PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Ratings: The Alibi ng KimPau, kumasa ba sa mga Sang'gre?

The Alibi, pumalit sa timeslot na iniwan ng Batang Quiapo.
by PEP Troika
Published Mar 18, 2026
the alibi sang'gre ratings
The Alibi: Ang Buong Katotohanan, starring Kim Chiu and Paulo Avelino, now occupies the timeslot vacated by FPJ’s Batang Quiapo and goes head-to-head with Encantadia Chronicles: Sang’gre.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Umalagwa muli sa ratings ang Encantadia Chronicles: Sang’gre mula nang magpaalam sa ere ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo noong Biyernes, Marso 13, 2026.

Ang nagawakas na teleserye lang talaga ni Coco Martin ang masasabing threat sa mga programang nakakatapat ng Sang'gre.

Noong Lunes, Marso 16, nagsimula ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan na pumalit sa timeslot ng Batang Quiapo.

Pero hindi pa gaanong nagpapasiklab sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Read: Vortang aktor, big NO na sa variety show dahil sa pag-a-attitude

the alibi pilot episode
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARCH 16, 2026 PRIMETIME RATINGS

Narito ang ratings ng primetime shows noong Marso 16:

Ang 24 Oras ay 12.2%; ang Frontline Pilipinas ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 4.1%.

Sumunod ang Sang’gre na naka-10.4%; ang The Alibi ay 5.6%, at ang Totoy Bato sa TV5 ay 0.9%.

sang'gre ratings

Medyo tumaas ang Never Say Die na naka-6.6%; habang ang nakatapat nitong What Lies Beneath ay 2.8%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Medyo umokey na rin ang ratings ng The Secrets of Hotel 88 na naka-3.9%; at ang K-drama na Love Scout ay 1.1%.

Sumunod ang Saksi na 1.9%.

Read: Joel Lamangan nagsalita na sa plaster allegation ni Ahron Villena

JERRY OLEA

Noong Martes, March 17, naman ay medyo bumaba ang primetime programs pero konti lang naman.

Ang 24 Oras ay 12%; ang Frontline Pilipinas ay 1.9%, at ang TV Patrol ay 3.6%.

Ang Sang’gre ay 10%, at ang The Alibi ay 5%.

Ang Never Say Die naman ay 6.5%; at ang What Lies Beneath ay 3.3%.

Ang sumunod na The Secrets of Hotel 88 ay 3.4%; at ang Love Scout ay 1.3%. Sumunod ang Saksi na 1.7%.

NOEL FERRER

Ang mga panghapong programa ay ganun pa rin ang viewership. Parang hanggang doon na lang siguro ang kaya nila.

Inaasahan pa namang nasa bahay na lang ang mga tao dahil sa taas ng gasolina. Pero hindi man lang tumaas ang viewing level nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Lunes, March 16, ay ang Family Feud ang bahagyang tumaas dahil ang grupo ng It’s Showtime nina Vice Ganda ang naglaro.

team james family feud
It's Showtime hosts (from left) Darren, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, and Vice Ganda on Family Feud

MARCH 17, 2026 DAYTIME RATINGS

Simulan muna natin sa It’s Showtime na 4.9%; at ang Eat Bulaga! ay 3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Hating Kapatid na 5.7%; ang replay ng Lavender Fields ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.6%.

Ang House of Lies naman ay 4.8%; at ang replay na Senior High ay 0.4%.

Ganundin ang Apoy sa Dugo na 3.9%, na halos kapareho lang ng rating ng replay na Unica Hija.

Pagkatapos nito ay ang Fast Talk With Boy Abunda na 3.6%; at ang sumunod na nag-pilot na the Sweetest Taboo ay 2.7%.

Ang Family Feud ay 7%, pero mataas ang online views nito; at ang Minute To Win It ay 1.1%.

Noong Martes, March 17, naman ay medyo tumaas ang It’s Showtime na 5.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Sumunod ang Hating Kapatid na 5.5%; ang Lavender Fields ay 0.5%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.8%.

Ang House of Lies naman ay 4.9%, at ang Senior High ay 0.6%.

Ang Apoy sa Dugo ay na-maintain ang 3.9%, at pagkatapos nito ay ang Fast Talk With Boy Abunda na 3.2%; at ang The Sweetest Taboo ay 2.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo tumaas ang Family Feud na naka-7.1%. Ang pamilya ni Ricci Rivero ang naglaro rito laban sa mga champion ng Mobile Legends.

Read: Oscars 2026: One Battle After Another wins six awards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Alibi: Ang Buong Katotohanan, starring Kim Chiu and Paulo Avelino, now occupies the timeslot vacated by FPJ’s Batang Quiapo and goes head-to-head with Encantadia Chronicles: Sang’gre.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results