NOEL FERRER
Ayon kay Richard Gutierrez, magkaiba ng personalidad ang dalawa nilang anak ng nakahiwalayang asawa na si Sarah Lahbati, sina Zion at Kai.
Pero sa ngayon ay hindi pa masabi ni Richard kung sino sa kanila ang magkakainteres pasukin ang showbiz.
“Alam mo, may sarili silang personalities, magkaiba silang dalawa. Zion is more… he’s more quiet, he’s more… I wouldn’t say introvert but he’s not as outgoing as Kai.
“Kai is very outgoing, he’s emotional. I think Zion is more of the intellectual and [cognitive], you know,” sabi ni Richard nang makausap ng PEP Troika sa launching niya bilang brand ambassador ng isang online gaming platform na ginanap sa Blue Leaf Events Pavilion, Taguig City, noong Miyerkules, March 11, 2026.
Read: Raymond Gutierrez refutes Sarah Lahbati’s financial support claim
Si Zion daw ang mas mahilig panoorin ang mga pelikula at teleserye niya.
“Zion, he was into singing for a while and he enjoys watching all my series, my movies.
“Pinapanood din niya yung mga ginagawa ng dad ko,” pahayag ng Kapamilya actor.
Papayagan ba niyang mag-artista ang kanyang anak?
“Papayagan ko naman sila pero sa tamang panahon siguro. Timing,” pakli nito.
RICHARD'S WORRY AS A PARENT
Bilang isang ama, totoong nakakabahala raw ang mga nangyayari sa paligid at ang pagkahumaling ng mga kabataan sa social media.
Ani Richard, “Siyempre maraming ahmm… there’s a feeling of unrest and worry, di ba?
“But you know, we just have to stay vigilant, I guess. We have to stay aware, and pray, you know.
"And we try to continue living our life in the best way we can.”
JERRY OLEA
Nakatakda nang simulan ni Richard ang promo ng Kapamilya action-drama series na na Blood vs Duty kasama sina Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, at Baron Geisler.
Mas maaksyon daw ito, at proud si Richard na siya talaga ang gumagawa ng halos lahat na stunts niya sa naturang serye.
“I do most of my stunts. I used to do all of it, and now I do most of it,” pakli niya.
Tinitiyak ng Kapamilya actor na maraming bagong mapapanood sa seryeng ito.
Saad niya: “That’s a conscious effort, also for me as an actor. I really try to challenge myself and to push myself to deliver something new, something better. And also seek that from my team, you know.
“I seek that from my director, from my producers, and we wanna be in the same page to elevate the industry, to elevate the quality.
“Kasi ngayon, you know, we all have these platforms — Netflix, Prime, everything is there.
“Ang dami nang options ng audience natin e, di ba? So, we have to be at par with that or even better.
“So, I always try to, you know, push that, remind my team,” sabi pa ni Richard.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
GORGY RULA
Umiinit ang balitaktakan ng netizens sa isyu ng "lifetime free fuel" kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Pagdating sa usaping pagtaas ng presyo ng gasolina, sensitive ang mga tao dahil talagang apektado ang lahat sa pinagdadaanan natin ngayon.
Kaya tamang-tama itong isyu ang isa sa itinanong namin sa launching kay Richard bilang unang brand ambassador ng online gaming platform na King.Ph.
Ano ang epekto ng pagtaas ng gasolina sa paglalaro sa online casino?
“Alam mo, hindi naman natin maiiwasan yan. It’s really... kumbaga, pastime ng maraming Pilipino, pastime ng maraming tao," pagtukoy ni Richard sa pagsusugal.
“It’s also a way to really… I guess, you know forget about the world problems kahit sandali lang in a day.
“Yeah! I think what’s important here is we get the message across na we play responsibly. Responsible gaming ang message namin dito.
“And that’s what we really trying to push here.”
Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang
RESPONSIBLE ONLINE GAMBLING
Kasama ni Richard sa contract signing kasama ang executives ng nabanggit na online gaming company na sina Atty. Mark Gamboa at Mr. Seth Jamora.
Sinusugan ni Atty. Gamboa na una raw nilang kino-consider ang responsible gaming.
Kaya pagbukas mo pa lang ng app nito, may mga kailangang sagutin: kung nasa tamang edad ka, hindi taga-gobyerno o military, at responsible ka sa paglalaro sa kanilang online casino.
Ayon kay Atty. Gamboa, very particular daw sila sa limits o capacity ng isang naglalaro. Hindi nila hinahayaang lumagpas o humigit pa sa kapasidad ng isang naglalaro.
“We understand the plight of the Filipino people. We really encourage responsible gaming.
“So, we want people to have fun. But you know, there’s always limits of having fun, di ba? We really emphasize responsible gaming.
“Tama nga, mataas ang gasolina ngayon, mataas yung prices ngayon, we encourage gaming but up to your boundaries lang,” saad niya.
Bilang siya ang "king" sa iniendorsong online gaming platform, handa na ba siyang magkaroon ng bagong "queen"?
“Let’s see! Parang may hinahanap silang queen for me. Let’s see,” safe niyang sagot.
Mukhang happy naman ang heart niya ngayon...
“Happy! Happy,” napangiti niyang bulalas.
Nauugnay ngayon si Richard sa co-star niya sa Blood vs. Duty na si Barbie Imperial
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial admit “private relationship”
