GORGY RULA
Nasa huling linggo na ang FPJ’s Batang Quiapo.
Pati ang mga taga-Manila City Hall ay pinu-promote ito sa social media dahil sa ending nito ay magiging alkalde si Tanggol (Coco Martin) ng naturang lungsod.
Inaasahan na ang pagtaas ng ratings ng Batang Quiapo dahil talaga namang kinarir ni Coco na kakaiba at ikatutuwa ng mga manonood ang pagtatapos nito.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

BATANG QUIAPO VS SANG'GRE
Pero noong Huwebes, Marso 5, 2026, namamayagpag pa rin ang Sang’gre na naka-10.5%.
Ang Batang Quiapo ay 9.4%, at ang Totoy Bato ay 0.9%.
Nagpantay ang Sang'gre at Totoy Bato noong Biyernes, Marso 6, sa rating na 8.9%. Ang Totoy Bato ay 0.9% pa rin.
Noong Lunes, Marso 9, bahagyang umangat ang Batang Quiapo. Naka-9.8% ito.
Ang Sang’gre ay 9.5%, at ang Totoy Bato ay 1.1%.
Pati ang sumunod sa Sang'gre na Never Say Die ay naapektuhan dahil bigla itong bumaba sa 5.7%.
Bale nakatapat na kasi ng Never Say Die ang matatapos na ring Roja na naka-4.9%.
Laylay pa rin ang The Secrets of Hotel 88 na naka-2.9% lamang. Marahil ay dahil marami na rin ang nakapanood ng advanced episodes nito sa iWant.
Ang katapat nitong What Lies Beneath ay 2.4%.
Nakakapanlumo ang mga ganitong ratings na mukhang hindi lang ang movie industry ang bumubulusok pababa, kundi pati na rin ang TV industry.
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
JERRY OLEA
Hitik, liglig, siksik, at nag-uumapaw sa aksyon ang huling laban ni Tanggol (Coco Martin) sa FPJ’s Batang Quiapo.
Bongga ang pagtatanghal kay Tanggol bilang opisyal na mayor ng Maynila kung saan ibabalik niya ang dangal sa lungsod.
Ngunit muling sisiklab ang digmaan sa pinamagatang “Manila War Zone.”
Magsasagawa ng matinding rebelyon sina Miguelito (Jake Cuenca), Roberto (Albert Martinez), at Rigor (John Estrada) upang patumbahin si Tanggol.
Makakaligtas kaya si Tanggol sa engkwentro?
“Napakalaki ng eksena sa finale ng Batang Quiapo!” sabi ni Direk Joel Lamangan nang makatsikahan namin sa mediacon ng 8th Sinag Maynila filmfest nitong Marso 10, 2026, Martes, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Ngayon lang kayo makakakita ng mga eksenang binobomba ang mga building. Malaking-malaki! Ang laki-laki! Tinalo talaga ang pelikula.”
Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
SIGABO PILOT MOVED TO ANOTHER PLAYDATE
Siyangapala, hindi tuloy ang pilot ng teleseryeng Sigabo sa Marso 16, Lunes ng gabi. Ito sana ang kapalit ng FPJ’s Batang Quiapo.
Ililipat sa ibang petsa ang Sigabo (or is it Coco Martin’s Sigabo?) kung saan katambal muli ni Coco si Julia Montes.

Simula Marso 16, Lunes, ay magbubukas ang primetime block ng ABS-CBN ng 8:00 P.M. sa pangunguna ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Susundan ito ng mystery drama na What Lies Beneath ng 8:45 P.M., at ng South Korean romance drama na Love Scout ng 9:30 P.M. kung saan bida sina Lee Jun-Hyuk at Han Ji-min.
Mapapanood naman ang Chinese drama na Forbidden Flower ni Jerry Yan ng 10:15 P.M.
Patuloy na mapapanood at mae-enjoy ang mga programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at iWant.
Read: BLIND ITEM: Actor-politician, nakatambak sa banyo ang kadatungan
NOEL FERRER
Noong Sabado, Marso 7, nagsimula ang Season 2 ng Heartworld ni Heart Evangelista, pero hindi ganun ka-impressive ang rating nito dahil mababa na talaga ang viewership ng ganung oras.
Simulan muna natin sa panghapon kung saan ang It’s Showtime ay 5%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.
Ang Hating Kapatid ay 5.9%. Ang katapat nitong replay na Lavender Fields ay 0.5%, ang Frontline Express ay 1.5%, at ang Cine Hit ay 0.7%.
Ang Tadhana ay 4.3%; ang sumusunod na Wish Ko Lang ay 3.3%; at ang Veiled Cup ay 2.8%.
Ang 24 Oras Weekend ay 8.4%; ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at 1.1% naman ang Frontline Weekend.
Sumunod ang Pepito Manaloto na 7.3%, at ang Rainbow Rumble ay 2.7%.
Ang Magpakailanman ay 7%; ang Your Face Sounds Familiar ay 3.1%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 2.5%.
Late na pumasok ang Heartworld Season 2 kaya naka-2.7% lang ito.
Read: Benjie at Andre Paras, itinangging may video scandal si Kobe Paras
