JERRY OLEA
First time ni Yasser Marta na gaganap bilang Hesukristo sa street play na Siete Palabras na itatanghal sa Abril 1, 2026, Miyerkules Santo, sa Brgy. Lourdes North West (LNW), Angeles City, Pampanga.
“Nakadalawang beses na po kaming nag-rehearse,” sabi ni Yasser sa mediacon ng 8th Sinag Maynila filmfest noong Marso 10, 2026, Martes, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Kasama sa Senakulo ang theater actor at VMX star na si VJ Vera.
Marami sa cast ay estudyante, o stage actors din.
“Nakakatuwa kasi nakikita ko yung mga bata, sobra silang nai-inspire and para sa akin, parang bumalik din ako sa roots ko, na magsimula ako sa ganun,” sambit ni Yasser.
Read: Yasser Marta and Robb Guinto now in a relationship
YASSER MARTA ON PLAYING JESUS CHRIST
Ang ang naramdaman niya nang alukin siyang gumanap bilang Jesus Christ?
“Sa akin, dati pa kasi, bata pa lang ako, sinasabihan akong kamukha ko raw si Jesus Christ,” pagngiti ni Yasser.
“So ngayon, na talagang naisatupad, it’s a dream come true talaga. Siyempre, Jesus Christ yun, e.
“Kumbaga, iyon na yun, e. Para sa buong mundo. Kaya sobra akong natutuwa. At sana, mabigyan ko ng hustisya talaga.”
May mga eksena ba sa Senakulo na kailangang mag-topless siya?
“Ahhmm mukha, opo, opo. Kasi gagawin ko rin talaga yung Panata, yung Palaspas,” tugon ni Yasser.
“Talagang papaluin nila ako sa likod. So, nakahubad din talaga ako.”
Nang mag-photo shoot siya noon para sa Bench Body ay nag-shave siya ng hair sa katawan. Sa Senakulo, balbon ba siya o magse-shave?
“Oo, balbon pa rin. Kasi noong araw, wala naman silang pang-ahit, di ba? Raw, raw as possible,” sey ni Yasser.
“Walang gupit kaya ang haba rin ng buhok ko ngayon. Kasi talagang nagpapahaba ako para dito sa palabas sa Holy Week.”
Honorarium lang ang bayad kay Yasser para sa street play na Siete Palabras ng Brgy. LNW, Angeles City.
“Parang tulong ko na lang din po ito at saka para din po sa church,” pakli ni Yasser.
“Yearly po nila itong ginagawa. Ang expected nilang manonood, twenty to thirty thousand.”
Sa Marso 30, Lunes Santo, ay nasa Angeles City na si Yasser para sa Senakulong ito.
Read: Benjie at Andre Paras, itinangging may video scandal si Kobe Paras
NOEL FERRER
First time din ni Yasser Marta ng maghubo’t hubad sa pelikulang Desperada, sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Ang Desperada ay isa sa anim na feature-length films ng Sinag Maynila 2026 (Sine Lokal, Pang-International).
“This year, sobra po akong nagpapasalamat. It’s out of my box. Hindi po siya yung pangkaraniwang role na ginagawa ko,” malumanay na saad ni Yasser.
“Kaya ito, tine-take ko rin as a growth bilang aktor, na mas marami pa po akong matutunan at it’s a humbling experience din po.”
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
YASSER MARTA ON DOING NUDE SCENES
Nagpaalam ba siya sa Sparkle para gawin itong Desperada kung saan bida rin ang VMX stars na sina Robb Guinto at Mhack Morales?
Tumango si Yasser, “Opo, alam naman po nila lahat. Pinapayagan naman nila ako, lalo at maganda po ang role at inaalagaan naman po ako ng staff.”
Nailang ba siya sa unang eksena na nagtalop siya?
“Oo naman po. Noong unang-una, talagang kinakabahan ako. Pero yun nga po, talagang inalagaan ako ni Direk Louie,” pagtatapat ni Yasser.
“Hindi ko po naramdamang nabastos ako at saka si Robb. As in kaming dalawa na lang po ang nag-usap kung paano namin gagawin yung mga love scene.
“Kaya inalalayan niya po talaga ako.”
Nakaplaster siya sa mga maseselang eksena?
“Oo naman, oo naman. Kasi pag hindi, naku! Baka hindi maipalabas!”
Tampok din sa Desperada sina Sue Prado, Mercedes Cabral, Julianne Richards, Jorge Guda, Marife Necesito, Adda Musni, Tabs Sumulong, Joko Rivera, Maestro Po, Vhize Negra, Austin Romano Felipe, Byuti Veloso, at Elaine Bautista.
Ang 8th Sinag Maynila filmfest ay gaganapin sa Marso 23-29, 2026. Ipapalabas ang mga kalahok sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.
Ang gala premiere ng Desperada ay sa Marso 23, Lunes ng 8:00 P.M., sa Gateway Cinema 18, Cubao, Quezon City.

GORGY RULA
Isiniwalat ni Robb Guinto na gaganap sana siyang Maria Magdalena sa street play na Siete Palabras kung saan Jesus Christ ang papel ng kasintahan niyang si Yasser Marta.
“Kaso po, nagkaroon lang ng conflict sa schedule,” sabi ni Robb.
“Sobrang nakaka-proud. Kasi even si Yas, ibang religion…
“So, parang nakaka-proud sa kanya. Kasi, kahit ibang religion siya, gaganap siya dito sa Passion of The Christ.
“Kumbaga, naniniwala pa rin siya sa ibang mga tradisyon.”
Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang
