JERRY OLEA
Nanawagan ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa mga aktor na biktima ng kumakalat na video scandals mula noong Pebrero 28, 2026, Sabado.
Umamin sina Gil Cuerva at Nikko Natividad na kabilang sila sa mga biktima.
Nagkumpirma rin si Ron Angeles sa pamamagitan ng malapit na kaibigang vlogger na si Oskee Recabar.
Tahimik pa sa usaping ito si Arron Villaflor, na kasama nina Gil, Nikko, at Ron sa tinaguriang "The Big Four."
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
FAP CONDEMNS DISTRIBUTION OF INTIMATE VIDEOS
Ang panawagan ng FAP na pinost sa kanilang Facebook page nitong Marso 8, Linggo ng gabi: “The Academy has received disturbing news about intimate videos being distributed online without the consent of the actors. We condemn such gross acts which violate rights to privacy and dignity.
“We strongly encourage victims to reach out to the Film Academy of the Philippines, and we will help you contact the appropriate authorities to file cases if necessary.”
Kalakip ng post ang email address at website ng FAP.

MORE INTIMATE VIDEOS TO SURFACE?
Maliban sa "The Big Four," apat pang male celebrities ang sinasabi ng netizens na kumalat din ang alleged video scandals nila.
Ayon sa netizens, ang mga ito raw ay sina Andre Cue, Thirdy Galvin, Sam Adjani, at Nico Locco.
Wala pa silang official na denial o pag-amin kaugnay sa usaping ito.
Sabi ni FAP Director General Paolo Villaluna nitong Sunday night via Messenger, “We're hoping they reach out to us para matulungan sila how to file cases sa PNP. Our release came out tonight and we're hoping they reach out to us tomorrow.”
Related Stories:
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?
GORGY RULA
Sa gitna ng giyera sa Middle East at nasa pangatlong linggo na ng Lenten season, itong video scandal talaga ang pinagkakaabalahan ng Pinoy netizens?
Nababahala na ang FAP dahil sa nadadagdag pa ang bilang ng mga artistang may video scandal umano.
Bakit mga aktor, mga kalalakihan? Madali bang naiisahan ng mga babae ang lalaki?
BENJI AND ANDRE PARAS DENY KOBE'S ALLEGED VIDEO SCANDAL
Noong Marso 7, Sabado ng gabi, pumutok ang balitang meron din daw video scandal si Kobe Paras.
Trending sa X (dating Twitter).
Kaagad kong tinanong ang ama niyang si Benjie Paras tungkol dito.
Ayon sa aktor, wala siyang kaalam-alam dahil wala raw siyang Facebook account.
Nakarating na rin ito sa kuya ni Kobe na si Andre Paras.
Meron daw nag-forward sa kanya ng screen grab ng video.
Pero kaagad niyang nakumpirmang hindi si Kobe ang nasa video dahil magkaiba raw ang tattoo sa braso ng kapatid at ng lalaki sa video.
Kaya lang, nagagamit pa rin si Kobe.
Ang daming interesadong makita ang video, at ibinebenta rin daw sa mga interesadong mabuksan ang site na naglalabas ng mga ito.
Kaya kaagad pinabulaanan ng mag-amang Benjie at Andre ang kumakalat na tsismis—hindi raw si Kobe ang nasa video.
Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento
RAHEEL BHYRIA
Meron din daw si Raheel Bhyria. Pero wala pa kaming nakukuhang reaksiyon mula sa Kapuso actor.
Nakakaduda lang dahil sinuspendi nito ang social media account niya. Dapat na maaksyunan na ito ng Sparkle GMA Artist Center.
May dalawa pang kilalang aktor na lumutang din ang pangalan na kesyo palihim ding nakunan ang pakikipagniig.
Pero wala pang kumpirmasyon tungkol dito.
NOEL FERRER
Tama ang move ng Film Academy of the Philippines na mag-report sa kanila ang mga biktima ng scandal na ito na walang kamuwang-muwang na nire-record pala ang kanilang private moments.
Pero base sa complaints ng mga naunang biktima na may parehong kaso, may nakulong na ba o na-sanction sa violation ng anti-cyber crime law?
May pangil nga ba ang batas na ito? O sa pagpapatupad nagkakaproblema?
Wala pa ngang napapakulong na sitting senator or congressman na big fish sa flood control issue.
Nasa ibang bansa pa ang mga may arrest warrant na sina Harry Roque, Zaldy Co, pati si Atong Ang.
Ano kaya ang mauunang maaksyunan, sila o ang sex videos? Ano sa tingin ninyo?
Read: Nico Locco, aamin umano kapag may lumabas na video scandal niya
