PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robb Guinto, may potensiyal maging award-winning actress

Robb Guinto at Yasser Marta, panay-panay ang public display of affection.
by PEP Troika
Published Mar 11, 2026
robb guinto desperada
Desperada director Louie Ignacio (not in photo) to Robb Guinto (in photo): "Lagi mong isipin, saan nanggaling si Miss Jaclyn Jose? Saan nanggaling ang mga sikat natin, sina Miss Lorna Tolentino Lahat sila ngayon ay great actors. So, hindi masama ang mangarap. Malay mo, ikaw ang sumunod. Kahit nanggaling ka sa Vivamax [VMX], huwag mong iisipin na ang pagseseksi ay hanggang doon na lang."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Marami nang artista na idinirek ni Louie Ignacio ang nagkamit ng acting award.

May laban bang mag-best actress si Robb Guinto sa 8th Sinag Maynila filmfest para sa pelikulang Desperada na siya ang nagdirek?

“Sa isang festival, hindi mo malalaman kung ano ang panlasa ng mga hurado,” tugon ni Direk Louie sa mediacon nitong Marso 10, 2026, Martes, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Pero personal, habang idinidirek ko si Robb Guinto, taas ang kamay ko sa kanya. Magaling na artista si Robb Guinto.”

Nagpalakpakan ang mga tao.

Read: Hilda Koronel: "After so many husbands, I’m done."

Napapaluhang reaksiyon ni Robb: “Sobrang thankful ako kay Direk. Kasi, hindi niya ako pinabayaan during the shoot.

“And nakakaiyak kasi pinagkatiwalaan po ako ni Direk dito,” gumaralgal na bulalas ng VMX star na tuluyan nang napaluha.

Pagpapatuloy ni Robb: “Kumbaga, andaming direktor na po na nakatrabaho ko, parang dito naniwala at nagtiwala sa akin si Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na, imagine, maraming mga magagaling na artista. Bakit ako na galing sa VMX, na ako yung napili ni Direk Louie para dito sa pelikulang ito?

“Kaya sobrang thankful ako sa kanya, kasi ibinigay niya sa akin yung project na ito.

“At sabi ni Direk Louie, pangarap niya talaga itong movie na ito. And nakakatuwa kasi kasama ako doon sa pangarap niya na ginagawa ngayon.

“Kaya Direk, maraming-maraming salamat sa pagkuha sa akin. And sa writer natin, sa producers natin, sa aking manager, kay LDG [Lito de Guzman], of course sa mga directors at sa lahat ng bumubuo ng Desperada, maraming salamat po.”

Ang gala premiere ng Desperada ay sa Marso 23, Lunes ng 8:00 P.M. sa Gateway Cinema 18, Cubao, Quezon City.

Read: "Tanghalan ng Kampeon" contestant collapses during performance

NOEL FERRER

Sinabihan ni Direk Louie Ignacio si Robb Guinto nang magsimula silang magsyuting ng Desperada.

Ani Direk Louie: “Sabi ko sa kanya, ‘Lagi mong isipin, saan nanggaling si Miss Jaclyn Jose? Saan nanggaling ang mga sikat natin, sina Miss Lorna Tolentino?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“'Lahat sila ngayon ay great actors. So, hindi masama ang mangarap. Malay mo, ikaw ang sumunod.

“'Kahit nanggaling ka sa Vivamax [VMX], huwag mong iisipin na ang pagseseksi ay hanggang doon na lang.

“'Ang lahat ng actors na magagaling ay puwedeng sumikat, at puwede kang sumikat.'”

Nagyakapan afterwards sina Robb at Direk Louie.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?

desperada cast and director
From left: Robb Guinto, director, Louie Ignacio, Yasser Marta, and Sue Prado
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

8TH SINAG MAYNILA

Ang 8th edition ng Sinag Maynila filmfest ay gaganapin sa Marso 23-29. Ang official venue partner ay Gateway Cineplex.

Ipapapalabas din ang official entries ng Sinag Maynila 2026 sa Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.

Maliban sa Desperada, ang lima pang feature length films na kalahok sa Sinag Maynila 2026 ay All About Her ni Joel Lamangan, Ang Bangkay ni Vincent Tañada, Lanaya ni Clyde Capistrano, Pinikas ni Cris Fuego, at Sweet Escape ni Rommel S. Ricafort.

GORGY RULA

Co-star ni Robb Guinto sa pelikulang Desperada si Yasser Marta. Doon sila nagkakilala at nagkamabutihan.

Panay-panay ang kanilang PDA (public display of affection) afterwards.

“Sa relasyon po namin ni Yas, hindi naman kami nahihiya. Kumbaga, mahal namin ang isa’t isa kaya parang minsan, napapa-PDA,” nakangiting sabi ni Robb.

“Pero, well, ganun, e. Mahal namin ang isa’t isa. So, mainggit sila! Ha! Ha! Ha!”

Read: Yasser Marta and Robb Guinto now in a relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
yasser marta robb guinto
Yasser Marta and Robb Guinto
Photo/s: Jerry Olea

ITAN ROSALES HAPPY FOR ROBB GUINTO AND YASSER MARTA

Ang ex-boyfriend ni Robb na si Itan Rosales ay happy raw para kina Robb at Yasser.

“Ayun, happy din naman. Happy din naman ako sa nararating niya.

"And of course, actually, hindi ko din naman ine-expect na may mga ganyang lalabas na isyu,” sey ni Robb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ayun, OK naman. At least, masaya ang bawa’t isa.”

Inamin ni Robb na hindi maganda ang separation nila ni Itan.

Kasama si Itan sa pelikulang All About Her na kalahok din sa Sinag Maynila 2026, pero wala ito sa mediacon.

Tingnan natin kung dadalo si Itan sa awards night ng 8th Sinag Maynila filmfest.

Read: Itan Rosales, naranasan nang masigawan ni Direk Joel Lamangan

Tampok din sa Desperada sina Mhack Morales, Sue Prado, Mercedes Cabral, Julianne Richards, at Jorge Guda.

Nasa cast din sina Marife Necesito, Adda Musni, Tabs Sumulong, Joko Rivera, Maestro Po, Vhize Negra, Austin Romano Felipe, Byuti Veloso, at Elaine Bautista.

Ito’y istorya at screenplay ni Dennis Evangelista.

desperada poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Desperada director Louie Ignacio (not in photo) to Robb Guinto (in photo): "Lagi mong isipin, saan nanggaling si Miss Jaclyn Jose? Saan nanggaling ang mga sikat natin, sina Miss Lorna Tolentino Lahat sila ngayon ay great actors. So, hindi masama ang mangarap. Malay mo, ikaw ang sumunod. Kahit nanggaling ka sa Vivamax [VMX], huwag mong iisipin na ang pagseseksi ay hanggang doon na lang."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results