JERRY OLEA
End of November 2025 nang i-pitch kay Angelica Panganiban ang suspense-drama series na The Silent Noise, kung saan tampok sila ni Zanjoe Marudo bilang mag-asawa na may deaf son (KD Omalin).
Magpo-promo na sila noon ni Zanjoe ng MMFF 2025 official entry nilang UnMarry.
“Good things, ginawa namin iyong UnMarry, natapos kami September pa,” lahad ni Angelica sa mediacon ng 10-episode series noong Marso 10, 2026, Martes, sa Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.
“So well-rested na and, kumbaga, nakabuwelo na ulit. Ready na ulit magtrabaho.
“Kaya noong in-offer nila, hindi naman yung parang, ‘Naku, sandali lang, ha, kasi kauuwi ko lang ng bahay, e, kailangang bumawi sa pamilya.’
“Wala namang ganung naging problema. So, walang kinonsider na baka hindi ako payagan ng family, ganito-ganyan.
“So, yung aspetong yun is OK talaga kaagad. Nung prinesent nila sa akin yung story, talagang hindi ko alam kung paano ako magno-‘No.’
“Kasi, well, hindi ko naman inisip na ayoko itong tanggapin, paano ba ako magno-‘No.’
“Ano siya, e, lahat ng pinapakita, lahat papunta sa ‘yes’! Ang ganda-ganda talaga nung story nung pine-present nila sa akin.
“And siguro nga, may mga na-present na sa akin noon na parang hindi na nila hinintay yung yes or no. Hindi na lang ako sumagot.
“Parang naintindihan na nina Tita Cory [Vidanes] na, ‘Ayaw niya, hindi siya sumagot.’
“But with this, ang hiningi ko lang ay timeline. Parang yun lang ang sa akin. And then, parang kilalang-kilala na nila ako na, ‘Ang gusto talaga ni Angge, natsa-challenge siya, e.’
“Parang totoo naman! Yung deodorant ko, hindi nag-work dito sa series na ito.
“Yung kili-kili ko, talagang laging basambasa ng pawis sa mga hirap nung eksena, sa mga sign language na kailangan naming i-memorize.
“So, be careful what you wish for. Kaya nung prinesent sa akin, sabi ko, ‘Eto na, eto na yung hinihintay ko. Ito na yung wini-wish ko at ipinagpe-pray ko. Naibigay sa akin.’
“So, hindi ko ito tatanggihan.”
Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, drawing lang

THE SILENT NOISE
Nasa cast din ng The Silent Noise sina Mylene Dizon, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Joem Bascon, Tommy Alejandrino, Joel Saracho, Karina Bautista, Junjun Quintana, Kakki Teodoro, Ramon Christopher, at Ralph Malibunas, sa direksiyon ni Onat Diaz.
Streaming ang first two episodes ng The Silent Noise sa Marso 20, Biyernes, sa Amazon Prime Video.

NOEL FERRER
Nilinaw ni Zanjoe Marudo na ang limited series na The Silent Noise ay hindi continuation ng kaganapan sa characters nila ni Angelica Panganiban sa UnMarry.
Pahayag ni Zanjoe: “Siyempre ngayon mas iba na yung mga desisyon ko sa buhay. Unlike before na pag talagang gustung-gusto ko ang project, on the spot magye-yes na ako kahit saan pa yan, di ba?
“Ngayon, marami na akong parang kino-consider. Locations…”
Mukhang malayo ang location shoot nila ng The Silent Noise, ha?
“Malayo, malayo pero dahil mahirap palagpasin yung character, mahirap palagpasin yung istorya, yung series,” saad ni Zanjoe.
“Siyempre thankful kami na isa kami sa mga una na gagawa ng mini-series for Prime kaya, di ba, parang malaking tulong ito para sa amin hindi lang sa career namin kumbaga.
“Mas mapapanood din kami globally. Ahh, iba, e. Iba kasi yung parang hindi ko pa nagawa yung ganung klaseng character na marami kang layers na pinapakita.
“Na hindi mo dapat ipahalata pero kailangang mahalata, yung mga ganun. And naka-work ko na si Direk Onat sa ganitong tema rin dati, at saka tingin ko naman, mas iba yung atake nito.
“And with Angelica naman, na kakatapos lang namin sa UnMarry… yun nga ang una nilang tanong sa akin, ‘Willing pa ba kayong magtrabaho together?’
“‘Oo naman, wala namang problema na magtrabaho kami lagi kung talagang bagay naman sa amin, tingin naman namin ay kaya namin, kaya naming gampanan iyung mga characters.”

Masaya rin ako at nasama rito ang MMFF 2024 and Urian 2025 Best Supporting Actress na si Kakki Teodoro, na talaga namang interesting din ang guest appearance sa short series na ito.
Read: Benjie at Andre Paras, itinangging may video scandal si Kobe Paras
GORGY RULA
Ibang-iba ang dynamics nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa The Silent Noise kumpara sa UnMarry.
Sabi ni Angelica: “Ang layo niya talaga. And then siguro yung comfort level namin ni Z, masyado kaming komportable sa isa’t isa na hindi namin kailangang i-discuss kung ano iyong magiging atake namin dito.
“Meron akong tiwala sa understanding niya sa trabaho niya, and meron din siyang ganun sa akin.
“So, hindi namin kailangang i-discuss yung mga atake levels kung paano magwo-work yung dynamics namin.
“Isang tinginan lang, isang read lang ng lines, parang OK na doon yung tono. And of course with the help of Direk Onat.
“I don’t think yung chemistry kailangang i-work bilang sa aming mag-asawa, e, kasi habang papanoorin mo naman, maiintindihan niyo kung bakit.
“So, mas ang winork namin is yung individual characters lang.”
Susog ni Zanjoe: “Yung chemistry with the whole family, yun ang importante. Kasi, kailangang maramdaman ng audience yung love for each other, di ba?
“Na parang mas magwo-work yung tema ng palabas. Mas magwo-work yung mga fear.
“Inaalagaan namin ang layers every time na gumagawa kami ng scene, tinatanong namin kay Direk.
“Pag medyo may sumobra, o may nahalata, o may nakulang na mga emotions, na mga nuances.
“Lagi naman kaming nire-remind. Yun ang importante.”
