GORGY RULA
Ipinagdiwang ni Joel Cruz ang kanyang 61st birthday sa mansion niya sa Canyon Woods, Tagaytay, noong nakaraang Sabado, February 7, 2026.
Ilan sa mga nakilala naming dumalo sa naturang selebrasyon ay sina Senator Rodante Marcoleta, Tessa Prieto kasama ang napapabalitang partner nitong si Irene Nubla, Arnell Ignacio, John Nite, at Jean Saburit.

Nagbigay naman ng entertainment sina Dulce, Jon Santos, Malu Barry, at Marcelito Pomoy.
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby

JOEL CRUZ'S CHILDREN DO NOT USE CELLPHONES
Kuwento ni Joel sa aming radio program sa DZRH, nang nagsalita siya sa programa ay tinawag niya ang anim na anak para ipagmalaking hindi na gumagamit ang mga ito ng cellphone ngayon.
“Alam mo nung nag-opening remarks ako sa birthday ko, tinatawag ko yung anak kong… yung 10 years old, eight years old, saka yung seven years old, yung mga kambal.
“Kasi, it’s been like five months hindi na sila gumagamit ng cellphones, yung cellular phones nila. Surrendered na,” lahad ni Joel.
Ipinagmamalaki ito ni Joel dahil nagawa raw niyang tanggalin ang cellphone sa mga anak niya.
Nabalitaan daw niyang ginagawa na sa ibang bansa ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa mga kabataang edad 16 pababa.
Ginagawa na raw ito sa South Korea; at pina-practice na rin sa France, China, The Netherlands, Finland, Israel, Australia, UK, at Italy.
“It started… sabi ko sa kanila, in other countries, mga 16 years old and below, pinagbabawal na yung cellphone.
"Kaya sabi ko, kesa pa dumating na sa Pilipinas yun, at least ngayon ready na tayo. Hindi na kayo mag-a-adjust."
Dagdag ni Joel: “Last year pa lang, pinatanggal ko na yung cellphone sa kanila. Kaya sabi ko, 'Palakpakan naman natin yung mga anak ko na I’m so inspired sa kanila.'
“Achievement ko din ito. Achievement din nila ito na talagang hindi na gumagamit ng cellphone for the past five months.
“Until now and counting, hindi na sila nagse-cellphone,” pagmamalaki ni Joel.
Read: Joel Cruz proud of raising gadget-free children

NOEL FERRER
Walo ang mga anak ni Joel Cruz sa pamamagitan ng surrogacy.
Ang panganay niyang kambal na sina Prince Sean at Princess Synne ay edad 13.
Sumunod ang kambal uli na sina Harry at Harvey, at ang pangatlong kambal na edad 8 ay sina Charles at Charlott, at ang pampito ay si Zaid na apat na buwan lang ang tanda sa bunsong si Ziv.
Nakita raw niya ang magandang epekto sa mga bata na walang ginagamit na cellphone.
“Ngayon kasi nakikita mo na sa kanila na bumalik na sila sa dati. Naglalaro sila.
"May time sila sa isa’t isa, nanonood sila ng movie o dito sa akin ng TV nang sabay-sabay, yung ganun. Nasa kuwarto ko sila tamang-tama. Nangyari ulit yun.
“Before kasi nung may mga cellphone yung mga yan, kanya-kanya.
“Yung iba, nasa kuwarto, yung iba nasa ano…may kanya kanyang activity sila, may mga game yung ganun. Minsan meron pang manghihingi ng pera para sa game na yun.
“So, ang dami talagang disadvantages ng may cellular phone sa mga bata. Sorry, ha?
“Kaya sabi ko, I’m so proud nang ipinakita ko sa birthday ko na palakpakan naman natin yung mga anak ko na talagang napakamasunurin nila for the past five months, hindi na gumagamit ng cellphone,” sabi pa ni Joel.
Nahirapan lang daw siyang tanggalin ang cellphone sa 13-year-old na panganay niyang kambal.
“Yung 13 years old, nahirapan pa akong tanggalin sa kanila. May kanya-kanyang dahilan.
"Sinasabi niya, ‘Paano pag nawala ako?’ Saan ako tatawag pag nawala daw siya, yung ganun. May mga dahilan na.
“Siguro dahan-dahanin ko pa na mawala dun sa 13 years old,” napangiti niyang pahayag.
Read: Joel Cruz, mas gustong tawaging "Sir" kahit mahaba ang buhok
JERRY OLEA
Para kay Joel Cruz, constant communication daw talaga ang kailangan sa mga bata. Talagang naglalaan siya ng oras para tutukan ang walo niyang anak.
“Kaya nga ang importante sa akin… saka matiyaga ako na kausapin sila. Matiyaga ako na ipapaliwanag sa kanila yung sitwasyon lahat.
“Buti nga I took up Psychology kasi alam mo naman yung behavior ng mga bata. Bigla na lang lumalaki,” saad ni Joel.
Sa edad na 61 ay gusto pa rin pala ni Joel na madagdagan ang walo niyang anak. Pinag-iisipan lang daw niya kung kaya pa ba niyang tutukan.
“Kasi mahilig talaga ako sa baby, e. Mahilig ako sa bata. Gusto ko talagang mag-alaga sa mga baby, cute na cute ako sa mga bata, mga baby adorable yung ganun.
“Baka sakaling… hanggang kaya ko. Tinitingnan ko din kasi yung edad ko, ang lakas ko. Baka mamaya lumaki sila, masyado na akong matanda.
“Sa ngayon kasi, ine-enjoy ko pa rin yung walo. Siguro pag mag-mature na nakaka-miss ulit yung bata. Baka mag-baby ulit ako,” sabi pa ni Joel Cruz.
Read: Joel Cruz opens up about parenting a child with autism
