PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Morenong aktor, iiwan ang showbiz para sundan ang pamilya sa U.S.

Morenong aktor, binigyan ng another chance ng non-showbiz wife.
by PEP Troika
Published Mar 4, 2026
blind item morenong aktor amerika
ILLUSTRATION: Canva

GORGY RULA

Hiniwalayan na ng kanyang non-showbiz wife ang morenong aktor.

Kung anu-ano kasing kabulastugan ang sinuong ni Morenong Aktor, at tila naubos ang pasensiya ni Misis.

Nagpasya si Wifey na mag-umpisa ng bagong buhay sa Amerika kasama ang mga anak nila ni Morenong Aktor.

Humingi ng one more chance si Morenong Aktor.

Handa siyang iwan ang showbiz, huwag lang malayo sa kanyang mag-iina.

Nalamuyot ang kalooban ni Misis.

Pinahalagahan ang sinumpaang magsasalo sila sa hirap at ginhawa.

Read: TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa alleged video scandal

MORENONG AKTOR, SUSUNDAN ANG WIFEY AT MGA ANAK SA AMERIKA

Marami silang pagsubok na nalampasan.

Paulit-ulit mang nalulugmok si Morenong Aktor ay bumabawi ito kahit paano.

Inaayos na ni Morenong Aktor ang mga dapat ayusin para makasama ang pamilya pa-Amerika.

Mag-aaral daw si Morenong Aktor sa U.S. para magkatrabaho roon.

Ibebenta raw ni Morenong Aktor ang mga naipundar niyang ari-arian upang magamit sa bagong buhay nila sa bansa ni Uncle Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ayon sa ilang taong malapit sa mag-asawa, buo ang loob ni Non-showbiz Wife na mag-start ng new life sa U.S. — with or without her husband, si Morenong Aktor.

Minabuti ni Misis na hayaan si Morenong Aktor kung susunod ba ito sa Amerika. Tatay naman daw ito ng mga anak nila.

Kung hindi raw makakasunod, okay pa rin kay Misis. Ang mahalaga ay kasama niya ang kanyang mga anak.

Ang suwerte ni Morenong Aktor. Ang bait ng in-laws niya.

Ang parents ni Misis ang sumasagot nowadays sa mga gastusin ng pamilya.

Maaaring ang iniisip na lang ng parents ay para rin ito sa kanilang anak na siguradong apektado kung lumala pa ang problema.

Kaya sinusuportahan na lang nila ito.

Read: Park Bom claims being a decoy for Sandara Park's alleged drug abuse

JERRY OLEA

Mahirap na ang buhay sa Pilipinas, ganoon din sa local showbiz. Matindi ang competition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Medyo napag-iwanan na ng panahon si Morenong Aktor.

Nakakaraket si Morenong Aktor paminsan-minsan, pero hindi sapat iyon para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mag-iina.

Naglipana pa ang mga tukso, at umiiral minsan ang pagiging marupok ni Morenong Aktor.

Marami-raming artista ang sumubok ng fresh start sa abroad, at napagtagumpayan nila iyon.

Harinawang ma-achieve din iyon ni Morenong Aktor, at masumpungan niya ang pinapangarap na buhay para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Read: Ron Angeles: “Sanay na akong mahusgahan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results