PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo

Si Mestisong Aktor ang itinitibok ng puso ni Madiskarteng Aktre
by PEP Troika
Published Mar 15, 2026
Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo
Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, trabaho lang at walang personalan ang sweet image in public.
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA:

Kilig-kiligan ang fans sa loveteam ng Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres. Kiliting-kiliti ang avid fans kapag nagpapakakikay si Madiskarteng Aktres at hinaharut-harot si Ismarteng Aktor na ang dating ay maginoo at konserbatibo.

Hopia, asado, at expectorant ang dyed-in-the-wool fans na liligawan ni boylet si girlilet, lalo pa’t ang sweet-sweet nila kapag nagdu-duet.

Nakaka-diabetes sa tamis! May kung anong hiwaga ang kanilang tambalan, na waging-wagi sa kanilang solid supporters.

Kaso, ang mga tinginan nila at lambingan ng magka-loveteam ay palabas lamang.

Batid ni Ismarteng Aktor na itinitibok ng puso ni Madiskarteng Aktres si Mestisong Aktor.

Alam na alam din ni Madiskarteng Aktres na wala kahit katiting na pagnanasa sa kanya si Ismarteng Aktor, at hanggang friendship lang ang maio-offer nito sa kanya.

Wala silang malisya sa isa’t isa. Ang mga akbayan, yakapan o kandungan nila sa harap ng kamera o ng mga manonood ay trabaho lang, walang personalan.

Kahit wala sa eksena si Mestisong Aktor, hindi magkakatuluyan sina Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailanman ay hindi maibibigay ng pagkababae ni Madiskarteng Aktres ang kailangan at hinahanap ni Ismarteng Aktor.

Read: James Blanco on estrangement from kids: "Napakasakit."

JERRY OLEA:

Walang desire si Ismarteng Aktor sa opposite sex. Ang bet niyang mahalin at makaniig ay kapwa lalaki.

Noon pa man ay gusto nang magpakatotoo ni Ismarteng Aktor. Handa siyang isiwalat noon pa ang secret ng kanyang sexual preference or orientation.

Kaso, pumatok ang tandem nila ni Madiskarteng Aktres. Pinigilan siya ng management na sirain ang ilusyon ng fans.

Sinakyan nina Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres ang hilig at pagkahumaling ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.

Naalala ko tuloy ang Episode 2 (“The Scarlet Letter”) ng Season 2 ng American procedural drama series na The Mentalist kung saan title role si Simon Baker bilang dating “psychic” na si Patrick Jane.

Kapapanood ko lang sa Netflix ng nasabing episode, kunsaan mag-asawa si Senator Melinda Batson at ang chief of staff niya na si Elliott Batson.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Elliott, “We’ll be married three years this October and… today’s news excepted, uh, we’ve never been happier.” Masuyong nagtinginan ang mag-asawa.

Hirit ni Patrick, “That’s hard to believe.”

Tanong ng lady senator, “What does that mean?”

Tugon ni Patrick, “Well, there’s nothing going on between you right now.”

Sey ni Elliott, “Excuse me? What?”

Paliwanag ni Patrick, “I’m sorry, I meant sexually, no heat. Right?” Natameme ang mag-asawa.

Later on ay nabunyag ang katotohanan.

Sabi ni Patrick kay Elliott, “The marriage is a sham. She’s gay. You’re the beard. It was kind of obvious from the start.” May girlfriend si misis!

Read: Ellie Eigenmann makes parents proud at Yale Model UN Singapore

NOEL FERRER:

Ohhhh, talaga ba? Wala namang kaso roon! Marami tayong kilala sa industriya na pinagtatambal pero iba ang gusto.

Ang iconic line ni Michael Corleone sa kanyang kuya sa pelikulang The Godfather (1972), “It’s not personal, Sonny. It’s strictly business.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang kailan magkukubli si Ismarteng Aktor? Kaya bang pigilin ng kanyang management ang kanyang secret desire?

Alam nating darating ang panahon na lalantad din ang katotohanan. Pagkakakitaan muna nila marahil?

Samantala, excited ako sa tunay na pagmamahalan nina Madiskarteng Aktres at Mestisong Aktor. Bakit? Mahusay kasing umarte si Mestisong Aktor.

Baka magkahawaan sila ng galing at magkatulungan pa sila sa pagiging mas mahusay na artista. Malay ninyo, di ba? Happy lang sana ang lahat!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, trabaho lang at walang personalan ang sweet image in public.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results