PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Graduation Day at Songs For Selina, kumusta sa takilya?

A Special Memory at Sisa, maganda ang box-office performance.
by PEP Troika
Published Mar 20, 2026
graduation day songs for selina
Filipino films Graduation Day and Songs for Selina hit cinemas on March 18, 2026—but how did they perform against six foreign films that opened on the same day?

GORGY RULA

Nakakapanghina ang resulta sa takilya ng dalawang local films na nagbukas sa mga sinehan noong nakaraang Miyerkules, March 18, 2026.

Nag-showing sa mga sinehan ang Graduation Day na pinagbibidahan ni Jeric Gonzales, at ang Songs For Selina nina Rachel Alejandro at Mica Javier.

Parehong mahina sa takilya ang dalawang pelikulang ito na sumabay sa anim na foreign films — Giant, Mudborn, The Mortuary Assistant, Urban Evil Extreme, Guntama on Theater 2D: Shinsen-Gumi Doukan Arc, at Project Hail Mary, na pinakamalakas sa linggong ito.

Kaya posibleng mabawasan pa ng sinehan ang dalawang local films na nagbukas noong Miyerkules.

Read: Barbie Forteza admits regrets but remains grateful for Kara Mia

Ayon sa ilang reliable source ng PEP Troika, hindi man lang daw umabot ng PHP100,000 ang kinita ng Graduation Day noong unang araw ng showing nito.

graduation day poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Songs For Selina naman ay exclusive sa Ayala Malls, at wala pa yatang dalawampung sinehan.

Ayon sa napagtanungan namin, mahigit PHP10,000 lang daw ang first-day earnings nito.

songs for selina poster

THE FATE OF FILIPINO FILMS AT THE BOX OFFICE

Lalong nalulugmok sa pagka-flop ang karamihan sa mga pelikula nating nag-showing na sa mga sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang maganda lang, meron pa rin naman tayong mga pelikulang nakakabawi kahit paano.

Kagaya ng A Special Memory nina Bela Padilla at Carlo Aquino, na nasa pangalawang linggo na.

a special memory

Sa unang linggo nito ay halos naka-PHP20M na raw ito. Maganda ang resulta nito kung tutuusin.

Maganda ang feedback sa pelikula kaya siguro dahil sa word of mouth, marami pa rin ang nanonood nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa second week na ngayon ang A Special Memory, at mas malakas pa raw ito sa dalawang pelikulang nag-showing nung nakaraang Miyerkules.

Read: A Special Memory nina Bela at Carlo, nadagdagan ang mga sinehan

Siguro, gandahan mo lang talaga ang pelikula, maganda ang feedback ng mga manonood.

Mas effective na pam-promote ang word of mouth kesa sa traditional advertising ng isang pelikula.

NOEL FERRER

Ang Sisa ni Hilda Koronel ay nag-showing noong March 4, pero hanggang ngayon ay may naiiwan pa ring mga sinehan.

Hindi siya pumalo nang husto sa unang araw ng showing nito hanggang sa weekend.

Pero dahil sa maganda ang pelikula, napag-uusapan hanggang online, meron pang nag-sponsor ng block screenings.

Read: REVIEW: Hilda Koronel exceptional in Sisa

sisa poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng tatlong linggo, mahigit PHP30M na raw ang kinita nito.

Hindi siya ganun kalakas, pero unti-unti, puwedeng mabawi ng producers dahil sa marami pa rin ang curious na panoorin ito.

Maaring nakatulong din ang pagkapanalo ng Sisa ng Best in Screenplay sa Fantasporto International Film Festivals sa Portugal.

Kaya extended ito sa halos dalawampung sinehan nationwide. Maaring may international screenings pa ito.

At dahil sa maganda ang Sisa, puwedeng makapagpresyo ng maganda sa streaming service.

Kaya tama naman. Gandahan lang ang pelikula at huwag namang tipirin nang husto, ipo-promote ito mismo mga taong nakapanood.

Paano maaepektuhan ng lahat ng ito ng impending fuel crisis, masakit sa bangs isipin.

Kawawang industriya. Kaawa-awang bansa.

Read: Filipino-American Autumn Durald Arkapaw makes Oscar history

JERRY OLEA

Sa Marso 23, Lunes, na ang umpisa ng 8th Sinag Maynila (Sine Lokal, Pang-international) na tatagal hanggang Marso 29, Palm Sunday.

Maliban sa mga documentary at short films, tampok dito ang anim na full-length films — Desperada, All About Her, Ang Bangkay, Sweet Escape, Pinikas, at Lanaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon ang mga ito ng screening sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City) at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).

Sinag Maynila serves as a launchpad for emerging filmmakers and a platform for established directors, with many past winners becoming successful in mainstream media.

UPCOMING TAGALOG MOVIES

Sa Marso 25, Miyerkules ang showing ng Pater Noster tampok ang isa sa "The Big Four" na si Arron Villaflor.

Abril 4, Black Saturday, naman ang playdate ng GL movie na I Fell, It’s Fine, at ng Wonderful Nightmare ng bagong kasal na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Patuloy nating sinusuportahan ang Pinoy movies, kahit patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina.

Read: Oscars 2026: One Battle After Another wins six awards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino films Graduation Day and Songs for Selina hit cinemas on March 18, 2026—but how did they perform against six foreign films that opened on the same day?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results