JERRY OLEA
Pamilya ang kasama ni Albert Martinez noong Valentine’s Day.
“It was my family, siyempre, my grandchildren. And my daughter, and my son,” nakangiting sabi ni Albert sa premiere ng pelikulang Until She Remembers noong Pebrero 19, 2026, Huwebes, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.
“Iba na ang Valentine’s Day ko ngayon. As I said earlier, kanya-kanyang finding ng happiness. So, that’s my happiness.”
Noong Marso 14, 2015 pa pumanaw ang wife ni Albert na si Liezl Martinez. Hindi na siya nag-asawang muli.
Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema
BACK-TO-BACK MOVIES
Back-to-back ang showing ng movies ni Albert.
Noong Pebrero 18, Miyerkules, nag-open sa mga sinehan ang pelikula nila ni Kylie Padilla na The Lotto Winner.

Sa darating na Miyerkules, Pebrero 25, naman ang showing ng Until She Remembers.

Sa Marso 13 ay finale na ng Kapamilya primetime series na FPJ’s Batang Quiapo kung saan gumaganap siya bilang Vice Mayor Roberto Guerrero.
Read: Coco Martin, inanunsiyo ang pagtatapos ng Batang Quiapo sa March 13
May next movie na ba siyang gagawin?
“Ahh for now, kasi galing ako sa tatlong sunud-sunod, I’m taking a break,” tugon ni Albert.
ALBERT MARTINEZ TAKES A BREAK
Gaano katagal ang bakasyon niya?
“Let’s see. Depends kung may dumating na mga super-interesting project na I’ll get excited again. So, ayokong magsalita nang tapos,” sabi ng veteran actor.
“But as much as possible, I want to spend more time with my grandkids. Pupunta ako sa Toronto [Canada].
“Doon muna ako. Enjoy muna, lumalaki na ang mga apo ko, e… Iba rin ang akap ng apo! Saka pag tinawag kang ‘Lolo,’ ang sarap!”
Pito ang grandchildren ni Albert — four boys and three girls.
Tatlo ang apo niyang nasa Toronto, dalawa ang nasa California, USA, at dalawa sa Pilipinas.
Noong Christmas holiday ay galing siya sa California. Napagsasama-sama ba niya lahat ng mga anak niya at mga apo?
“Ang arrangement kasi namin, every year, pipili kami ng lugar. So, last year, kaming lahat, nasa California,” sey ni Albert.
“Ngayong year na ito, kaming lahat, nasa Toronto. Next year, kaming lahat, nasa Pilipinas. Para isang ikutan lang.”
Read: Albert Martinez, pinaghahandaan na ang pag-alis sa Batang Quiapo
NOEL FERRER
Para kay Albert Martinez, isang awakening ang pelikulang Until She Remembers kung saan gumanap na lovers sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.
“Finding pure love in a situation like this. Through thick and thin, nagsama sila,” saad ni Albert.
“And through understanding, ups and downs. And for me it’s amazing na merong ganitong klaseng relationship na nag-exist.
“Sabi nga nila, meron palang forever.”
Kumustang katrabaho si Barbie Forteza na gumanap bilang daughter niya, at si Angel Aquino na gumanap bilang wife niya?
“Si Barbie, first time for me to work with her and she’s a very intense actress,” sagot ni Albert.
“Kumbaga, sabi nga ni Direk, hindi na kailangang turuan. Kasi automatic, whatever Direk says, nasusunod the way he wanted it, the way he envisioned the character ang nangyayari.
“With Angel, no question. Her first movie was with me, Mumbaki [1996], and we’ve done so many MMK.
“And now magkasama kami sa Batang Quiapo. So we’re comfortable with each other.”
Read: Boots Anson Roa-Rodrigo reveals convo with husband about their funeral plans
GORGY RULA
Last month ay sinabi na sa akin ni Christopher de Leon na matatapos na ang character niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
Last taping niya noong Biyernes, Pebrero 20.
Pagkatapos ng taping ay lumipad na siya ng Amerika para sa series of shows nila roon ni Tirso Cruz III.
Katatapos lang ng concert nila sa Houston, Texas; at meron sila nitong Linggo, Pebrero 22, sa Newark, California.
Noong nakausap namin si Albert Martinez sa premiere night ng The Lotto Winner noong Pebrero 10 ay hindi naman niya sinabing matatapos na sila, pero may plano na raw siya kung ano ang gagawin pagkatapos ng Batang Quiapo.
JOEL LAMANGAN ON BATANG QUIAPO ENDING
Nakasabay ko naman si Direk Joel Lamangan sa Sunday mass sa Cash & Carry today.
Sinabi niyang sa darating na Miyerkules, Pebrero 25, ay may call slip sa kanya para sa Batang Quiapo.
Hindi raw niya alam kung may kukunan si Coco Martin, pero sa pagkakaalam daw niya ay last taping na nila yun.
Maganda raw ang huling laban ni Tanggol, pero hindi niya puwedeng sabihin kung ano ito. Basta, surprise daw.
“Hindi naman ako mamamatay dun. Wala naman akong kalaban, e,” napangiting pakli ni Direk Joel.
COCO MARTIN THANKS BATANG QUIAPO CO-STARS
Samantala, kinuyog ng press si Coco sa PAFTA Awards na ginanap sa Manila Hotel kagabi, Pebrero 21.
Halatang iniiwasan na niya ang kanegahan na pasabog ni Rod Navarro Jr.
Nagpasalamat na lang si Coco sa lahat na nakatrabaho niya at co actors sa Batang Quiapo.
“Nagpapasalamat ako sa mga tao. sa lahat ng mga artistang nakatrabaho ko. Kaya para sa kanila din ito,” pakli niya habang hawak ang tropeyong napanalunan niya sa PAFTA.
Sa Marso 16 mag-uumpisa ang bagong primetime series ni Coco na Sigabo, kasama ang partner niyang si Julia Montes.
Maraming comedian na itatampok sa Sigabo, kaya light lang ito.
Episodic ang serye, iba-ibang misyon at kuwento kada linggo.
Read: Actress natigil ang PHP2M allowance mula sa government official
