JERRY OLEA:
Naka-eight Sundays na ang Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.
Kabilang sa workshoppers sina Cristine Reyes, Dodo Dayao, Jerom Canlas, JC Santos, Kara David, King Palisoc, Kylie Padilla, Miko Livelo, Noreen Capili, Nour Hooshmand, Phi Palmos, Vincent de Jesus, at Wanggo Gallaga.
Naunang nakatapos ng screenplay sina Kylie at Kara, at nagalingan sa mga ito si Sir Ricky.
“Maraming iba pang magaling! Maraming mahusay doon sa workshop,” sabi ng multi-awarded writer sa inauguration ceremony ng FDCP Cinematheque Manila noong Pebrero 26, 2026, Huwebes, sa Philippine Heritage Building, Intramuros, Manila.
“Unang-una, pinili mula sa 2,000+ na nag-apply, nasa 200+ iyung mahuhusay. And so ito, iyong first batch, piling-pili na talaga sila. Sinala. Naging 36, sa halip na 30 lang.
“So maraming mahuhusay bukod kina Kylie at Kara. Si JC Santos, nakatapos na rin. Dala-dalawa pa nga. Ang sisipag nila!
“Karamihan sa kanila, dala-dalawa pa ang tinatrabaho. Si Wanggo, si Dodo Dayao. Si Dodo, ang ginagawa niya, yung outside his comfort zone na horror usually. So ito, eerie pero hindi siya horror.
“So masaya, e, masaya na mixed sila. Iyung mix ko kasi, hindi parang sa eskwelahan na pantay-pantay lahat na puro baguhan.
“Dito, hindi lang ako nagtuturo. Pati sila, nagtuturo. Kasi may mga datihan. So, marami kaming teachers in a way.
“And then nagkakahilahan. Iyung baguhan, nahihila niya iyung datihan para maging mas energetic at fresh.
“Iyon namang baguhan, nahihila ng datihan paakyat. So, nagkakatulungan. So maganda iyong salpukan ng ideas.”
E, si Cristine? “Masaya. Masaya siya kasi… usually, pag artista naman, mahusay — generous,” sabi ni Sir Ricky.
“Iyung nagse-share, nakikipagkuwentuhan. Hindi siya nagmamataas. Generous ang artistang mahusay.
“So very generous siya. Nagtatawanan sila lahat. Pati iyung ‘Happy birthday,’ nagiging part ng conversation halimbawa namin sa kanya.
“Nag-birthday siya, nag-birthday siya sa workshop.”
Tumulong kay Sir Ricky sa gastusin sa Batch 30 ng scriptwriting workshop niya ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa ilalim ng Director General na si Paolo Villaluna.
Siyanga pala, sa Marso 19, Huwebes, ipagdiriwang ni Sir Ricky ang kanyang ika-78 kaarawan.

Read: Angeli Pangilinan calls Gary V's latest hospital bout "tigas-ulo"
NOEL FERRER:
Sa Mayo-Agosto 2026 nakatakda ang susunod na free scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.
Batch 31 iyan, at kabilang diyan sina Chai Fonacier, Karylle, Mikko Baldoza, Rica Peralejo, Romnick Sarmenta, at Tim Rone Villanueva.
Marami sa local showbiz ang umaasam na sumailalim sa libreng palihan ni Sir Ricky.
Pagtatapat ng premyadong manunulat, “Kahit saan ako pumunta, laging may nagsasabi, ‘Sana, magwo-workshop ako.’
“And hindi ako naniniwala na dahil artista ka or datihan ka na, hindi ka na kailangang mag-workshop.
“Wala naman katapusan iyon, e. Andami-dami kong nakikita ngayon na interested. Sina Jericho Rosales, Coco Martin, Paolo Contis, Lovi Poe.
“Nakikita ko iyung sinseridad nila na gusto nilang mag-workshop, except hirap lang silang mag-commit ng ten Sundays.
“Kasi sina Kylie, sina Cristine, ten Sundays sila na walang absence. Pinanindigan nila, maski na may trabaho sila, andoon sila every Sunday.”
Marami nang artista at filmmakers na nag-workshop kay Sir Ricky mula pa noong 1982. Kabilang diyan sina Candy Pangilinan, Bela Padilla, John “Sweet” Lapus, Bea Alonzo, Agot Isidro, Meryll Soriano, Xian Lim, Mikoy Morales, Kean Cipriano, Iza Calzado, Chynna Ortaleza, Ping Medina, Herbert Bautista, among many others.
Tulad ko, ipinagmamalaki ko at very grateful to be called a Ricky Lee workshopper!
IN PHOTOS: The star-studded launch of FDCP Cinematheque Manila
GORGY RULA:
Magkakatabi sa hallway ng Philippine Heritage Building ang posters ng Moral (1982), Karnal (1983) at Himala (1982).
Si National Artist Ricky Lee ang sumulat ng screenplay ng mga pelikulang iyan. Ang Moral at Karnal ay parehong idinirek ni National Artist Marilou Diaz-Abaya. Ang Himala ay idinirek ni National Artist Ishmael Bernal, at pinagbidahan ni National Artist Nora Aunor.
Sa inauguration ceremony ng Cinematheque Manila, magiliw na bumati si First Lady Liza-Araneta Marcos (LAM) kay Sir Ricky pagkakita rito.
Pinuri ni LAM si Sir Ricky.
Matapos ang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan nina First Lady LAM at FDCP Chairperson Jose Javier Reyes, nag-photo op ang mga ito with the VIP guests.
Nagkatabi sina Sir Ricky at First Lady sa litrato, kunsaan kasama rin sina Atty. Rochelle Ona ng MMDA/MMFF, FAP Director General Paolo Villaluna, FDCP Chair Joey Reyes, NCCA Chairperson Dr. Eric B. Zerrudo, CCP President Kaye Tinga, at iba pa.
Matapos ang blessing ceremony at bago mag-screening ng Sisa, nagpalitrato kay Sir Ricky ang kararating lang na AKTOR Chairman na si Dingdong Dantes.
Paalis na sana noon si First Lady, pero tumabi uli ito kay Sir Ricky.
Sumama rin sa photo op sina CCP Vice President Dennis Marasigan at FAP Director General Paolo Villaluna.

May ilang nag-react sa pagtatabi nina Sir Ricky at First Lady LAM.
Noong kasagsagan ng 1974 na Martial Law—sa ilalim ng panunungkulan ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Jr.—sabay na ikinulong sina Ricky Lee at National Artist Bienvenido Lumbera (1932-2021).
Isang taon na nagkasama sina Ricky at Bienvenido sa kulungan sa Fort Bonifacio.

Sabi ni Sir Ricky, maraming beses na siyang naimbitahan sa event sa Malacañang Palace pero hindi siya nakakapunta.
Umiiwas daw siya sa mga pormal na okasyon na kailangan pa siyang mag-barong Tagalog.
Ka-close na ba ni Sir Ricky si First Lady LAM?
“Ngayon ko lang siya na-meet. Ngayon lang kami nakapagpa-picture na magkasama,” malumanay na tugon ni Sir Ricky.
“Pero naririnig ko naman yung mga ginagawa niya para sa industriya.”
