PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Bacosa Pacquiao, "secret" kung nanliligaw kay Jillian Ward

Eman Bacosa Pacquiao, naka-focus muna raw sa career.
by PEP Troika
Published Mar 19, 2026
eman bacosa pacquiao endorsement
Eman Bacosa Pacquiao on prioritizing career over lovelife: “Naka-focus kasi ako ngayon sa pangarap ko, saka sa pamilya ko. Kung meron man, siyempre kilalanin ko muna at ipag-pray ko muna sa Panginoon. If God-willing talaga, meron talagang right time."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Puno ng “secret” ang aming pakikipagtsikahan kay Eman Bacosa Pacquiao nang iniharap siya ng I Am Worldwide sa Prologue Restaurant, Quezon City, nitong Huwebes, March 19, 2026.

Maingat na siya ngayong sumagot, lalo na pagdating kay Jillian Ward at iba pang plano sa kanya ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso Network.

Kapag ayaw niya nang sagutin, nakangiti niyang sinasabi na “Secret.”

Read: Iñigo Jose wants to settle issue with dad James Blanco in private

EMAN ON PIOLO PASCUAL

Masayang nagkuwento si Eman sa amin na nagkatrabaho sila ni Piolo Pascual nang nag-shoot silang dalawa ng commercial para sa networking company na kapwa nila iniendorso.

Sabi ni Eman, marami silang napag-usapan at ipinayo sa kanya si Papa P.

“Yes po. Dahil din dun meron kaming napag-usapan, ganito-ganyan,” pakli ni Eman.

“Saka blessed din ako na nakausap ko siya kasi medyo kumalma yung kaba ko, yung ganitong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag sa mga ganito, meron talaga minsan na mahihirapan ka, kakabahan ka. Pero sabi naman niya, enjoy ko lang ang mga ganitong moment.

"Tapos sa acting naman, pag mag-acting ka, damahin mo raw talaga."

Matagal daw silang nagkausap at maraming ipinayo sa kanya si Piolo.

Tinanong namin kung ano ang ipinayo sa kanya ni Piolo pagdating sa pag-aartista.

“Secret,” napapangiti niyang sagot sa amin.

Piolo Pascual and Eman Bacosa
Piolo Pascual and Eman Bacosa Pacquiao
Photo/s: PR Photo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EMAN ON JILLIAN WARD

Kahit kay Jillian Ward ay matipid din ang sagot ni Eman, pero mas naging malapit daw silang magkaibigan.

“Gustung-gusto ko yun kasi we’re really good friends din. Sinusuportahan niya ako, sinusuportahan ko rin siya,” sambit ni Eman.

Magkaibigan daw sila na nagkakausap at lumalabas paminsan-minsan.

“Nag-uusap kami paminsan-minsan. Support ako sa kanya. Support din siya sa akin.

“Blessed din ako na nakilala ko siya at yung family niya,” sabi ni Eman.

Diretsahan siyang tinanong kung nanliligaw ba siya kay Jillian Ward.

“Secret,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Read: Eman Bacosa Pacquiao, may special guest at message kay Jimuel

Eman Bacosa Pacquiao with Jillian Ward
Jillian Ward and Eman Bacosa Pacquiao
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Marami raw laban na naka-lineup kay Eman at gusto niyang mag-focus sa boxing, bago ang pag-aartista.

Kaya isinantabi raw muna niya ang lovelife.

Aniya: “Naka-focus kasi ako ngayon sa pangarap ko, saka sa pamilya ko.

“Kung meron man, siyempre kilalanin ko muna at ipag-pray ko muna sa Panginoon.

“If God-willing talaga, meron talagang right time."

Payo rin daw sa kanya ng biological dad na si Manny Pacquiao: "At saka kung meron kang gustong tao, mas mabuting kilalanin mo muna siya. If you really want to be with them…’

“About sa ganyan, sabi ni Papa, ‘Focus ka lang muna sa dreams. If gusto mo talaga…’

"Pero suggest niya, ano talaga, e, let God decide.”

Read: Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo

BOXING OVER ACTING

Sa ngayon ay pahinga muna si Eman pagkatapos ng laban niya. Pero ipa-prioritize daw niya ang boxing bago ang acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya hindi raw niya alam kung ano ang plano sa kanya ng Sparkle.

“Hindi ko masasabi kasi sila nakakaalam sa schedule ko. Ako, sumusunod lang ako,” pakli ni Eman.

Sa pagkakaalam namin, hindi na tutuloy si Eman sa Firewall.

Okay na raw munang nag-guest siya sa Never Say Die na na-enjoy raw niya nang husto.

“Siyempre, napakasaya ko kasi nakatrabaho ko sina Jillian Ward, Raheel Bhyria, at saka si David Licauco.

“Super kinabahan ako, pero masaya ako kasi kahit first acting project ko yun, super blessed ako kasi kasama ko sila sa trabaho,” sabi pa ni Eman.

JERRY OLEA

Akala ko’y magsyota na sina Eman Bacosa at Jillian Ward. Maling akala pala iyon?

At hindi rin sila secret lovers?

Mabuti na ring mag-ingat si Eman sa mga pahayag niya.

Basta, ang sabi ng kaibigang Bernard Cloma, noon pa man ay sumusuporta na si Jinkee Pacquiao kay Eman — bago pa ang Thrilla in Manila 2 noong Oktubre 29, 2025 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi iyan secret, ha?!

Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eman Bacosa Pacquiao on prioritizing career over lovelife: “Naka-focus kasi ako ngayon sa pangarap ko, saka sa pamilya ko. Kung meron man, siyempre kilalanin ko muna at ipag-pray ko muna sa Panginoon. If God-willing talaga, meron talagang right time."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results