PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Actor-politician, nakatambak sa banyo ang kadatungan

Actor-politician, maingat sa pagpapapasok ng mga bisita sa bahay.
by PEP Troika
Published Mar 8, 2026
blind item, actor-politician
ILLUSTRATION: Canva

GORGY RULA

Matagal-tagal na sa larangan ng public service ang isang aktor, pero magiliw pa rin sa mga kaibigan at kakilala sa showbiz.

Kung may oras ay sumasaglit siya sa invitation para sa anumang event. Nag-iimbita siya kung makaka-bonding ang mga ito once in a while.

Very visible din ang actor-politician sa kanyang nasasakupan.

Napabalitang naging girlfriend niya ang isang member ng sing-and-dance group, pero hindi humantong sa altar ang kanilang pagmamahalan.

Senior citizen na ang actor-politician subalit kakikitaan pa rin ng kisig at liksi, hindi katulad ng ibang kasabayan niya na lumobo ang tiyan.

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

Money Not in the Bank, but in the Bathroom

Siyempre, dahil nasa pulitika, sa tuwi-tuwina’y may putik na ibinabato sa kanya.

So far, all these years, walang maliwanag na resibo laban sa actor-politician. Walang maibunyag na paper trail ang kanyang detractors.

Ayon sa aming unimpeachable source, sobrang maingat ang actor-politician sa mga nalikom niyang kadatungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya ipinapasok sa bangko ang mga perang naipon niya. Nakatambak lang daw yun sa malaking banyo niya sa bahay.

Kaya ingat na ingat si actor-politician sa mga pinapapasok niya sa kanyang bahay.

Read: CCTV footage shows Jayson Zoleta shot dead by alleged ex-BF

NOEL FERRER

Ang tanong ko, bakit itinatago ang pera ng bayan sa bahay?

Baka imbes na mag-ingat si actor-politician sa papapasukin sa bahay niya ay mag-ingat-ingat siya at mainit ang mga mata ng tao sa transparency at accountability.

Malaki ang pananalig ko sa mga bagong botante, sila ang may tapang para baguhin ang kasalukuyang sistema ng politika sa ating bayan.

Sana, tumalab naman sa aking mga lingkod bayan… mahiya naman kayo!

JERRY OLEA

Marunong mag-share ng blessings ang actor-politician. Marami rin siyang mga proyekto para sa kanyang nasasakupan.

Batid kong ramdam ng kanyang constituents ang malasakit ni actor-politician, kaya nga matagal na siya sa larangan ng paglilingkod-bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit marami nang ipon sa kanyang banyo si actor-politician ay hindi siya nagpo-flaunt ng karangyaan.

Simple pa rin ang dating niya kapag kaharap ang mga tao, hindi katulad ng iba na may mamahaling relo o ano man.

Read: GMA Public Affairs refutes MTRCB claim about Lost Sabungeros

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results