FDCP na World Cinema ay nagbaba rin ng halaga ng tiket, at ganoon din ang Valentine showings ng I’mPerfect.
Ang select Robinsons Movieworld ay may 45% OFF PROMO muli mula Enero 16 hanggang Abril 15, 2026 para sa walk-in purchases.
Ang participating branches ay Robinsons Galleria Ortigas, Galleria Cebu, Robinsons Roxas, Robinsons Starmills, Robinsons Las Piñas, Robinsons Gapan, Robinsons Ilocos, Robinsons La Union, Robinsons Pavia, at Robinsons Gen San.
Hindi iyon valid sa advance, special and block screenings, or theater rentals. Hindi rin iyon in conjunction with other promos and discounts.
Ibinaba rin ng Viva ang ticket price para sa pelikulang A Werewolf Boy na ipinalabas sa mga sinehan umpisa Enero 14, 2026.
UPCOMING PINOY MOVIES
Sa Pebrero 18 ay dalawang Pinoy movie ang nakatakdang ipalabas — ang Batang Paco nina Empoy Marquez at Ai Ai de las Alas, at The Lotto Winner nina Albert Martinez at Kylie Padilla.

Nasa February 25 playdate naman ang Wonderful Nightmare nina Kim Molina at Jerald Napoles, at Until She Remembers nina Charo Santos-Concio, Boots Anson Roa-Rodrigo, at Barbie Forteza.

Nakapuwesto na sa March 4 playdate ang Sisa ni Hilda Koronel.

Marso 11 ang target playdate ng A Special Memory nina Bela Padilla at Carlo Aquino, samantalang nasa March 25 playdate ang Graduation Day nina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa.

Kabilang pa sa Pinoy movies na nakatakdang ipalabas this year sa mga sinehan ang I Fell, It’s Fine nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, Almost Us nina JM Ibarra at Fyang Smith, at Huwag Kang Titingin na magte-teaser drop bukas, Friday the 13th.

