JERRY OLEA:
Proud si Christian Bables sa bago niyang pelikula — isang period film sa direksyon ni Lav Diaz.
First time ni Christian maidirek ni Direk Lav, na bantog sa “slow cinema” o pagkahahabang pelikula.
“Kakaiba yung proseso,” sabi ni Christian.
Nakatsikahan namin siya sa inauguration ceremony ng Cinematheque Manila noong Pebrero 26, 2026, Huwebes, sa Philippine Heritage Building, Intramuros, Manila.
“Iba sa nakasanayan ko pero masaya," dagdag ng premyadong aktor.
Aniya, most likely ay mahaba ang pelikula, kunsaan tampok din si Ronnie Lazaro.
“Pag Direk Lav Diaz, alam naman natin kung ano ang ie-expect,” sambit ni Christian.
First period film din ito ni Christian, na ang setting ay panahon ng mga Kastila. Nag-shooting sila sa kagubatan ng Sampaloc, Quezon, kunsaan nagsyuting din si Direk Lav ng Magellan na pinagbidahan ni Gael Garcia Bernal.
Nabanggit ni Christian na taga-Tayabas, Quezon siya. Nasa pagitan ng Sampaloc at Tayabas ang hometown kong Lucban.
Nakailang shooting days na siya sa pelikulang ito?
“Nag-lock in kami nung buong December. Doon ako nag-spend ng birthday ko, December 6,” napangiting saad ni Christian.
“Muntik akong doon mag-Bagong Taon… Naaksidente ako sa sobrang hirap nung shoot namin.
“Natigil kami ng shooting ng January-February. Tapos March ulit.”

IN PHOTOS: The star-studded launch of FDCP Cinematheque Manila
NOEL FERRER:
Kabilang sa mga nagdirek kay Christian Bables sa pelikula sina Jun Robles Lana, Chito Roño, Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Theodore Boborol, at Lemuel Lorca.
Ano ang kaibahan ni Lav Diaz sa mga nabanggit na direktor?
“Si Direk Lav, iba iyung proseso niya. Pero iyung proseso niya, mamahalin mo bilang isang aktor dahil bibigyan ka niya ng freedom to explore and to dive deep sa craft mo,” tugon ni Christian.
“Iyun ang sobra kong nagustuhan kay Direk Lav.”
Read: Ricky Lee, na-meet si FL Liza Araneta-Marcos sa FDCP event
GORGY RULA:
May historical element ang movie ni Christian Bables sa direksyon ni Lav Diaz, kagaya ng Sisa ni Direk Jun Robles Lana.
Naniniwala si Christian sa kahalagahan ng mga ganitong klaseng pelikula na tumatalakay sa kasaysayan, at pagkakakilanlan ng Pilipino.
“Tinuturuan nung mga ganitong klaseng films iyung generation ngayon kunsaan tayo nagmula,” saad ni Christian.
“At kung ano din yung mga struggles and mga hirap na kinailangang pagdaanan ng mga Pilipino before.
“Kumbaga, sila yung nag-pave ng way, e, para makuha natin kung ano man yung nakukuha natin ngayon.”
Nilinaw ni Christian na hindi gay ang karakter niya sa movie ni Direk Lav.
Teka! May participation ba siya sa gagawing stage musical na Die Beautiful?
“Tingnan natin! Ha! Ha! Ha! Tingnan natin!” bulalas ni Christian.
