PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ambisyosong project ng isang TV network, PHP200M ang budget?

Ambisyosong project, hindi pa nasisimulan ang taping.
by PEP Troika
Published Feb 20, 2026
blind item ambitious tv project
PHOTO/S: Chat GPT

GORGY RULA

Totoo kayang mahigit PHP200M ang hinihinging budget ng isang TV production?

Muntik na raw mabuwal ang isang bossing ng TV network nang sinabi kung magkano ang aabutin ng malaking project na ito.

Ang dami raw kumontra nang inilatag ang budget na ganun kalaki ang gagastusin.

Malalaki naman kasi talaga ang stars na involved, maganda ang konsepto, at malaki ang production cost sa production design at iba pang requirements nito.

Kaya lang, nai-announce at buo na ang casting.

Read: Vavavoom actress, natigil ang PHP2M monthly allowance mula sa government official

TENGGA ANG CAST DAHIL HINDI PA NAGSISIMULA ANG TAPING

Nagtanung-tanong ako sa ilang artistang kasali sa project na ito.

Ayon sa kanila, totoong hindi pa sila nagsisimulang mag-taping.

Hindi raw nila alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa nag-uumpisa ang taping kaya nakatengga pa rin sila ngayon.

Meron ngang isang artistang mahalaga ang role na gagampanan sa project na ito, at kinukuha raw siya ng isang TV network para sa isang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggihan niya ang offer dahil committed siya sa malaking proyektong itong unang tinanguan.

Pero dahil sa mga naririnig niyang mga kuwento, hindi raw niya alam kung ttuuloy pa ba siya. Tatanggapin na lang ba niya ang alok ng isang TV network?

Ang mahirap nito, tengga ang mga artistang involved. Kailan ba sila magsisimula?

Sana, matuloy talaga, dahil napakaambisyoso pa naman ng proyektong ito.

Pero mahirap bawiin ang ganoon kalaking halaga ng production budget.

Kung matutuloy man ito, kailangan talagang magtipid-tipid.

Ewan ko lang kung kayang mag-adjust ng talent fee ang mga bigating artista rito.

Papayag kaya si bidang aktor magpabawas ng talent fee?

Sana, maayos at matuloy pa rin ito.

Abangers na lang po tayo!

Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon

JERRY OLEA

Noong second week ng Enero 2026, nabalitaan natin kung sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa malaking TV project na ito.

Ang pralala ng produksiyon ay “malapit na malapit na.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magtatapos na ang Pebrero pero wala pang linaw kung kailan mag-uumpisa ang taping nito.

Ewan kung sadyang madugo ang pre-production at inililihim nila.

Naalala ko ang isang historical film na napabalita noong Oktubre 2020, kung saan bida ang isang matipunong aktor.

Ang production budget niyon ay PHP80M more or less. Malaki ang gagastusin sa production design upang matupad ang vision ng direktor.

Nakapag-umpisa iyon ng shooting at gumastos ng milyones ang producer, pero hanggang ngayon ay hindi pa iyon tapos.

Harinawang huwag matulad dito ang malaking TV project na PHP200M+ ang production cost.

NOEL FERRER

Naku, paano na ito?

At paano pa ang ibang mga proyektong nasa pipeline na? Tengga rin muna?

Basta, nagtitiwala pa rin ako na yung project na kasama ang talent ko ay matutuloy raw ang taping sa March.

Sana talaga!

Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results