PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapamilya primetime shows promo sa ALLTV; Sang'gre No. 1 pa rin

“Tutok 2gether” promo ng Kapamilya shows, aabot ng PHP2.5M ang premyo.
by PEP Troika
Published Feb 16, 2026
primetime television
PRIMETIME OFFERING: (from left) Kapamilya shows Batang Quiapo, Roja, and What Lies Beneath; and GMA-7's Sang'gre.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Ngayong Pebrero 16, 2026, Lunes, ang huling araw ng Year of the Wood Snake sa Chinese calendar.

Sa bisperas ng Year of the Fire Snake, handog ng ABS-CBN ang “Tutok 2gether” promo para sa mga Kapamilya kung saan PHP2.5M ang kabuuang halagang ipamimigay.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtutok sa ABS-CBN primetime shows na TV Patrol, FPJ’s Batang Quiapo, Roja, at What Lies Beneath sa ALLTV2.

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

tutok 2gether
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para makasali sa promo, manood sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 ng alinman sa mga kasalukuyang umeereng programa sa Primetime Bida, mula Lunes hanggang Biyernes.

Abangan ang Kapamilya word — Love, Joy, o Hope — na lilitaw sa TV screen.

Pagkatapos, mag-log-in sa joinnow.ph para ipasa ang sagot at kumpletuhin ang registration form para ma-secure ang entry.

Hanggang Abril 17 ang promo.

Dalawampu (20) ang daily winners ng PHP2,000.

Dalawa ang weekly winners ng PHP20,000, at dalawa ang grand winners ng PHP200,000.

kapamilya shows on alltv

Tutukan ang mga nagbabagang balita sa TV Patrol tuwing 6:30 P.M.

Sundan ang maaksyong pakikipaglaban ni Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo ng 8:00 P.M.

Tunghayan ang mga pasabog na rebelasyon sa Roja ng 8:45 P.M, at huwag magpahuli sa paglutas ng mga misteryo sa What Lies Beneath ng 9:30 P.M.

Para mahanap ang Kapamilya Channel sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aiko Melendez hard launches relationship with Onemig Bondoc on Instagram

GORGY RULA

Masigasig ngayon ang sa AllTV dahil tumataas ang viewership nila.

Kaya itotodo na nila para makuha ang majority ng loyal audience ng Kapamilya network.

Nataasan na nila ang TV5, kaya challenge ito sa Kapatid network kung paano maibabalik ang nawala nilang viewers mula nang mawala ang Kapamilya shows sa kanila.

Dapat ay may bago nang mapapanood sa kanila.

GMA-7 STILL RULES FREE TV

Pero pagdating sa free TV, namamayagpag pa rin ang mga programa ng GMA 7, lalo na sa primetime.

Noong nakaraang Friday the 13th ay marami pa rin ang viewership ang mga programa sa GMA 7, lalo na ang Sang’gre.

Ang 24 Oras ay 11.6%, ang TV Patrol ay 3.9%, at 1.7% naman ang Frontline Pilipinas.

Ang Sang’gre ay 10.2%, ang Batang Quiapo ay 8.6%, at 0.7% lang ang Totoy Bato.

Tumataas na rin ang Never Say Die na naka-7.3%; at 4.8% naman ang katapat nitong Roja.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan special guest si Gladys Reyes, ay naka-4.4%. Ang What Lies Beneath ay 2%.

Hindi na bumababa ang ratings ng Sang’gre.

Pinaniniwalaang nakatulong sa pagtutok ng viewers ang kuwento nina Armea (Ysabel Ortega) at Daron (Jon Lucas).

Ang daming positive feedback na natatanggap ang mga taga-Sang’gre mula sa netizens.

May chemistry raw pala sina Ysabel at Jon sa mga kilig-kiligang eksena nilang dalawa bilang sina Armea at Daron.

Read: Top Suzara reveals Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs

ysabel ortega jon lucas sang'gre
Ysabel Ortega and Jon Lucas in Sang'gre
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Lumalaban sa Sang’gre ang TV ratings ng FPJ’s Batang Quiapo (na nag-third anniversary noong Friday the 13th).

batang quiapo

Pero ang Roja at What Lies Beneath ay parehong talunan sa Game of Ratings, at disappointing din ang performance sa Netflix Philippines.

Sa Marso ay parehong magtatapos na ang streaming at pag-ere ng Roja (80 episodes) at What Lies Beneath (100 episodes).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
roja

Ang huling walong episodes ng Roja ay mag-i-streaming sa Netflix sa Marso, samantalang ang last three episodes ng What Lies Beneath ay next month mag-i-streaming.

what lies beneath
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalungkot na mula pa noong Pebrero 6, Biyernes, hanggang ngayon, Pebrero 16, Lunes, ay parehong ligwak sa Top 10 TV Shows ng Netflix Ph ang Roja at What Lies Beneath.

Suma tutal ay 21 days nang sabay ang pagkalaglag ng dalawang Kapamilya teleserye sa Netflix list ng Top 10 TV Shows.

Bida sa Roja sina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, at Maymay Entrata.

Ang What Lies Beneath ay pinangungunahan nina Janella Salvador, Sue Ramirez, Kaila Estrada, Charlie Dizon, JM de Guzman, Jake Cuenca, at Jameson Blake.

STREAMING VS TRADITIONAL TELEVISION

Ang tanong: tumataas ba ang TV viewers ngayon o pa-streaming na sila?

Sa HBO ay merong A Knight of the Seven Kingdoms, kung saan nag-streaming ang penultimate episode (“In The Name of the Mother”) ng Season 1 ngayong Lunes, Pebrero 16.

Sa Amazon Prime Video, inaabangan ang erotic thriller na 56 Days (8 episodes) sa Pebrero 18, Miyerkules ng 4:00 P.M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Netflix, matutunghayan ang Part 2 (last 4 episodes) ng Season 4 ng Bridgerton sa Pebrero 26.

Sadya bang hindi na talaga hooked ang mga utaw sa TV at nasa phone na lang?

Guilty ako, sorry.

Read: Bea Alonzo forgives Cristy, two co-accused in cyber libel case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PRIMETIME OFFERING: (from left) Kapamilya shows Batang Quiapo, Roja, and What Lies Beneath; and GMA-7's Sang'gre.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results