JERRY OLEA
Halos tatlong taon si Direktor Joel Lamangan bilang Roda sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo, na nagwakas na ngayong Biyernes, Marso 13, 2026.
Bakit pumayag siyang lumabas sa teleserye ni Coco Martin?
“Kinausap niya ako dahil naging aktor ko yung kapatid niya, si Ronwaldo Martin,” pagbabalik-tanaw ni Direk Joel sa mediacon ng pelikulang All About Her noong Marso 12, 2026, Huwebes, sa Quezon City Sports Club, E. Rodriguez Avenue, Quezon City.
“Naging artista ko si Ronwaldo Martin sa Bhoy Intsik [2017], kasama sina Elora Españo at RS Francisco.”
Nagdalawang-isip ba siya sa offer ni Coco?
“Hindi! Dahil maganda ang bayad!” bulalas ng septuagenarian actor-director.
“Magdadalawang-isip pa, sayang naman, di ba? Tsaka M-W-F lang naman ang taping. Meron pa akong T-Th-S…
“Gusto ko ring malaman kung paano siyang katrabaho. Kasi marami akong naririnig.”
Akala niya, matetegi agad ang karakter niyang si Roda…
“Naku, tetegiin na ako! Dalawang beses akong sinaksak-saksak. ‘Ay! Patay na ako?!’ The next time… ay! May call slip ako,” sambit ni Direk Joel.
“Nasa hospital ako. Ay! Buhay ako! Dahil gusto ng mga tao ang role ko.”
In-expect ba niyang magugustuhan ng televiewers si Roda na sakdal mahadera noong umpisa?
“Hindi. Kasi ang alam ko, sabi ni Coco, ‘Direk, kukunin kita pero sandali lang, ha?’ Akala ko, sandali lang ako,” sey ni Direk Joel.
“E, nasaksak na ako, dalawang beses. Nasunog pa ang bahay ko! Di ba?! Buhay pa rin. Hindi ako mamatay-matay.”
Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang

JOEL LAMANGAN ON BEING DIRECTED BY COCO MARTIN
Kumusta si Coco bilang direktor?
Mabilis na tugon ni Direk Joel: “Si Coco ay mahusay. Unang araw ko nga nung taping, sabi ko, ‘Dyusko! Tingnan ko nga, ano kinabukasan ko dito?’ Visually and content-wise.
“Aba! Nakita ko, may mata siya, marunong siyang mag-position ng camera. Ang dinidirek niya, si Charo Santos at ako.
“Imagine?! Nakaka-tension. Kaming dalawa. Aba! Mahusay siya!”
Na-intimidate ba sa kanya si Coco?
“Hindi naman. Sabi ko sa kanya, ‘Coco, pag ako, artista — napakabait ko. Susunod ako nang susunod sa direktor. Wala akong tutol anuman ang ipagawa mo sa akin. Huwag mo lang akong paghubarin.’
“Magaling siya. Mahusay. Alam niya ang ginagawa niya. At ang buong istorya, hindi sa script — sa utak niya.”
Read: Albert, Christopher, Direk Joel magpapaalam na sa Batang Quiapo
JOEL DEFENDS COCO AGAINST ROD NAVARRO JR.
Pero ang sabi ni Rod Navarro Jr., hindi maganda ang trato at pananalita ni Coco sa kanya. May mura raw na kasama ang banta ni Coco. Ipinahiya raw ni Coco si Rod…
“Mahusay si Coco. Marami siyang binigyan ng break na kailangan ng tulong, ng trabaho,” saad ni Direk Joel.
“Maganda siyang magbayad, sa totoo lang. Hindi naman ABS-CBN ang nagbabayad, si Coco.
“Mabait si Coco, mabait na tao. At mahusay… Hindi totoo yung sinasabi ni Rod Navarro Jr.!
“Dyusko, binigyan na nga siya ng trabaho, ng kung anu-ano, sinisiraan niya pa?! Hindi totoo yan, darling.
“Almost three years akong kasama ni Coco. Wala akong nakitang ganoon. Wala!
“Kahit sa sinong direktor [ng Batang Quiapo], apat yun, e. Kahit sa sinong direktor namin, wala akong nakitang ganoon.
“At bukas sila kung ano ang gusto mong sabihin.”
Nakita ba niya si Coco na nanigaw ng ibang tao?
“Hindi! Wala akong narinig na ganoon. Naku, haharapin ko si Rod Navarro Jr.!” sey ni Direk Joel.
“Pag nakita ko iyan, ‘Naku, hindi na kita kukuning artista! Ayaw mo pala ng sigaw nang sigaw, e, nasigaw ako! Huwag kang mag-apply sa akin,’ sasabihin ko sa kanya.
“‘Tumigil ka!’”
Read: Coco Martin smoothly evades query about Rod Navarro Jr. issue
DIREK JOEL ON COCO AND JULIA
Sa tingin niya, aabot na sina Coco at Julia Montes sa pagpapakasal (that is, kung hindi pa sila kasal)?
“Ay! Hindi ko alam. Depende sa kanila. Silang dalawa lang ang makakapag-decide,” sagot ni Direk Joel.
“Wala naman akong pakialam kung magpakasal sila o hindi. Silang dalawa lang. At hindi nagbabago ang pagtingin ko sa kanilang dalawa kahit hindi pa sila kasal.
“Wala nang magbabago. Dapat hindi tingnan na ganoon.”
NOEL FERRER
Ang pelikulang All About Her ay sumasalamin sa mga kaganapan sa mundo ng beauty pageant.
Bida rito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca, kasama sina Pancho Magno, Jim Pebanco, at ang VMX stars na sina Itan Rosales, Marco Gomez, at Angelica Cervantes.

Sexy movie ba ang All About Her?
“Hindi naman but it talks about some sexy things. It’s about mga beauty contestants sa global beauty contest,” lahad ni Direk Joel.
“Paano ba ang beauty contest? Ano ba ang marurumi at malilinis na bagay sa beauty contest?”
Ita-tackle ba rito ang dayaan o milagro sa timpalak pangkagandahan?
Tumango ang premyadong direktor, “Oo, ita-tackle dito. Maraming masasaktan dahil maraming matatamaan, pero iyon naman ang totoo.”
Handa siya sa mga criticism?
“Lagi namang handa, dysuko! Sa tanda ko na ito sa showbiz na ito, marami na akong naranasang ganyan,” sabi ni Direk Joel.
“Based ito sa isang news story na isang beauty queen na namatay. Di ba, may mga ganung istorya?
“Batay ito sa istoryang iyon pero hindi ito istorya nung beauty queen na namatay na yon. Hindi! Inspired lang.”
May mga pulitiko sa kuwento ng All About Her?
Napailing nang bahagya si Direk Joel: “Hindi, walang tinackle na politician. May tinackle na mga nag-i-sponsor ng beauty contest na kinakama ang mga contestant.”
Read: Netizens weigh in on It's Showtime player's Malacañang slip-up

DIREK JOEL ON WOMEN BEING FANTASIZED BY MEN
Meron bang sexy scenes na tipong pagpapantasyahan?
“Maraming naka-bathing suit. Naka-two-piece. Kasi ganoon naman ang beauty contest. Maraming babaeng nakaganun.”
Ano ang insights niya sa mga babaeng pinagpapantasyahan dahil sa mga seksing suot?
“Dapat hindi ganoon. Saka dapat hindi ina-announce. Hindi na sinasabi sa public na pinapantasyahan niya,” pagmamatwid ni Direk Joel.
“Sa sarili na lang niya iyon, huwag na niyang sabihin sa public kung gusto niya. Kasi, respetuhin naman ang kababaihan.
“Nakakahiya naman na sasabihin, pinagpapantasyahan, ang ganda-ganda! Ibig sabihin, ano?! Pinagdy*dy*kulan niya!
“Iyon ang ibig sabihin nun, e.”
Ano ang tingin niya sa mga ganoong lalaki?
“Insecure! Insecure yon. Gustong i-underline ang kanilang kamachohan. Very insecure of their own manliness.”
E, sa mga kumakampi sa mga lalaking nagpapantasya, at dyina-justify pa ang mga ito?
“Kagaya din sila nung nag-a-announce ng ganoon. Ibig sabihin, insecure din sila sa kanilang pagkalalaki,” sambit ni Direk Joel.
“Bakit kailangan mo pang i-announce sa public na ganoon? Dapat hindi na. Misogynist na yung mga ganoon. Hindi tama.”
Paano mababago ang ganoong mindset?
Napabuntong-hininga si Direk Joel: “E malaki ang role ng lipunan. Malaki ang role ng mga tinatawag nating religious people.
“Pag-aaral. Pag-uusap. Lalo na yung matatanda na, hindi na yata mababago!”
Read: QC congressman, binatikos dahil sa komento kay Anne Curtis
GORGY RULA
Ang born-again Christian na si Alvin Aragon, nagbi-victim-blaming pa.
“Maghahanap sila at maghahanap ng mabe-blame dahil mali ang kanilang paniniwala,” sabi ni Direk Joel Lamangan.
“Naghahanap at naghahanap ng mabe-blame. Naghahanap at naghahanap ng mga katwiran. Parati namang may iba’t ibang side ang ibang katotohanan.
“Dapat ikaw maniniwala doon sa side na nagsasabi ng katotohanan at pumapanig sa karamihan.
“Hindi naman lahat ng karamihan ay nagsasabi na, ‘Dapat ganoon ang tingin mo sa babae.’ Di ba?
“So, dapat doon ka papanig kung ano ang sinasabi ng karamihan. Dapat yun ay hindi binabastos.”
Read: Alvin Aragon reacts to Bong Suntay issue with religious reminder
ON WOMEN BEING DISCRIMINATED THEY WAY THEY DRESS
Katwiran nila, kung gusto ng babae na igalang siya, kailangang ang pananamit ay kagalang-galang.
“Walang karapatan ang sinuman na mag-judge kung ano ang sinusuot ng bawa’t tao,” saad ni Direk Joel.
“Hindi porke puta-puta ka o sexy ka, e, may karapatan na ang sinuman na api-apihin ka. Hindi totoo yon!
“May karapatan ang sinuman na ipagtanggol ang kanilang sarili. Naaayon yun sa batas. Hindi dahil sila ay ganoon.
“Napanood niyo ba yung The Accused [1988]? Iyon, di ba? Iyon yun.”
Legal drama film yon kung saan gumanap si Jodie Foster bilang waitress na na-gang rape ng tatlong lalaki sa isang bar.

Dagdag ni Direk Joel, “Idinemanda niya [karakter ni Jodie] dahil binastus-bastos siya ng mga lalaki kahit na siya ay putatsing-putatsing.
“Hindi puwedeng api-apihin ang babae, kahit na sinong tao. Hindi puwedeng api-apihin dahil lamang sa paniniwala mo na dapat ganito.
“Dapat nagsisilbi ang interes mo sa paniniwala ng nakararami.”
Sa Hollywood yung The Accused. Iba ang culture sa Pilipinas, na sabi’y napaka-patriarchal.
“Ang Pilipinas ay naiimpluwensiyahan nang malakas at malaki ng simbahan,” pahayag ni Direk Joel.
“Ang simbahan ang nakaapekto sa mga paniniwalang minsan nama’y may kamalian. Kagaya nung pagiging konserbatibo sa paniniwala.
“Dahil sa relihiyon. Nakakahiya. Pero may mga relihiyon na talagang ganoon, dapat pinaniniwalaan.
“Kagaya nung mga Muslim. Balot na balot sila hanggang mata, o, di ba? Pero paniniwala namaniyon. Kaya respetuhin mo.
“Wala namang problema. Kailangan nating irespeto. Respeto!”
Ipinagdiinan ni Direk Joel na wala siyang isyu o problema sa mga Muslim.
Aniya: “Dyusko, ang driver ko, Muslim. Wala akong isyu sa Muslim. Wala akong isyu sa mga paniniwala.
“Kung ganoon ang paniniwala mo, rerespetuhin kita basta respetuhin mo rin ang paniniwala ko.
“Huwag ko akong dutchi-dutchihin dahil sa paniniwala ko. Dahil hindi ko dinudutchi-dutchi ang paniniwala mo. Magrespetuhan tayo!”
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
SINAG MAYNILA 2026
Siyanga pala, hatid ng 3:16 Media Network ang pelikulang All About Her, na mula sa screenplay ni Quinn Carrillo. Executive-producers dito sina Ms. Len Carrillo at Meloy Uy.
Isa ito sa anim na full-length films sa 8th Sinag Maynila filmfest na gaganapin sa Marso 23-29, 2026, kung saan festival director si Brillante Mendoza.
Ang entries ng Sinag Maynila 2026 (Sine Lokal, Pang-International) ay ipapalabas sa Gateway Cinemas (Cubao, Quezon City), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).
Ang gala premiere ng All About Her ay sa Marso 23, Lunes ng 5:00 P.M. sa Gateway Cinema 17.
