GORGY RULA
Stranded ngayon sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang aktres at dating beauty queen na si Carlene Aguilar.
Bago pumutok ang giyera sa pagitan ng Israel, sa pakikipagtulungan ng Amerika, laban sa Iran, lumipad ng Dubai si Carlene para sa trabaho niya roon na may kinalaman sa real estate. Kasama niya ang kanyang team.
Tipong ihahatid lang daw sana niya ang grupo para sa dalawang linggong training sa Dubai.
Pero ito na ang nangyari at hindi raw sila makapagtrabaho.
Read: Anne Curtis’s Dubai flight diverted amid Middle East tensions
CARLENE ASKS FOR PRAYERS
Nag-post si Carlene sa Instagram para humihingi ng panalangin sa mga kababayan natin sa UAE na apektado nitong giyera sa pagitan ng Israel-USA at Iran.
Mensahe ng Bb. Pilipinas-World 2005 titleholder, “Please pray for us Filipinos here in UAE. We trust God for protection and PEACE.”
Kinumusta ko si Carlene na nakaka-message ko sa Viber.
Okay naman daw sa lugar nila, at nakakalabas pa sila.
“Nakakarinig kami ng mga pagsabog pero safe naman. Nakakalabas pa kami pero di nakakalipad. Sarado airs pace and cancelled flights lagi,” text ni Carlene sa akin.
Read: Maxene Magalona stranded in Dubai amid Middle East conflict
NOEL FERRER
Dapat ay sa Marso 8, Linggo, pa ang balik ni Carlene Aguilar ng Maynila, pero nagpa-rebook na raw siya para makauwi sana nang mas maaga.
Kaya lang, na-cancel ang lahat ng flights kaya walang katiyakan kung kailan siya makakauwi.
So far, okay raw sila sa Dubai kahit nakakarinig sila ng mga pagbomba.
Pero walang makapagsasabi kung tatagal pa ba ito o matatapos na. Kaya humihingi pa si Carlene ng panalangin para sa kaligtasan nilang lahat.
JERRY OLEA
Nakatakdang magpasabog ang SexBomb Girls sa Marso 27, 2026, Biyernes ng 8:00 P.M., sa Dubai Exhibition Centre.
Kinabukasan ng gabi naman nakatakda ang pasiklab nila sa 321 Sports in Abu Dhabi.
Matutuloy kaya ang mga pakembot na ito? Aw!!!!
Read: Anne Curtis reunites with husband Erwan, daughter Dahlia in Oman
