GORGY RULA
Pinutakti ng bashing si Rhian Ramos pagkatapos lumabas ang interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda last week.
Kinumpirma ng Kapuso actress ang breakup nila ni Sam Verzosa dahil nakikita naman daw niya sa ilang interviews ni SV na hiwalay na sila.
Na-post sa social media ng GMA Network ang ilang bahagi ng interview kung saan pinabulaanan nito ang pag-uugnay sa kanila ng kaibigan niyang si Wil Dasovich.
Pahayag ni Rhian: “This is one of the most crazy and embarrassing parts of everything that I’ve been reading about myself lately.
“Because it’s so unconnected and I don’t know why anyone would bring him into an issue like this.
“But Wil is my friend, he’s one of my guy friends, and he has been for a long time. And it’s so embarrassing that he would suddenly come up and people would say na…
“I mean, I don’t know what the purpose is — like what’s that for? To slut-shame me or to make me look like a cheater?
“Anyway, we’re just friends.”
Read: Rhian Ramos confirms breakup with Sam; clarifies rumors about Wil
RHIAN RAMOS REACTS TO TROLL FARM
Sa comments section ng post ng GMA Network ay may mga nagtanggol kay Sam, na sinasabing hindi naman daw nagsasalita ang dating pulitiko.
Pero ang ibang komento ay bina-bash na si Rhian.
Nag-react dito ang aktres at nag-comment sa post ng GMA Network.
Ani Rhian: “GMA Network and Fast Talk With Boy Abunda why are all the comments on this post from locked dummy accounts in Cotabato City? Who’s paying a troll farm?”

Na-check daw ng kampo ni Rhian na ang maraming nagko-comment ay galing sa isang lugar lang.
Kaya obvious na merong grupong si Rhian lang ang tina-target.

Wala raw silang pinagbibintangan. Kaya lang, obvious na troll itong namba-bash sa kanya nang wagas.
Wala pa naman daw siyang legal action na gagawin kaugnay rito.
Meron lang siyang isasampang reklamo kaugnay sa pagkakasangkot niya sa gulo ng dati niyang driver at ni Michelle Dee.
Read: Rhian Ramos breaks silence amid legal issue with her driver
NOEL FERRER
Tinanong ng PEP Troika ang ilang taong malapit kay Rhian Ramos kung may komunikasyon pa rin ba ang aktres at ang ex-boyfriend nitong si Sam Verzosa.
Nag-uusap naman daw ang dalawa kung kinakailangan.
Sa pagkakaalala namin ay may endorsement pa si Rhian, kasama si Michelle Dee, sa Frontrow na pag-aari ni SV kasama si RS Francisco.
Pero ayon sa aming mga kausap, expired na yun dahil isang taon lang daw ang kontrata nila sa Frontrow.
Hindi na raw na-renew kaya inaalam pa ng kampo ni Rhian kung nagagamit pa ba sila bilang endorser ng naturang kumpanya.
JERRY OLEA
Pagkatapos ng interbyu kay Rhian Ramos sa Fast Talk with Boy Abunda ay dumiretso na siya sa mediacon ng GL movie na I Fell, It’s Fine noong Marso 5, 2026, Huwebes, sa Deer Claus, 11th Jamboree St., Quezon City.
Pinaalalahanan kami ng line producer na si Dennis Evangelista na huwag nang uriratin kay Rhian ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito.
Sa Q&A, inusisa ni kaibigang Archie Liao ang mga artista kung may na-attract na ba sa kanilang kapwa babae, at ano ang reaksyon nila kung meron.
Sagot ni Rhian: “To my knowledge, wala naman. Ahh na nanligaw, ganun? I don’t know kung nanligaw ba. No, not in my experience.”
After ng open forum ay may mga nagtanong kay Rhian tungkol sa isyu nila ni Michelle Dee with the driver, pero no comment si Rhian.
Sa Abril 4, Sabado de Gloria, ang showing ng I Fell, It’s Fine na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.
Read: Mga ina nina Rhian Ramos at Michelle Dee, umalma sa mga alegasyon
