PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunk actor, effective ang style na pakape-kape sa mga babae

Hunk actor, tatahi-tahimik pero sadyang matinik sa girls.
by PEP Troika
Published Mar 19, 2026
blind item hunk actor coffee date
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Tatahi-tahimik pero sadyang matinik!

Ganyan si Hunk Actor, na pogilicious at dakilang totoo.

Handang makipagkabugan sa "The Big Four."

Nakaka-tense ang kanyang pabukol kapag hapit ang kanyang pantalon.

Hindi kataka-taka na sandamakmak ang mga acclang nagnanasa sa kanyang kakisigan.

Sa mga pagtitipon ay tahimik lang at pangiti-ngiti si Hunk Actor. Hindi siya masyadong matsika.

Pero may sarili siyang diskarte.

Kapag bet niya ang nakilalang girl, kukulit-kulitin niya ito via Viber or Messenger.

Read: Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo

JERRY OLEA

Minsan sa isang party, may ipinakilala kay Hunk Actor na isang Pretty Babe na lumalahok sa mga timpalak pangkagandahan.

Noong panahon na iyon ay girlfriend pa ni Hunk Actor ang isang maligalig na aktres.

Mukhang matindi ang naramdaman ni Hunk Actor kay Pretty Girl kaya kinulit-kulit niya ito via Messenger na magkita sila.

Niyaya ni Hunk Actor si Pretty Girl na magkape sa condo unit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Brewed coffee, anyone?

NOEL FERRER

Ewan kung immersion, percolation, pressure, stovetop, vacuum or automatic ang preferred ni Hunk Actor na coffee brewing method.

Ayon sa javaphile na source ng PEP Troika, effective ang style ni Hunk Actor na pakape-kape.

Andaming pretty girls ang bumibigay at nararahuyo kay Hunk Actor.

Of course, andiyan pa rin ang generous sponsor na nahumaling sa ipinalasap ni Hunk Actor na kapeng barako.

Read: BLIND ITEM: Guwapitong aktor, parang hari kung mag-utos sa alalay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results