GORGY RULA
Magandang blended family ang ipinakita nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Carlene Aguilar nang magkakasama silang sumuporta sa laban ni Calix Ho sa UAAP Season 88 Fencing Tournament.
Nasungkit ni Calix ang gold medal sa naturang tournament na ikinatuwa nilang lahat.
Si Calix ay anak nina Dennis at Carlene.
Read: Jennylyn, Dennis, Carlene cheer on son Calix Ho's fencing gold

Nagpapasalamat si Carlene sa suporta ng mag-asawang Dennis at Jennylyn sa kanyang anak.
Noon pa man ay talagang suportado raw ni Dennis ang lahat ng gustong gawin ni Calix.
Bandang 2021 at 2022 daw nagsimulang mag-training si Calix sa fencing, at kahit si Jennylyn daw ay suportado ito.
“Yes, super support! Sobrang appreciate ko, lalo na si Jen,” text sa akin ni Carlene nang tinanong ko tungkol sa suporta ni Dennis sa kanilang anak.
CARLENE ALL PRAISES FOR JENNYLYN
Noon pa man ay puring-puri ni Carlene si Jennylyn dahil napakabait daw nito sa kanila, lalo na kay Calix.
Nakikita niya kung paano minahal ni Jennylyn ang kanyang anak.
Kahit si Dennis ay itinuring na ring anak si Jazz, ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia.
Lalo raw nagpupursigi si Calix sa pagte-training ng fencing dahil nag-aambisyon itong makapag-compete sa SEA Games at maging sa Olympics.
Read: Netizens weigh in on It's Showtime player's Malacañang slip-up
JERRY OLEA
Nakaka-good vibes na andiyan sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar para sa kanilang anak, at maging ang madrastang si Jennylyn Mercado ay nakasuporta sa stepson.
Mukhang inspirado si Calix Ho, at masaya tayo para sa kanyang pagwawagi.
Cheers!!!
NOEL FERRER
All’s well that ends well.
OK nga yang mga ganyan, at may magandang halimbawa ng blended family sa ating bansa.
Naitatama ang mga naunang desisyon sa buhay na nagtapos na.
Pero may bunga ang pag-iibigan… mga anak na maaayos at nagsisilbing inspirasyon sa mga sumusubok mapabuti ang buhay.
Kaya naman mahuhusay na mga aktor at binibiyayaan ang mga ganitong katulad nina Dennis at Jennylyn.
Saludo tayo sa kanila!
Read: British couple pleads guilty in racist attack on Filipina nurse
