GORGY RULA
Tamang-tama na sa Fire Prevention Month nagsimula ang bagong afternoon drama na Apoy sa Dugo na nag-umpisa noong Marso 2, Lunes ng 4:05 P.M., sa Kapuso Network.
Pero parang kulang pa sa init ang apoy na dala nito.
O baka pababa nang pababa na talaga ang viewing level ng mga programa ngayon sa telebisyon?
Naka-4.1% lang ang rating ng pilot episode ng Apoy Sa Dugo, na pumalit sa timeslot ng Unica Hija.
Pero masaya ang buong team ng Apoy sa Dugo dahil okay na raw ang nakuha nitong rating sa pangatlong slot ng Kapuso afternoon drama.
Read: TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa alleged video scandal

MARCH 2 AFTERNOON RATINGS
Narito ang ratings ng iba pang programa sa hapon...
Ang It’s Showtime ay 5.4%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 6%; ang katapat nitong replay na Lavender Fields ay 0.5%, at ang Frontline Express sa TV5 ay 1.5%.
Ang House of Lies naman ay 4.8%; ang replay na Senior High ay 0.4%, at ang Cine Hapon ay 1.1%.
Pagkatapos ng Apoy sa Dugo ay ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-3.8%, at ang sumunod na Delightfully Deceitful ay 2.4%.
Medyo tumaas naman ang Family Feud na naka-6.1%. Ang katapat nitong Minute To Win It ay 1.1%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.3%.
Read: Odette Khan in hospital; family appeals for financial help
NOEL FERRER
Pagdating ng primetime ay nangunguna pa rin ang Sang’gre; at nagsimula na rin ang The Secret of Hotel 88 ng housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.
Simulan muna natin sa 24 Oras na naka-12.2%. Ang Frontline Pilipinas ay 2.3%, at ang TV Patrol ay 4.3%.
Ang Sang’gre ay 11%, ang Batang Quiapo ay 9.7%, at ang Totoy Bato ay 1.2%.

Sumunod ang Never Say Die na 7.7%, at ang Roja ay 4.9%.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay 4.2%, at ang What Lies Beneath ay 2.1%.
Read: Brent Manalo, Xyriel Manabat, Dustin Yu, Bianca De Vera: Checking In

JERRY OLEA
Uy! Mas mataas ang rating ng pilot episode ng The Secrets of Hotel 88 kesa sa rating ng pilot episode ng Apoy sa Dugo.
Hanggang Marso 13, Biyernes, na lamang ang FPJ’s Batang Quiapo at Roja.
Tataas pa kaya ang rating ng mga ito?
THE KINGDOM CAST MEMBER KASAMA SA SIGABO?
Ang kapalit ng FPJ’s Batang Quiapo umpisa Marso 16 ay Sigabo, na bida sina Coco Martin at Julia Montes.
Totoo ba ang naulinigan natin na ang isang artistang nai-cast sa The Kingdom: Magkabilang Mundo ay kasama na sa Sigabo?
Pinost ni Kim Chiu sa kanyang Facebook page nitong Marso 2, Lunes ng gabi, na mapapanood ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan umpisa Marso 16, Lunes ng 8:45 P.M., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at AllTV.
Yung What Lies Beneath ay na-extend for two weeks (10 episodes), kaya sa Marso 20, Biyernes, pa ang finale episode nito.

Marso 21, Sabado ng 2:30 P.M., ang finale episode ng Hating Kapatid sa GMA Afternoong Prime.
Ang kapalit nito umpisa Marso 23, Lunes ng 2:30 P.M., ay ang Born to Shine kung saan magkatambal muli sina Zephanie at Michael Sager.
Nasa cast din ng musical drama na ito sina Olive May, Manilyn Reynes, Tina Paner, Smokey Manaloto, Roselle Nava, Vina Morales, at Tessie Tomas.

Abril 17, Biyernes, naman ang finale ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa Kapuso primetime.
Papalitan ito ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes umpisa Abril 20, Lunes ng gabi.
Read: Here's the star-studded wedding entourage of Kim Molina and Jerald Napoles
