GORGY RULA
Successful na idinaos ang Celebrity All-Star Basketball Game ng Sigla MVPO o MVP Olympics 2026 ni Mr. Manny V. Pangilinan na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes, February 24, 2026.
Napuno ang Big Dome ng fans at employees ng MVP Group na kinabibilangan ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), PLDT, Smart-Maya, Meralco, Metro Pacific Health, Philex Mining, Maynilad, Metro Pacific Tollways Corporation at MediaQuest.
Pinangunahan ito ng mWell, ang MVPO organizing chairman na si Ms. Chaye Cabal-Revilla, na siya ring executive director, chief finance, risk and sustainability officer ng MPIC.
Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?
KAPUSO, KAPAMILYA, KAPATID STARS JOIN FORCES
Dalawang teams ang naglaban sa basketball exhibition game, ang Blue at White, na kinabinilangan ng Kapuso, Kapamilya at Kapatid stars.
“Sports have always been a powerful way to bring people together. Through the MVPO, we continue to celebrate discipline, passion, and the collective spirit that drives our group forward,” saad ni MVP.
Ilan sa mga naglaro ay sina Derek Ramsay, Wendell Ramos, JC de Vera, Marco Gallo, David Licauco, Dylan Menor, Diego Loyzaga, Cedrick Juan, Rabin Angeles, Lance Carr, Prince Clemente, Kevin Dasom, Prince Carlos, at Boom Labrusca.
Hindi nakapaglaro si Paulo Angeles dahil may injury ito sa paa.

Nandoon din si Dennis Trillo, pero nanood lamang siya kasama sina Pops Fernandez, Enrique Gil, Ms. Chaye, at MVP.

Sumabay na rin doon si Enrique sa pag-promote ng A Secret in Prague kasama si Andrea Brillantes na nag-perform sa break ng laro.

Ilan pa sa nagbigay ng special number ay ang cast ng Bagets The Musical, pero wala si Andres Muhlach.
Pasabog din ang number nina Jona at Jed Madela.
Read: Brent Manalo, Xyriel Manabat, Dustin Yu, Bianca De Vera: Checking In
ENRIQUE AND ANDREA
Pagkatapos ng dance number ni Andrea Brillantes, nagbigay ng bulaklak si Enrique.

Sandali namin silang nakatsikahan pagkatapos ng performance.
“It was really good! Really, really good. Grabe!” bulalas ni Enrique.
Sabi naman ni Andrea, “Kuwento mo naman na kahit sa eroplano, pina-practice ko.”
Natawa na lang si Enrique na ikinuwento sa amin kung paano kinarir ni Andrea ang production number nito sa MVPO 2026.
“Papunta ako ng Cebu, tapos nakita ko siya sa phone nagpa-practice siya. Siyempre kasi super busy din siya.
“You can see the dedication and her passion na kahit napaka-busy din niya she comes here and she just kills it you know.
“Wala lang! Ganun lang talaga siya,” saad ni Enrique.
Read: REVIEW: Until She Remembers a tour de force by great actresses
NOEL FERRER
Nagwagi sa basketball game ang Blue Team nina Wendell Ramos kasama sina Rabin, Lance, Prince Carlos, Cedric, at Diego.

Si Wendell ang nagpanalo sa kanilang team nang na-shoot niya ang dalawang free throw sa last 4 seconds.
Nagpasalamat siya dahil sa masaya raw nilang paglalaro kasama ang mga artistang mas bata pa sa kanya.
“Para mag-shine…. alam naman natin na mga anak ko na halos lahat yung mga kalaro ko. But it was a blessing to be part of this ano…
"Sir MVP, maraming-maraming salamat po,” sabi ni Wendell habang katabi si MVP.

Sabi naman ni MVP, “Yeah! Very nice! It’s a real basketball game. And a number of good players. We have more audience than the PBA.”
Kaya dapat daw na masundan pa ito, sabi niya kay Ms. Chaye Revilla.
“You want the part two. Dapat may prize! One million pesos!” sabi pa ni MVP.
HERLENE BUDOL MEETS BOL BOL
Nagpakuwela rin doon si Herlene Budol na nanood ng laro kasama ang ibang taga-Sparkle na sina Danica Ontengco at Althea Ablan, na sumuporta sa nobyong si Prince Clemente.

Sabi ni Herlene: “First time ko nakapanood dito ng basketball.
"Kasi nung nag-muse ako last two years ago, hindi ako masyadong nakapanood. Umalis ako kaagad.
"Pero ngayon, may sinusuportahan ako, si Kevin Dasom, yung ka-partner ko sa GMA, ang saya-saya ko.
“Mas more intense pala kapag dito nanood. Kaya happy ako,” bulalas ni Herlene.
Nakaw-eksena ang pagpapa-picture ni Herlene sa dating NBA player na si Bol Bol.
Kinatuwaan ng mga tao ang pag-pose niya sa 7’3” ang height na basketball player.
“Oo, nagpa-picture ako kay Bol Bol. Ang bango ni Bol Bol, ha? At saka ang tangkad.
“Nakaka-amaze siya, at saka sinabi ko… niyaya kong mag-basketball one-on-one. Sana pumayag.
“Kaya nga BolDul na!” natatawa niyang pahayag.
Read: Arrival of ex-NBA player Bol Bol sparks hilarious live news moment

JERRY OLEA
Si Rabin Angeles ang isa sa tinilian nang husto ng fans, at nag-trending pa ito sa X.
Nakakatuwa siyang maglaro dahil sa liit niya at madaling maagawan ng bola.
“Ang lalaki po e! Ako po yung pinakabata dito e, kaya iba yung kaba ko.
“First time ko po. Thank you, thank you po,” napapangiting sabi ni Rabin.
Pero sobrang nag-enjoy raw siya, at nagpasalamat sa fans na sumuporta sa kanya.
Saad pa niya: “Iba po yung experience. Lalo na mga beteranong aktor po ang mga nakasama ko dito, mga magagaling.
“Ang isa ko pong kakampi si Diego Loyzaga. Yung first movie po na ginanapan ko as extra, siya po yung artista dun.
“Kaya super happy ako, at sobrang bait po ni Sir Wendell, sobra!” sabi pa ni Rabin.
Natawa na lang si Rabin nang sabihan na nandun din si Angela Muji para sumuporta sa kanya.
Narinig pa ng mga press na tinawag siyang “bebe” habang nagtse-cheer ito kay Rabin.
“Opo andun siya! Natuwa ako, nagulat ako nandun siya e. Akala ko hindi siya makakadating e, biglang nandiyan siya,” napangiting saad ni Rabin.

DEREK RAMSAY SAYS HE'S FOCUSED ON DAUGHTER LILI
Samantala, nagpaunlak si Derek Ramsay ng interview sa media, pero tipid pa rin ang sagot niya tungkol sa isyu nila ni Ellen Adarna.
Nagpasalamat siya sa pagiging generous daw ni Ellen na napapahiram sa kanya ang anak nilang si LilI halos araw-araw.

Ani Derek: “I asked permission from Ellen if I can see my daughter. And she’s very generous naman with the time she gives me or the opportunity that she gives me to see my daughter.
“So I was with her yesterday. I was there this morning, Hopefully, I’ll be with her tomorrow.
“Even if it’s just for few hours, two to three hours. Ahmm I can’t… it’s hard for me to not see my daughter.
“Not that noise online… my focus for me is my time with my daughter.
“I’m at peace.”
Read: Derek Ramsay, hindi raw papatulan ang mga pasabog ni Ellen Adarna
