GORGY RULA
Inaasahan nang mataas ang rating ng finale episode ng FPJ’s Batang Quiapo noong Biyernes, Marso 13, 2026.
Pero overall, hindi gaanong mataas ang viewership nung araw na yun, mula hapon hanggang gabi.
PRIMETIME RATINGS
Sa primetime, ang 24 Oras ay 11%; ang Frontline Pilipinas ay 1.2%; at ang TV Patrol ay 4.2%.
Ang finale episode ng Batang Quiapo ay 10.2%; ang Sang’gre ay naka-9.1%; at ang Totoy Bato ay 0.8% lamang.
Read: Huling linggo ng Batang Quiapo, inaasahan ang pagtaas sa ratings
Ang Never Say Die ay 6.7%; at ang Roja na nagtapos din nung gabing yun ay 4.9%.
Medyo tumaas naman ang The Secrets of Hotel 88 na naka-3.4%, at ang What Lies Beneath ay 2%.
Ang Saksi ay 2%.
Ngayong Lunes ng gabi, Marso 16, ay simula na ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan ng KimPau na magiging katapat ng Sang’gre.
Mas pinag-uusapan naman sa telefantasyang Sang’gre ang tambalang DarMea nina Ysabel Ortega bilang Hara Armea at si Jon Lucas bilang Daron, na loyal na tagapagtanggol kay Hara Armea.
Read: Oscars 2026: One Battle After Another wins six awards

NOEL FERRER
Sa mga panghapong programa noong Biyernes ay halos ganun pa rin ang viewership nila.
Sa tatlong afternoon drama ng GMA-7, nangunguna pa rin ang Hating Kapatid.
Narito ang ratings sa afternoon slot na sinimulan ng It’s Showtime na 5.2%; at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 5.4%; ang katapat na Frontline Express ay 1.5%, at ang replay na Lavender Fields ay 0.6%.
Ang House of Lies naman ay 4.9%, at ang Senior High ay 0.4%.
Ang Apoy sa Dugo ay 3.7%, at ang sumunod na Fast Talk with Boy Abunda ay 3.3%.
Ang Delightfully Deceitful ay 2.2%, at ang sumusunod na Family Feud ay 6.4%.
Ang Minute To Win It ay 1.1%.
Read: Joel Lamangan, nagsalita na sa plaster allegation ni Ahron Villena
JERRY OLEA
Nagdiwang bilang isang pamilya si Coco Martin at ang FPJ’s Batang Quiapo team para sama-samang panoorin ang finale episode noong nakaraang Friday the 13th.
“Sobra akong proud sa Batang Quiapo. Thank you sa lahat ng mga Pilipino. Binuhos namin lahat ng lakas at pagmamahal at binigay namin yung best namin para sa show na ito kasi yun ang deserve ng lahat ng mga manonood,” saad ng Primetime King sa panayam ng TV Patrol.
Ang pasabog na finale ay sabay-sabay tinutukan ng 748,001 concurrent online viewers sa YouTube.
Hitik sa aksyon at emosyonal na komprontasyon ang episode tampok ang huling laban ni Tanggol (Coco Martin) sa mortal niyang kaaway na si Rigor (John Estrada).
Siyempre, si Tanggol ang nagwagi at tuluyan na niyang winakasan ang kasamaan ni Rigor.

LOVE SCOUT
Samantala, ang South Korean drama na Love Scout ay mapapanood na rin ng Pinoy viewers simula ngayong Monday night sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, at iWant.
Pinagbibidahan ito nina Han Ji-min at Lee Jun-hyuk, na kapwa kinilala sa SBS Drama Awards 2025 matapos manalo ng Top Excellence Award dahil sa kanilang pagganap sa serye.

Umani ng papuri ang Love Scout dahil sa kakaiba at mas mature nitong kuwento, lalo na sa karakter ng male lead na tinawag ng fans na isang “green flag.”
Sa kuwento, si Kang Ji-yoon (Han Ji-min) ay isang matagumpay na CEO ng headhunting company na todo sa trabaho ngunit hirap sa kanyang personal na buhay.
Magbabago ang kanyang mundo nang makilala niya si Yoo Eun-ho (Lee Jun-hyuk), ang kanyang mabait at maaasahang secretary na tutulong magbigay ng balanse sa kanyang magulong buhay.
Habang magkasama nilang hinaharap ang mga hamon sa trabaho, unti-unti ring nabubuo ang espesyal na koneksyon sa pagitan nila.
Read: James Blanco, napilitang amining hiwalay na sa asawa dahil kay Iñigo Jose
