GORGY RULA
More than one year nagbuhay-Disney Princess si Vavavoom Actress.
Mestisa, makinis, ismarte, sopistikada, at kaakit-akit si Vavavoom Actress kaya pila-pila ang kanyang admirers matapos ma-confirm na ready to mingle na siyang muli.
Dalawang government officials na parehong senior citizens ang naging pinakamarubdob na manunuyo ni Vavavoom Actress.
Ang nakasungkit finally ay yung mas matanda.
Halos kalahati ng edad ni Government Official ang edad ni Vavavoom Actress, at kapag magkatabi sila ay mukha silang mag-ama.
Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion
SOME GOOD THINGS NEVER LAST
Pero sadyang mapanghamak ang pag-ibig, lalo pa’t bumabaha ang pagmamahal sa bank account ni Vavavoom Actress.
Ayon sa aming unimpeachable source, tumataginting na PHP2M ang monthly allowance na natatanggap noon ni Vavavoom Actress mula kay Government Official.
Chicken feed lang noon para kay Government Official ang PHP2M, at sandamakmak pang perks ang naihahatag niya para sa kanyang side chick.
But then, some good things never last.
Sabi nga sa kanta ni Barbra Streisand: “I thought we were lovers/ I thought we were friends/ I guess when reality steps in/ The dreaming ends
“We live for the future/ We learn from the past/ No matter how hard we try/ Some good things never last…”
Natigil ang buwanang sustento na PHP2M nang ma-boom tarat-tarat si Government Official sa eskandalong pinag-uusapan hanggang ngayon.
Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand
NOEL FERRER
Likas na mahilig sa showbiz celebrity si Generous Government Official.
Ayon sa source naming mahilig sa popcorn na Poppycock (original, cashew lovers, pecan delight), na-link din before si Government Official sa isang morenang aktres na five years younger lang sa kanya.
Maalaga sa katawang lupa si Morenang Aktres kaya kaaya-aya pa rin ang kanyang dating up to now.
Totoo bang tiba-tiba si Morenang Aktres kay Government Official?
JERRY OLEA
Ang nakakalokayda makaraeg, naging kulasisi rin ni government official ang isang kikay na aktres.
Si Kikay Na Aktres ktres ay more than 10 years na older kay Vavavoom Actress, at more than than 10 years din na younger kay Morenang Aktres.
Sa ngayon ay nananahimik na si Kikay Na Aktres.
Yayamanin na siya, may mga negosyo na booming, at nakatira sa isang mamahaling village.
Sina Vavavoom Actress at Morenang Aktres ay parehong nagsi-circulate pa rin sa showbizlandia.
Read: BLIND ITEM: Personality, gustong matabunan ang isyu ng anak
