PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong naghayag ng opinyon sa diwa ng EDSA Revolution, AI

Dingdong Dantes, nagagamit sa mga isyung politikal
by PEP Troika
Published Feb 25, 2026
dingdong dantes speed oathtaking
Dingdong Dantes on being dragged into political issues: “Hindi ko alam. Dahil siguro sa lahat na nangyayari, it involves all of us, e. Hindi lang naman ako. Lahat naman tayo ay kasama din dito. So, nagkataon lang din siguro na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Dingdong Dantes nang muling itinanong sa kanya ang pagklaro nitong hindi siya nagkomento laban sa pahayag ni Vice-President Sara Duterte na tatakbo siyang Presidente sa 2028.

Wala na raw siyang maidadagdag pa roon.

“Yun na yun! I just clarified it. It is what it is. Yun na yun,” pakli ng Kapuso Primetime King sa Induction of Officers ng grupong SPEEd na ginanap noong Pebrero 24, 2026, Martes, sa The Bayanihan Center, Pioneer St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

speed officers
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin bakit nagagamit din siya sa mga isyung pulitika.

Aniya: “Hindi ko alam. Dahil siguro sa lahat na nangyayari, it involves all of us, e.

“Hindi lang naman ako. Lahat naman tayo ay kasama din dito. So, nagkataon lang din siguro na ako.”

Hindi nga lang naman si Dingdong ang ikinakabit sa isyung pulitika. Pero pinapakinggan kapag ang kagaya niya ang magsasalita.

Read: Kylie Padilla on dad Robin’s plan to run for VP: “Aalis na ako ng Pilipinas.”

DINGDONG DANTES ON EDSA 40 ANNIVERSARY

Ngayong ginugunita natin ang EDSA Revolution na nasa ika-40 anibersaryo, hiningan namin si Dingdong ng saloobin niya kung ano ang kahalagahan nito sa panahon ngayon.

Aniya: “Taun-taon ipinapaalala sa atin na ang tunay na kapangyarihan ay nasa taumbayan.

"Para sa akin, iyan ang diwa ng EDSA People Power— isang sandali sa ating kasaysayan na nagpakita kung ano ang kayang gawin ng nagkakaisang Pilipino.

“At paalala na bilang isang bayan — lampas sa anumang pagkakaiba o paniniwala — may papel tayong lahat sa paghubog ng ating lipunan at kasaysayan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para kay Dingdong, hindi natatapos lang sa EDSA People Power. Dapat ay patuloy pa rin ang ating pagkilos para sa ating bansa.

“The spirit of People Power continues to call us forward. It remains a powerful symbol of hope, a reminder of what is possible when we move forward as one people,” sabi ni Dingdong.

“The work of nation-building continues, because there is still much to be done.”

Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?

NOEL FERRER

Naglabas ng statement ang AKTOR - League of Filipino Actors noong Pebrero 18 sa kanilang Facebook page kaugnay sa “misuse of technology,” partikular ang Artificial Intelligence (AI).

Paalala ng AKTOR: “Di kailanman makokopya ng AI ang kaluluwang nananalaytay sa imahe at tinig ng bawat aktor.

“Kailangan nating pakaiingatan ang pang-aabusong maaaring mangyari sa pagnanais nating padaliin ang ating trabaho ng paglikha ng sining.”

Bilang artist, naramdaman na ba ni Dingdong Dantes na na-encroach ang kanyang karapatan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsisiwalat ni Dingdong: “Ang mas malala pa dun, marami pa ang nagpapadala sa akin ng mga fake na ano na mga galing Facebook na nagbebenta ng produkto gamit ang mukha namin.

“So, tinatanong ako, ‘Legit ba ito?’ Kasi kung pinanood mo, parang kami talaga yung nagsasalita, kami yung nasa video. So, talagang nakakatakot.

“Minsan yung mga tao, sasamantalahin yung pagamit ng ganitong technology para sa kanilang gain na hindi naman tama, kasi pang-aabuso na ng mga tools na ito.

“So, yun yung talagang kinatatakutan namin… Of course later on, mapalitan talaga yung craft of performing live on screen.

“That’s something that we really want to protect, us as artists.”

Ano ang aksyon niya sa mga abusadong gumagamit sa kanyang imahe sa pamamagitan ng AI?

“Pag ganun, nire-report lang namin. Pag pinapadala sa amin na may ganito. So, nire-report lang namin sa platform. Tapos… hopefully, ma-take down nila yun,” sagot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Panawagan din sa iba na alam ko naman na kabuhayan din nila yun. Pero huwag naman to the extent of using the images of legitimate people.

“Kasi, siyempre may intellectual property na yung pagmumukha at boses ay nandun na mismo sa taong yun.

“So, kinakailangan talaga, with consent yun.”

Read: Ellen Adarna speaks about issuing an ultimatum to Derek Ramsay for child support

JERRY OLEA

Sina AKTOR Chairman Dingdong Dantes at AKTOR President Iza Calzado ang nanguna sa panunumpa ng mga bagong officers ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Masaya ang AKTOR chairman na sila ni Iza ang napili ng SPEEd dahil aniya, “Siyempre, we belong to the same industry.

“Napakasarap makita na kapag yung mga kasama mo sa industriya ay nag-oorganisa at lalung-lalo na pino-formalize yung kanilang samahan kasi talagang makikita mong seryosong-seryoso sila sa development ng mga organizations.

“And AKTOR will always be there to support our colleagues in the industry kaya we’re very grateful na naimbitahan kami dito sa panunumpa ng organisasyong SPEED.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang chairman ng AKTOR, ibinalita ni Dingdong na marami silang naka-lineup na proyekto para sa pagpapatibay ng welfare and craft ng mga kapwa niya aktor sa industriya at excited silang makipag-collaborate sa SPEEd na may ganito ring layunin.

Sa ngayon, nasa more than 300 members na raw ang AKTOR at goal nilang umabot sa 400 by the end of 2027.

Nilinaw ni Dingdong na non-partisan group ang AKTOR at wala silang kulay-pulitika.

NEW BATCH OF SPEED OFFICERS

Maliban kina Dingdong at Iza, dumalo sa induction ng bagong SPEEd officers sina Mowelfund Chairperson Boots Anson Roa-Rodrigo, Mowelfund President Rez Cortez, Fire and Ice Entertainment CEO and founder Direk Ice Seguerra and wife Liza Diño-Seguerra, at MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Sa programa, itinalaga bilang pangulo ng SPEEd si Tessa Mauricio-Arriola, Entertainment and Lifestyle Editor ng The Manila Times.

Kasama niya sa listahan ng mga bagong opisyal sina Maricris Valdez-Nicasio (Hataw), VP for Internal Affairs; Gerardine Trillana (Malaya Business Insight), VP for External Affairs; Ervin Santiago (Inquirer Bandera), secretary; Rohn Romulo (People’s Balita), asst. secretary; Dondon Sermino (Abante TNT at DWAR 1494), treasurer; Anna Pingol (Pika-Pika), asst. treasurer; Jerry Olea (PEP), auditor; Nickie Wang (Manila Standard), Janice Navida (Bulgar) at Neil Ramos (Tempo), PRO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
speed officers
From left: Dondon Sermino, Mickie Wang, Eugene Asis, Janice Navida, Maricirs Valdez-Nicasio, Tessa Mauricio-Arriola, Iza Calzado, Dingdong Dantes, Gerardine Trillana, Ervin Santiago, Rohn Romulo, Jerry Olea, and Dinah Ventura.
Photo/s: Jerry Olea

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (People’s Journal), Ian Fariñas (People's Tonight) at Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at PangMasa), kasama sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin at Tempo), Dinah Ventura (Daily Tribune), Nathalie Tomada (Philippine Star), Bobby Requintina (Manila Bulletin), Jun Lalin (Abante), at mga nagretiro nang patnugot na sina Dindo Balares (Balita) at Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay ang SPEEd ng Recognition Awards sa mga naging katuwang nito sa mga nakaraang taon sa pagsusulong ng mga adhikain ng samahan.

Pinarangalan sina Ms. Claire Papa, assistant vice-president at head ng External Affairs and Social Partnerships ng Unilab Inc.; Maria Yolanda "Yoly" Crisanto, chief sustainability at corporate communications officer ng Globe Telecom; Joy Andrade, direktor para sa Corporate Communications sa Newport World Resorts; Angeli Pangilinan-Valenciano, board member ng SoundCheck Inc.; Juancho Robles, presidente at punong ehekutibo ng ChanRobles & Company CPAs; at Rhea “Rei” Anicoche-Tan, presidente at chief executive officer ng Beautéderm.

Big congrats to our group, SPEEd, at maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa aming event kabilang na ang ilang kasamahan sa print media, ABS-CBN Corp. Communications headed by Sir Kane Choa, Mr. Nelson Canlas of GMA-7, Chris Cahilig of Puregold, Sir Wilson Flores of Kamuning Bakery, Ms. Pinky Tobiano and husband Juancho Tobiano, David Young and Newport Resorts World PR team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinky Amador reacts to “kain-suka” accusation after attending Malacañang event

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on being dragged into political issues: “Hindi ko alam. Dahil siguro sa lahat na nangyayari, it involves all of us, e. Hindi lang naman ako. Lahat naman tayo ay kasama din dito. So, nagkataon lang din siguro na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results