PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vortang aktor, big NO na sa variety show dahil sa pag-a-attitude

Vortang aktor, nag-attitude nang pasuotin ng shorts sa variety show.
by PEP Troika
Published Mar 16, 2026
blind item vortang aktor
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Atti, as in attitude, na si Vortang Aktor!

Noong da hu pa si twentysomething Vortang Aktor ay ang bait-bait niya, masunurin, walang reklamo, magaang katrabaho.

Pero nang magkaroon ng kaunting ningning ang kanyang pangalan, aba! Uma-atti at umaarte na si Kuys!

Ang resibo?

Sa isang variety show, may production number na kailangang magsuot ng shorts si Vortang Aktor at ang mga kasama niya.

Natagalan bago nakapagsimula ang production number na yun dahil ayaw mag-shorts ni Vortang Aktor.

At ang da height ng pag-a-atti ni Vortang Aktor, hinikayat niya ang mga kasamahan na huwag ding mag-shorts.

Napatili tuloy ang executive producer ng programa kung magso-shorts ba o hindi si Vortang Aktor.

Pahiyaw rin ang tugon ni atti kuys, “NO!”

Read: Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo

JERRY OLEA

Nagulantang ang mgataga- production staff sa pagsigaw ni Vortang Aktor.

Hindi nila mawari na magagawa niya iyon, considering na wala pa naman siyang napatunayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo, vortalicious si Kuys at may ningning na ang kanyang bituin, pero hindi pa siya nagbida sa pelikula o TV program.

So far ay one of those lang siya. Nasa starlet category pa siya.

IT'S A "NO!" FOR VORTANG AKTOR

NO pala, ha?!

Big NO, as in no-no, na si Vortang Aktor sa variety show! Hindi siya kawalan!

Pagmamatwid ng mga production staff, tanggap nila kung ayaw talagang mag-shorts si Vortang Aktor na nasa starlet category pa lang naman.

Kaso, ang hilig-hilig ni Vortang Aktor na magpa-thirst trap sa socmed. Madalas na topless o naka-shorts si Kuys sa online post niya.

Kaya hindi ma-gets ng mga production staff ang kaartehan niyang iyon.

Good luck na lang kay Vortang Aktor sa pag-a-attitude niya.

Harinawang mahimasmasan siya bago tuluyang maging SHORT-lived ang luningning ng kanyang munting bituin, NO?!

Read: BLIND ITEM: Actor-politician, nakatambak sa banyo ang kadatungan

NOEL FERRER

Yes! Da hu pa rin sa akin si Vortang Aktor kaya mag-ingat siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero alam ko, medyo kaya nitong starlet level na artista na i-charm ang kanyang mga boss, so let’s see kung masa-sanction siya sa pag-a-atti na ito.

Mahalaga sa produksiyon ang attitude ng isang artista.

Ang skill at talento, nahahasa yan. Pero once natatakan ka nang unprofessional, lagot ka!

Kasi, itong mga nasa production ang magsasabi kung gusto ka nilang makatrabaho muli.

Good luck na lang din kay Vortang Aktor.

Read: Actress natigil ang PHP2M allowance mula sa government official

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results