PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sang'gre at Batang Quiapo, palitan sa pagna-No. 1 sa ratings

Sang'gre at Batang Quiapo, seesaw sa ratings
by PEP Troika
Published Mar 12, 2026
sanggre batang quiapo ratings
The fight for the 8 p.m. primetime slot heats up as Encantadia Chronicles: Sang’gre (left) and FPJ’s Batang Quiapo (right) take turns dominating the ratings game.
PHOTO/S: GMA Drama / Batang Quiapo Facebook

GORGY RULA

Nakalilito ang mga naglalabasan sa social media na press release ng iba’t ibang programa sa telebisyon.

Nag-react ang ibang taong involved sa mga programang naglalabas ng ratings.

Noong Martes, March 10, 2026, may lumabas na artcard sa Facebook ng ratings ng Kapamilya primetime series na FPJ's Batang Quiapo.

Ang nakasaad, "based on the Nielsen Philippines NUTAM People Ratings," 9.3% ang nakuhang rating ng Batang Quiapo.

Ikinumpara iyon sa Sang’gre na 7.8%, at ang Totoy Bato na 0.7%.

Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang

batang quiapo ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react ang isang taga-Sang’gre, at ipinadala rin ang ratings na aggregated at mula sa isang channel lamang.

Ang lumabas daw kasi sa Batang Quiapo na 9.3% ay aggregated ratings na nakuha nito A2Z, AllTV at Kapamilya Channel.

Dapat daw ay aggregated ratings ang labanan, pero ang itinapat nilang ratings ay single channel lamang.

Nilinaw ng taga-Sang’gre na ang aggregated ratings ng fantaserye mula sa GMA-7 at GTV ay 9.7%; mas mataas sa aggregated ratings 9.3% ng Batang Quiapo.

Ang Totoy Bato naman ay aggregated din na 0.7% mula sa TV5 at One PH.

Iyon ang paglilinaw noong araw na yun.

sang'gre ratings
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AGGREGATED RATINGS OF OTHER SHOWS

Bukod sa mga teleseryeng ito, ang nakuhang aggregated ratings naman ng sumusunod sa Sang’gre na Never Say Die ay 6.5%, at ang Roja ay 5%.

Pagkatapos nito ay sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 3.5%.

Kahit sa hapon noong Martes ay hindi pa rin talaga ganoon kataas ang ratings.

Ang It’s Showtime ay 5% at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.

Pagdating sa afternoon drama, ang Hating Kapatid ang nangunguna at malapit na rin itong matapos.

Naka-5.2% ang Hating Kapatid, sumunod ang House of Lies na 4.5%, at ang Apoy sa Dugo ay 3.3%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.6%, at ang sumusunod na Delightfuly Deceitful ay 1.9%.

Kahit ang Family Feud ay bumaba na rin sa 6.1%.

Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church

NOEL FERRER

Parang nagsi-see saw lang ang ratings ng magkatapat na Sang’gre at FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Miyerkules, March 11, ay tumaas na ang teleserye ni Coco Martin sa aggregated ratings.

Simulan muna natin sa 24 Oras na 11.3%; ang Frontline Pilipinas ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 4.1%.

Ang Sang’gre ay naka-9.2%; ang Batang Quiapo ay 9.5%, at ang Totoy Bato ay 0.9%.

Sumunod ang Never Say Die na 5.7%, at ang magtatapos na Roja ay 4.7%.

Bumaba na naman ang The Secrets of Hotel 88 na 2.6%, at ang What Lies Beneath ay 2%. Ang Saksi ay 1.7%.

Pagdating sa hapon, medyo tumaas ang viewership nito.

Ang It’s Showtime ay 5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Ang Hating Kapatid ay 5.7%. Ang House of Lies ay 4.8%, at ang sumusunod na Apoy sa Dugo ay 3.7%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.4% at ang Delightfully Deceitful ay 2.3%.

Ang Family Feud naman ay 6%.

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sa Friday the 13th this March, parehong magpi-finale ang Kapamilya primetime shows na FPJ’s Batang Quiapo at Roja.

Pasabog ang huling laban ni Tanggol (Coco Martin), na meron pang farewell and thanksgiving last Sunday sa ASAP Natin ‘To.

Ang Roja (80 episodes) ay nag-streaming ng finale episode sa Netflix noon pang Martes, Marso 10.

Nakalulungkot na hindi na bumalik sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang teleserye nina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, at Maymay Etrata.

Mula Enero 22, 2026, Huwebes, ay ligwak na ang Roja sa talaan ng Top 10 TV Shows.

Isa siguro sa factors kaya binitawan ng Netflix PH subscribers ang pagsubaybay rito ay dahil nahalata nilang tinipid ang palabas.

Nakalulumbay rin na mula Marso 6, Biyernes, hanggang Marso 12, Huwebes, ay laglag ang What Lies Beneath (110 episodes) sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.

Sa Marso 17, Martes, ang streaming sa Netflix PH ng finale episode ng What Lies Beneath.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo ba ang bali-balitang ii-stretch ang pag-ere nito? Supposedly kasi ay Marso 20 ang TV airing ng finale ng What Lies Beneath.

NEW KAPAMILYA PROGRAMING

Nagbago ang Kapamilya programming umpisa Marso 16, Lunes.

Naurong ang pilot ng Sigabo nina Coco Martin at Julia Montes.

Ayon sa source ng PEP Troika ay sa Abril — pagkatapos ng Semana Santa — eere ang pilot ng Sigabo.

Ano kaya kung sa Abril 20, Lunes, mag-pilot ang Sigabo, kasabay ang pilot ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes?

Magpi-finale na rin ba sa Abril ang Totoy Bato ni Kiko Estrada? Ano kaya ang ipapalit dito ng TV5?

Sa Marso 16, Lunes ng gabi, ay magpa-pilot ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan starring Kim Chiu and Paulo Avelino.

Makikipagsalpukan ang KimPau series sa Sang’gre.

Makakatapat naman ng What Lies Beneath umpisa Monday night ang Never Say Die nina Jillian Ward at David Licauco.

Read: Timothée Chalamet faces backlash for his comments about ballet and opera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The fight for the 8 p.m. primetime slot heats up as Encantadia Chronicles: Sang’gre (left) and FPJ’s Batang Quiapo (right) take turns dominating the ratings game.
PHOTO/S: GMA Drama / Batang Quiapo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results