JERRY OLEA
Well-spent ang Valentine weekend ni Barbie Forteza.
Pinost niya sa Instagram ang kanyang movie date, at dinner sa favorite Italian place.
View this post on Instagram
“Solong-solong solo!” bulalas ni Barbie sa premiere ng pelikulang Until She Remembers noong Pebrero 19, 2026, Huwebes, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.
Nag-staycation sa Makati City ang Kapuso Primetime Princess.
Aniya: “Nag-check in ako doon tapos nagpahatid lang ako sa tatay ko. Kasi nga, ang plano ko, is really to spend the whole Saturday — yung Saturday kasi yung Valentine’s Day.
“To spend the whole Saturday to treat myself, take myself out on different dates.
“So, nag-movie date ako, nag-café date ako, nag-fancy dinner date ako. And then come Sunday morning, tumakbo ako sa Ayala! Di ba?”
Read: Barbie Forteza, mag-isa muling magdiriwang ng Valentine's Day
BARBIE FORTEZA ADVOCATES SELF-LOVE
Magandang halimbawa iyon para sa fans niya, lalo pa’t maraming kabataan ang nagnanais na may dyowa kung Araw ng mga Puso. Pressured!
Si Barbie, self-love ang isinusulong.
“Oo, and not just on Valentine’s Day. You should love yourself every day, treat yourself with kindness, full of love,” sey ni Barbie.
“Kasi, kailangang ipaalala mo sa sarili mo na you really don’t need anyone. You really don’t have to depend your happiness on anyone.
“Kaya mong pasayahin ang sarili mo.”
May nag-send ba sa kanya ng Valentine gift — flowers, chocolates, o kung ano man?
“Mga brands! Hi! Hi! Hi!” mabilis na tugon ni Barbie.
Nakatanggap daw siya ng bulaklak mula sa kanyang videographer, at may nagregalo rin sa kanya ng celebrated Japanese crime novel ni Asako Yuzuki na Butter (2017).
E, mula sa manliligaw?
“Parang naligaw! Hi! Hi! Hi! Parang naligaw, hindi nakarating!” bulalas pa ng premyadong aktres.
Puwede na ba siyang magpaligaw muli?
“Ahhh, siguro hindi muna. Kasi nga, coming from my solo celebration nung Valentine, parang na-realize ko, parang I really enjoy my own company,” pagmamatwid ni Barbie.
“Parang gusto ko pa siyang patagalin.”
Read: Boots, Charo, Angel, Albert: ano ang say sa homosexuality at queer relationships
NOEL FERRER
Malaking karangalan para kay Barbie Forteza na makatrabaho ang iconic actresses na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo sa Until She Remembers, sa direksyon ni Brillante Mendoza.
“Dream project ko po ito, ang mapabilang sa pelikula ni Direk Brillante,” sambit ni Barbie.
“At ang makasama ang mga very powerful women who I really look up to in the industry.
“And to do a project like this na marami rin talagang matututunan kahit na mga kabataan natin, especially today.
“Kaya I’m just so excited, and I’m proud of what we made.”

BARBIE FORTEZA'S TAKE ON SAME-SEX RELATIONSHIP
Gumanap sina Ma’am Charo at Tita Boots sa pelikula bilang dalawang babaeng nagmamahalan. E, siya, nagkaroon ba ng admirer na kapwa babae o tomboy?
Napakunot-noo si Barbie, “Parang hindi po. Parang hindi ako masyadong attractive sa… they don’t find me attractive. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Kaugnay ba iyon sa karakter niya sa Until She Remembers?
“Hindi, hindi naman. No naman. Pero I really, really enjoy the whole journey,” paglilinaw ni Barbie.
“Kasi, parang first project ko din ito na nag-tackle about mga sapphic characters. Mga females falling in love, di ba?
“So, ito rin yung parang first project ko na sobrang tapang din yung istorya niya.”
Sa Until She Remembers ay 16-year-old high school student ang karakter ni Barbie na si Angel, at boyfriend nito si Roger (Vince Rillon).
Nasa cast din ng movie sina Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Erlinda Villalobos, Angel Latorre, Bianca Kierulf, Perla Bautista, at Carlitos Siguion-Reyna.

Mas gusto ko yung era ngayon ni Barbie na solo lang at walang ka-loveteam.
Sadly, her loveteams kinda weighed her down.
Naniniwala pa rin ako that Barbie is one of the best actresses of her batch!!!
She should continue to shine on her own. Bilib at natutuwa ako sa kanya!
Read: Sofia Trazona pleads to stepfather Alvin Aragon to stop the hate
GORGY RULA
Dalawang pelikula ni Barbie Forteza ang ipinalabas last year.
Yung psychological horror niyang P77 ay nag-showing sa mga sinehan noong Hulyo 30, 2025.
Yung Kontrabida Academy nila ni Eugene Domingo ay nag-streaming noong Setyembre 11, 2025.
Na-cite ng cineastes at cinephiles ang performances niya sa dalawang pelikula.
Ang queer drama nila nina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo na Until She Remembers ay matutunghayan sa mga sinehan umpisa Pebrero 25, 2026, Miyerkules.
Sa Disyempre 3, 2026 naman ang Netflix streaming ng “A Perfect Christmas” episode nila sa four-episode anthology na Paskong Pinoy.
Paano niya napili ang mga proyektong ito?
Pagkaklaro ni Barbie: “Actually ayoko pong i-own. I don’t wanna claim the credit, kasi it’s really the producers and the management who really give me very important and impactful projects.
“And I’m just so, so grateful dahil inaalagaan ako nang tama ng GMA. Kasi, napakagaganda ng mga proyektong ibinibigay nila, at ipinagkakatiwala nila sa akin.”
BARBIE EXCITED FOR HER NEXT PRIMETIME SERIES
Sobrang excited si Barbie sa bagong primetime series na gagawin niya sa Kapuso Network.
“Basta, sobrang excited ang nanay ko!” ang clue ni Barbie sa primetime series.
Ang co-star niya rito ay idolo nila ng kanyang ina.
“Siya ang dahilan kung bakit ako artista!”
Mukhang mas maggo-grow talaga siya bilang aktres ngayong 2026.
“Sabi ko nga, parang nagiging continuation siya ng magagandang nangyari sa akin last year, noong 2025,” sey ni Barbie.
“Kasi parang doon nagsimula ang aking solo era, tapos ngayon, nagtutuluy-tuloy.
“Which I’m really, really grateful for, and sobrang nagpapasalamat ako dahil ang ganda nung naging trajectory nung career ko since last year.”
