PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?

Bea Alonzo, may bagong teleserye sa GMA Network.
by PEP Troika
Published Mar 9, 2026
vincent co bea alonzo wedding
According to a reliable cource, Bea Alonzo and Vincent Co's wedding will take place in Spain in May this year.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ang nakatakdang kasalan ni Bea Alonzo at ng negosyanteng si Vincent Co ang pumutok na balita ngayong Marso 9, 2026, Lunes.

Nasa marriage banns ng St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Maynila, ang pagpapakasal nina Ferdinand Vincent Pe Co at Phylbert Angelli Escalante Ranollo, ang tunay na pangalan ni Bea.

Hindi nakasaad kung kailan, pero ayon sa napagtanungan namin mula sa Catholic church, usually ina-announce ito three Sundays bago ang petsa ng kasal.

Bea Alonzo set to marry Vincent Co
Photo/s: Screengrab St. Peter the Apostle Parish, Manila on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo and Vincent Co set to marry; wedding banns announced at Paco church

Noong nakaraang taon pa man ay pinag-uusapan na ang planong pagpapakasal nina Bea at Vincent.

May sitsit pang nagpakasal na raw sila sa Spain, pero itinanggi ito ng Kapuso actress.

SPAIN WEDDING FOR BEA AND VINCE IN MAY 2026?

Pero nang kumalat ngayong araw ang balitang pagpapakasal nina Bea at Vincent, kinumpirma ng aming reliable non-showbiz source na nakatakda raw ang kasal ng dalawa sa Spain sa Mayo 2026.

Hindi lang alam kung mauuna muna dito sa Maynila, o itong sa Spain.

Kung naaalala pa, noong nakaraang taon ay nag-pictorial si Bea para sa isang produktong iniendorso niya sa Andalusia, Spain.

Doon nagsimula ang kuwentong doon daw nila inaayos ang kasal.

Pero hindi tiniyak ng aming reliable source kung saan sa Spain ang kasal. Basta, mangyayari raw ito sa buwan ng Mayo.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, pinaghahandaan ang kasal sa Spain?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Nakatakda namang magsimula nang mag-taping si Bea ng bagong drama series na pagbibidahan niya sa GMA-7, ang Whispers From Heaven.

Naka-schedule daw ang taping bago matapos ang buwan ng Marso.

Nakapag-storycon na sila at marami ang nagsabi sa aming si Bea lang talaga ang bida sa seryeng ito, at maganda raw ang material.

Tingnan natin kung makakaapekto ba sa kanyang mga gagawing proyekto ang bagong landas na tatahakin niya bilang buhay may-asawa.

Sa tingin naman namin, hindi.

Malaki ang magagawa ng pagiging Mrs. Vincent Co sa kanyang showbiz career.

NOEL FERRER

Sa wakas, ikakasal na rin si Classmate Bea, and we are happy for her.

We know for a fact that her name is really male-sounding at tinatawag namin siyang Phylbert!

But be that as it may, masaya kami na at least natagpuan na ni Bea ang kanyang magiging katuwang sa buhay kay Vince Co.

Teka, dito ba sila ikakasal o sa Spain or both?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh well, that’s all up to them.

They deserve to be happy and we shall be cheering them on and praying for them!

Read: Who is Vincent Co, Bea Alonzo's rumored beau?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a reliable cource, Bea Alonzo and Vincent Co's wedding will take place in Spain in May this year.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results