PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Guwapitong aktor, parang hari kung mag-utos sa alalay

Guwapitong aktor, tatlong oras na-late sa taping ng teleserye.
by PEP Troika
Published Mar 18, 2026
blind item guwapitong aktor alalay
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Sunud-sunod na hanash ang nakarating sa amin mula sa ilang production staff na nakakausap ng PEP Troika tungkol sa mga nag-a-attitude na mga kabataang artista.

Bakit daw ang bilis lumaki ang ulo ng mga ito gayong wala pa talaga silang napapatunayan?

Nagkaroon lang ng hukbo ng fans, akala mo ay sikat na sikat na sila at parang may karapatan na silang mag-attitude sa set.

Ipinakiusap lang na i-blind item muna at baka malagot daw sila.

Pero dapat daw talagang ma-call out ang mga ganitong artistang hindi alam kung paano i-handle ang kasikatan.

Read: VIRAL: Gasoline boy explaining oil crisis turns out to be a cum laude graduate

GUWAPITONG ACTOR ASTANG HARI SA MGA ALALAY

Kagaya nitong si Guwapitong Aktor, na ang buong akala namin ay mabait at hindi nagbabago kahit unti-unti na siyang nakikilala at napapansin ang talent.

Peo marami ang nakapansing marami na raw itong kaartehan.

Sa totoo lang, sa blind item namin kamakailan ay isa siya sa nagreklamong ayaw magsuot ng shorts sa isang production number sa isang variety show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vortang aktor, big NO na sa variety show dahil sa pag-a-attitude

Pero bukod dito, marami na ang nakakapansin kung paano ito magtrato sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Dati raw kasi ay naririnig nilang magalang ito mag-utos sa mga alalay niya. Pero ngayon ay iba na raw.

“Tubig!”

“Payong!”

“Towel!”

Ganun na raw mag-utos si Guwapitong Aktor na wala man lang pakiusap.

Nao-offend daw ang ibang production staff na nakakarinig kapag mag-utos ito na parang hari.

Tinanong daw ng ilang staff ang mga alalay kung okay lang ba sa kanila na ganun-ganun lang sila kung utusan ng Guwapitong Aktor.

Ayon sa mga alalay, nakasanayan na nila ang ganung pag-utos ni Guwapitong Aktor. Hinahayaan na lang daw nila.

Wala naman daw silang magagawa kung nagbago na ang pagtrato sa kanila. Basta, nagtatrabaho na lang daw sila nang maayos.

Read: Barbie Forteza admits regrets but remains grateful for Kara Mia

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karamihan kasi sa mga artista natin, lalo na ang veteran stars, ay parang miyembro na ng pamilya ang turing sa kanilang alalay, lalo na kapag matagal na itong nagsisilbi sa kanila.

Kaya naman napaka-loyal at mahal na mahal sila ng kanilang mga alalay.

Pero bakit nga ba ang daling yumabang ng ilan sa mga kabataang artista ngayon?

"THE LATE" GUWAPITONG AKTOR

May dagdag na kuwento tungkol kay Guwapitong Aktor.

May ginagawang drama series si Guwapitong Aktor, at kagaya ng ibang yumabang na artista, wala raw itong pakialam kung nale-late siya ng dating.

Minsan lang naman ito nangyari, pero tatlong oras daw itong na-late sa taping ng seryeng ginagawa niya.

Pagdating daw sa set, parang wala lang. Hindi man lang daw nag-sorry si Guwapitong Aktor sa co-actors at production staff na pinaghintay niya.

Sa panahon ngayon, isa sa mortal sins sa taping ang ma-late. Kaya huwag niyang hintaying matalakan siya ng beteranong co-actor niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang amo pa naman ng mukha, mukhang mabait naman, kaya parang ayaw namin maniwalang nagbago na si Guwapitong Aktor.

Sana, mapagsabihan si Guwapitong Aktor at ma-realize niyang hindi dapat umakyat sa ulo ang tagumpay ng kanyang showbiz career.

At magpa-hit siguro muna siya ng pelikula.

Read: Joel Lamangan, nagsalita na sa plaster allegation ni Ahron Villena

NOEL FERRER

Naku, hindi ako makapaniwala!

Kasi, mabait sa akin si Guwapitong Aktor, in fairness.

Baka naman bad day lang o baka hindi siya ito?

Sasabihan ko siya kapag nakita ko. Kasi, nakikinig naman iyan sa maayos na salita.

Sana talaga, hindi siya ganito. Malaki pa naman ang potential ni Guwapitong Aktor.

Promise!

Read: Anthony Pangilinan, son Donny cut diesel prices at family gas station

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results