Trigger Warning: This article contains mention of sexual content
JERRY OLEA
Napa-“Oh my God!” si Tony Labrusca nang tanungin kaugnay sa sunud-sunod na pagputok ng private videos ng local male celebrities.
Natatakot ba siya?
“Actually, I feel bad for them,” sabi ni Tony sa mediacon ng 8th Sinag Maynila filmfest nitong Marso 10, 2026, Martes, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Because that’s an invasion of privacy, you know. So, what people do behind closed doors, I think, should remain private.
“And second, I don’t think people should scandalize it, honestly. I think it’s very disrespectful these days po.
“And I’m just happy that the culture in the Philippines right now… I think a lot of people realize that it’s wrong to do, you know.
“So whoever those people are that’s releasing those videos, I think sila yung dapat kabahan.
“Kasi, karma is real. So, good luck na lang po sa kanila.
"But for those guys, ano, ano lang… we’re in an industry now that’s a lot more flexible when it comes to that.”
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
TONY LABRUSCA ON VICTIMS OF THE LEAKED PRIVATE VIDEOS
Nagbigay na ng pahayag sina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad, Arron Villaflor, at Nico Locco tungkol sa leaked video scandal.
Wala pang pahayag ang tatlo pang may alleged videos—sina Andre Cue, Thirdy Galvin, at Sam Adjani.
Usap-usapan na nabiktima rin ang apat pang aktor… sina K, M, R, at S.
Related Stories:
- Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Ron Angeles: “Sanay na akong mahusgahan.”
- VMX actor Rash Flores confirms leaked video scandal
Sa tingin ba ni Tony ay naging neglectful ang mga lalaking ito?
“Neglectful in what sense?”
Hindi sila nag-ingat sa pakikipagtalik sa kung sinong babae at nakunan sila ng hidden camera…
“So, mahirap na talaga magtiwala. But then again, what I mean is, what people do behind closed doors is their private life,” pagmamatwid ni Tony.
“We’re not supposed to even be involved. That’s why I think that what happened to them is distasteful talaga, and disrespectful.
“It’s an invasion of privacy. That’s where I stand.”
Sa ganoong sitwasyon, ano ang mas mabuting gawin ng biktima — umamin, mag-deny, o deadma?
“Well, their privacy wasn’t supposed to be invaded in the first place,” tugon ni Tony.
“So, you know, ang dapat gawin is kasuhan yung babae na yun actually. Iyan ang dapat gawin.”
Dapat bang umamin, mag-deny, o deadma ang mga biktima?
“I think that’s their own prerogative. I don’t think anybody should force them to do anything,” saad ni Tony.
“Their life has already been, you know… it’s already their privacy that’s been invaded. So, I don’t think they owe it to anybody to do or say anything.”
Kung sa kanya iyon nangyari, ano ang gagawin niya?
“I just don’t even wanna go there. I think that’s a strange question to ask,” iwas ni Tony.
ALL ABOUT HER
Kasama si Tony sa crime drama na All About Her, na isa sa anim na feature length films sa Sinag Maynila 2026.
Co-stars niya rito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Ang gala premiere ng All About Her ay sa Marso 23, Lunes ng 5:00 P.M. sa Cinema 17 ng Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.
Read: Benjie at Andre Paras itinangging may video scandal si Kobe Paras

GORGY RULA
Kinondena ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang pagpapakalat online ng intimate videos ng mga aktor nang walang pahintulot ng mga ito.
Bahagi ng pahayag ng FAP: “We condemn such gross acts which violate rights to privacy and dignity.
“We strongly encourage victims to reach out to the Film Academy of the Philippines, and we will help you contact the appropriate authorities to file cases if necessary.”

VINCE TAÑADA CONDEMNS LEAKED VIDEO SCANDAL
Sa mediacon ng Sinag Maynila 2026 ay hiningan ng reaksiyon si Atty. Vince Tañada na producer, writer, director, at isa sa mga bida ng official entry na Ang Bangkay.
“Tama naman na kondenahin. Kasi, that is illegal. That is a cyber crime,” saad ni Atty. Vince.
“Siyempre, kung without any consent from the character or subject nung image o ng video, hindi dapat ipakalat.
“Bastos yung mga gumagawa ng ganyan. Sila yung mas bastos.”
Kung minsan ay deepfake ang sinasabing sex video scandal. Artificial Intelligence o AI.
“Kasi ngayon, hindi na matukoy kung ano iyong totoo at kung ano yung AI, di ba?” sambit ni Atty. Vince.

Pumapatol ba siya sa one-night stand?
Natigilan sandali si Atty. Vince bago sumagot: “Masamang magmalinis, hindi ba?
"Kahit naman sino sa atin, tayo lang naman ang nakakaalam niyan, e, kung ano ang ginagawa natin inside the bedroom.
“Kahit yung pinaka-religious, e, puwede naman na gawin yan. Pero ang masama, yung kukuhanan ka nang without your consent at ikakalat.”
Co-stars ni Atty. Vince sa period drama na Ang Bangkay sina Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, at Juan Paulo Calma na kagaya niya ay nag-frontal nudity.
Si Mercedes Cabral na kasama rin sa cast ay hanggang pa-boobey lang.

JOHNREY RIVAS ON VIDEO SCANDAL
Ang reaksiyon ni Johnrey Rivas sa paglabas ng sex videos ng male celebrities: “Kung walang consent ng tao, I guess that’s very illegal.
“Kung hindi mutual understanding na ilalabas, kung walang consent nung taong inilabas, I guess bawal yun talaga.”
Gumawa na ba siya ng sex video?
“Oo, para sa sarili ko lang,” mabilis na pag-amin ni Johnrey.
“Mag-isa lang ako. Nakatago talaga yun.”
Paano pag lumabas yung video niya na pinapaligaya ang sarili? Mag-a-apologize ba siya?
Natatawang sabi ni Johnrey: “Siguro pag nandun na ako! Hindi ko pa kasi alam yung feeling, e.”

Nagpakita na siya ng private part sa torture scene ng pelikulang Katips, for which he won as best supporting actor sa FAMAS at Star Awards for Movies.
Sa Ang Bangkay ay matutunghayan na meron siyang erection sa masturbation scene.
“Oo, wala namang maitatago kung napanood nila ang Katips, at itong Ang Bangkay.”
Ang gala premiere ng Ang Bangkay ay sa Marso 25, Miyerkules ng 8:00 P.M., sa Cinema 18 ng Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.
Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento
NOEL FERRER
JOEL LAMANGAN ON SEX-RELATED ISSUES
Rumaratsada ang sex-related issues these days — Alvin Aragon vs LGBTQIA+ community and allies, private videos ng The Big Four and others, at Congressman Bong Suntay vs Anne Curtis.
“Parang napapanahon!” bulalas ni Direk Joel Lamangan.
“Habang naghihirap ang tao, parang lumilib*g. Kailangan nilang maano ang kanilang ano sa kalib*gan, dyusko!
“Ganyan talaga! Ganun talaga ang kalakaran. Habang naghihirap ang tao, kailangan nila ng entertainment para makalimutan nila yung kanilang paghihirap.
“At ang entertainment na pinakamalapit sa kanila ay tungkol sa kanilang kalib*gan. Ganun ang kalakaran.”

Ramdam niya ang paghihikahos ng mga mamamayan, lalo pa’t sumiklab ang sigalot sa Middle East…
“Kaya nga! Dahil sa hirap. Dyusko, taas nang taas ang gasolina ngayon, alam mo ba?!” sambit ni Direk Joel.
Maaapektuhan din ang movie industry sa paghihirap ng taumbayan?
“Lalong mahihirapan, lalong mahihirapan, lalong mahihirapan. Lahat na ngayon ay mataas.
“Lalo na hindi naman priority ang panonood ng sine. Ang priority ay laman ng tiyan. Laman ng tiyan. Ang hirap niyan.”
Kailangan pa ring gumawa ng mga pelikula upang maipakita ang realidad…
“Kailangan nga pero sino ang magpoprodyus?”
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
8TH SINAG MAYNILA
Ang 8th edition ng Sinag Maynila filmfest ay gaganapin sa Marso 23-29.
Ang official venue partner ay Gateway Cineplex.
Ipapapalabas din ang official entries ng Sinag Maynila 2026 sa Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.
Maliban sa All About Her na idinirek ni Joel Lamangan, ang lima pang feature length films na kalahok sa Sinag Maynila 2026 ay Desperada ni Louie Ignacio, Ang Bangkay ni Vincent Tañada, Lanaya ni Clyde Capistrano, Pinikas ni Cris Fuego, at Sweet Escape ni Rommel S. Ricafort.
Ang Sinag Maynila (Sine-Lokal, Pang-International) ay co-founded nina Sir Wilson Tieng ng Solar Studios Inc., at acclaimed filmmaker Brillante Mendoza na siyang festival director.
Read: Nikko Natividad's wife stands by him despite video scandal
