PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales, naalala ang hirap na makapagtapos ng kolehiyo

Jeric at La Oro, bibida sa touching film tungkol sa maglola.
by PEP Troika
Published Mar 14, 2026
Jeric Gonzales, naka-relate sa character niya sa pelikulang Graduation Day
Jeric Gonzales, naka-relate sa role niya sa pelikula nila ni Elizabeth Oropesa na Graduation Day. Sabi ng aktor, “Like nakaka-relate nga ako doon kay Simon. Kasi sa Nursing, mahal iyong lahat ng gastusin. So saktung-sakto lang talaga, minsan kulang pa."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Philosophical ang pelikulang Graduation Day, na tungkol sa pagmamahalan ng maglolang sina Simon (Jeric Gonzales/Aidan Veneracion) at Lola Nelia (Elizabeth Oropesa) na dumaan sa napakaraming pagsubok.

Ang mabait, matalino, at masigasig na si Simon ang pag-asa ng kanilang pamilya upang maging maaliwalas ang kanilang buhay.

Ano ang naramdaman nila matapos mabasa ang script?

“Si Simon ang hope. After all the struggles, after all the journey, and then nangyari sa family niya, ganun pa rin,” sagot ni Jeric.

Nakapanayam siya matapos ang premiere screening ng Graduation Day noong Marso 12, 2026, Huwebes, sa Trinoma, Quezon City.

“Nakakalungkot, di ba? Pero ayun nga, kasi, itong pelikulang ito is about… for us to realize na iyong buhay kasi, hindi natin talaga hawak. It’s up to God.

“So, whatever happens, whatever we achieve in life, di ba? Or kung gaano ka kasuwerte o kamalas, na hindi ka naging happy or naging successful, so we’ll never know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But ang pinaka-silver lining na lang nito for me is after that, di ba, may new beginnings naman.

“May hope pa na nagbigay kay lola…”

Pahayag ni Elizabeth, “It’s a love story ng grandmother and her grandson. Love story talaga ito ng maglola.

“Dito mo mare-realize na kahit gaano mo kalapit sa Diyos, may mga bagay na hindi mo maaaring matanto kaagad.

“Siya lang talaga ang nakakaalam. Katulad ng sagot ng batang ito [Jeric], iyun din iyung sagot ko.

“But it’s a matter of accepting your fate and believing in God just the same. Kasi hindi naman dito ang katapusan.”

Nasa cast din ng Graduation Day sina Simon Ibarra, Rico Barrera, Angellie Sanoy, Isha Irish Jacob, Pantene Palanca, Daniela Carolino, Krisha Francisco, Mygz Molino, Rodel Fernando, Rosswil Hilario, at Teddy “Nonoy” Sommerfield.

Sinulat at idinirek ito ni Dante Balboa, para sa Bentria Productions ni Engr. Benjamin Austria. Ipapalabas ang Graduation Day sa local cinemas umpisa Marso 18, 2026, Miyerkules.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
The cast and team behind Graduation Day headlined by Jeric Gonzales and Elizabeth Oropesa
The cast and team behind Graduation Day headlined by Jeric Gonzales and Elizabeth Oropesa
Photo/s: Jerry Olea

Read: Emma Tiglao calls out Crabs N Crack waiter over rude remark

NOEL FERRER:

Kagaya ng karakter niyang si Simon sa Graduation Day, maraming pagsubok na pinagdaanan si Jeric Gonzales.

Nagtanong din siya sa Diyos kung bakit ganoon. Magiging ipokrito raw siya kung itatanggi iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Jeric, “There are times na lahat tayo, nahihirapan sa buhay. And at that point, at our lowest point, somehow naiisip iyon natin na, 'Bakit ganito? Bakit ganun iyung ginagawa Niya?'

"Andami nating tanong, di ba? Hindi natin alam kung ano iyong sagot. Kasi Siya lang ang nakakaalam.

“But ang mahalaga, after natin Siyang i-question, we still have faith pa rin. And to pray always. Magtiwala lang tayo po, kagaya ng ginawa ni Simon.”

Naniniwala ba siya na importante ang makatapos ng pag-aaral, at magkaroon ng diploma?

“For me, kasi nagtapos ako ng Bachelor of Science in Nursing. Of course, diploma is important for me,” tugon ni Jeric.

Naranasan daw niya iyong magipit sa budget.

“Dahil pinaghirapan ko iyon. Siyempre, iyong naging journey ko rin bilang estudyante, hindi madali.

“Like nakaka-relate nga ako doon kay Simon. Kasi sa Nursing, mahal iyong lahat ng gastusin. So saktung-sakto lang talaga, minsan kulang pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So napagdaanan ko rin iyun. Naranasan ko rin. Importante po talaga sa akin ang diploma.

“Pero of course iyong iba, na hindi naman nakatapos at naging successful, of course, proud moment din for them.

“But for me, this is my proud moment—na nakatapos ako.”

Umayon si Elizabeth Oropesa sa sinabi ni Jeric.

Susog ng beteranang aktres, “Napakaimportante ng edukasyon. Fallback mo iyan lalo na kung artista ka, tapos wala ka nang pelikula. Malaking bagay iyon.

“But, of course, kung tamad ka, maski naman sangkaterbang diploma ang hawak mo, wala ka pa ring magiging magandang kinabukasan.

“But just the same, importante pa rin iyung nakapag-aral kahit papaano.”

Read: British couple pleads guilty in racist attack on Filipina nurse

GORGY RULA:

Ayon sa writer-director na si Dante Balboa, layunin nang pelikula na bigyan ng something to think about ang mga manonood.

Paliwanag niya: “Graduation Day is a philosophical film. Aside from being a religious film, it’s more of a philosophical film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And in philosophy, kumbaga, it’s wondering. So life is mystery. Kaya nga mahiwaga ang buhay ng tao.

“Kung sino pa ang nagsisipag, nagsisikap, hindi umuunlad. Kung sino pa iyong instant money lang, tipong ganyan... kaya talagang punung-puno ng hiwaga ang buhay ng tao.

“Dito kasi, pumasok na rin iyong sistema ng pagsusulat nung scriptwriting.”

Binali raw ni Direk Dante kung ano ang kaganapan sa sukdulan ng Graduation Day.

Dagdag ni Direk Dante, “Dalawang uri ng graduation ito. Akala natin, kuwento ni Simon, tama? Pero hindi.

“Kuwento ito ng isang lola na ayaw paniwalaan. Di ba, may mga ganyang kuwento?”

Originally ay lima raw ang magkakapatid na mga apo ni Lola Nelia. Ginawa na lang daw tatlo para mabilis ang takbo ng istorya. Over na raw kung lima.

“Secondary lang po talaga iyong kuwento ng isang taong nagsusumikap pero bakit ganun?” pakli ni Direk Dante.

Bago ipalabas ang Graduation Day, prinodyus din ni Engr. Benjamin G. Austria ang mga pelikulang Broken Blooms (2022) ni Jeric Gonzales; Huwag Mo ‘Kong Iwan (2024) nina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez; Fatherland (2025) ni Allen Dizon, at Walong Libong Piso (2025) ni Paolo Gumabao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Engr. Benjamin, kagaya ni Simon sa Graduation Day ay self-supporting student siya.

Sa kabila ng mga hardship na na-encounter niya, nandoon ang kanyang determinasyon at perseverance.

Pananalig ni Engr. Benjamin, “Pag ikaw, desidido ka talaga, ipu-pursue mo iyong pangarap mo, iyung goal mo na ma-achieve.

“So siguro itong movie na ito, nakaka-relate din sa akin. Isang taong nangarap hanggang naabot ko iyung mga pangarap ko.

“So salamat na sa ngayon, naging filmmaker ako, producer. Kasi pinangarap ko talaga ito.

“So lahat, marami akong pinagdaanan. Kaya kanina, paulit-ulit ko… nakakaiyak, so sana, ma-inspire din kayo.

“Sa ngayon maraming nanonood. So sana ma-disseminate ninyo ang information sa mga kaibigan ninyo para mapanood.

“So importante, maka-ROI [return of investment] ako. Kasi ang hirap, ang hirap mag-produce.

“Willing akong mag-produce pero mahirap. Nakikita nyo iyung mga sinehan na wala halos laman. So paano natin maa-uplift iyong ganitong bagay.

“Maraming mga directors at artista na magagaling. Pero hindi nila mailabas iyung mga ano nila, kasi walang mag-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil siguro, iyun nga, mahirap. So with this, sana matulungan nyo at mapanood sa ibang mga kaibigan ninyo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales, naka-relate sa role niya sa pelikula nila ni Elizabeth Oropesa na Graduation Day. Sabi ng aktor, “Like nakaka-relate nga ako doon kay Simon. Kasi sa Nursing, mahal iyong lahat ng gastusin. So saktung-sakto lang talaga, minsan kulang pa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results